Chapter 12: Step 5

1K 26 4
                                    

Chapter 12: Step 5

Sunday

Yani's POV

"If you love a person, don't give up. Just wait for that person. And if that person won't love you back, wait until your heart voluntarily quits."

It's been an hour since my "best gang" left me in the green grounds. Bea, Kean, Perry, and Jared helped me in organizing and arranging things to my surprise for Au.

 It's our fourth year anniversary today.

They helped me set up some shady part of green grounds with different kinds of petals, balloons, lights, and other cheesy and romantic things you could think of. Nakakatuwa nga dahil nagkukulitan sina Bea at Kean kanina. I think Kean's going to admit his feelings for Bea sooner or later. Pero syempre may Perry na sisingit.

 Nakakatawa yung eksena kanina. Parang may competition ang dalawang lalaki. Tapos kami naman ni Jared ay tahimik lang na natatawa sa mga nasasaksihan. Si Jared nga ay nagpa-excuse lang sa bar review sessions nila para lang tumulong mag-ayos. And I'm so grateful for his kindness and generosity of giving me the time of the day. Sana ganito din si Au.

Well, ganito din naman si Au dati e. Lagi nga yung nakabuntot sa akin nung grade one pa lang ako at nasa grade two siya. Sabay kami laging pumasok sa school at parati niya akong hinahatid sa classroom habang hila-hila yung trolley Barbie bag ko. Kahit na nahihirapan siya noon ay hindi pa rin siya nagpapatulong kay Mang Arnie na buhatin nito ang backpack niya.

Napakamaalalahanin din niya, lagi niya akong binibigyan sa baon niya. Lalo na yung cream puffs na gawa ng mommy niya! Oh my god. Nung unang beses ko yung matikman, siguro nasa prep ako that time, at unang kagat pa lang ay na-in love na ako sa sarap nung cream puffs. Madalas din akong turuan at tulungan ni Au sa mga coloring assignments ko at kung ano-ano pa. Kaya naman love na love ko siya. Nami-miss ko na talaga yung dating Au.

Simula nung umalis ako two months after he promised to marry me when we're both in the right age, he changed. As in he changed a lot. He's no longer the sweet, caring, thoughtful,  and loving Austin I knew and grew up with. Maybe the impact of my sudden and short noticed leaving for States made him the way he is now. I never knew that my decision ten years ago could lead to this. Never in my lifetime this situation I'm in now crossed my mind that it will happen.

Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan niyon, sana hindi na ako sumama pa sa States. Sana nag-stay na lang ako dito para hanggang ngayon ay okay pa kami ni Au. Kung sanang hindi lang ako naging selfish noon, sana ay hindi nagkaroon ng malaking distasya sa amin ni Au. Hindi na sana nagkalamat pa ang pagkakaibigan namin. Kung sanang naging matapang at honest lang ako noon sa kanya. Hindi sana siya ganito kalamig sa akin ngayon.

Pero kailangan kong lumayo e. Kailangang kailangan talaga. Kung hindi ako umalis noon malamang sa hindi ay sa sementeryo na ako pinupuntahan ngayon. I was diagnosed with anemia that time. Since hindi pa gaanong kabihasa at ka-high tech ang mga kagamitan dito noong 90's, inabisuhan na kami ng family doctor na sa States na ako magpagamot. Dahil kung hahayaan lang namin ang sakit ko, it could lead to leukemia, the deadly type of leukemia.

My parents were so worried that time, they even booked a flight the moment they heard the saddening diagnosis. Ako naman, dahil bata pa ako noon hindi ko pa gaanong maintindihan yung sakit ko. Inakala ko pa nga na sipon lang at lagnat.

Yung usual lang na sakit ng tao. Kaya naman walang-pasabi na umalis kami ng bansa. Maging ako ay nabigla dahil nung gabing yun, umalis agad kami palabas ng bansa. Sabi nina mommy bakasyon lang daw at hindi naman kami magtatagal pero yung bakasyon na iyon ay umabot ng isang taon dahil sa matinding gamutan.

How to Lose Ms. CLINGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon