#A3Prompt5: Write about Maine and Alden obtaining a fortune cookie that they would never want to see come true.
"Ikaw at ako. Ako at Ikaw. Walang Iwanan."
Ilang beses kong pinanood ang episode na 'yun ng Eat Bulaga kung saan nangako kami ni Maine sa isa't isa na walang iwanan. Kumbaga, tuloy na tuloy na hanggang forever. Naalala ko pa nga na isinulat niya ang mga salitang 'yun sa isang kapirasong papel. Oo, tandang tanda ko pa ang lahat ng 'yun. Tila ba sariwa pa ang lahat sa puso at isip ko.
Masaya na sana ang lahat. Ngunit, may nangyaring hindi inaasahan. Dumating ang mga mananakop ng sangkatauhan mula sa ibang planeta. Nakakadiri ang kanilang mga hitsura. Nakakasulasok ang kanilang amoy. Nakakaririmarim ang bawat tagpo sa kalsada. Nagsanib puwersa ang mga higanteng ipis na nagmula sa isang planetang hindi pa namin malaman kung saan. Kahindik hindik.
Binomba nila ang mga gusali. Naghasik sila ng lagim sa buong sansinukob. At higit sa lahat...kinuha nila ang babaeng pinakamamahal ko. Dinala nila si Maine sa space craft nila na nasa tuktok ng Mt. Apo. Naiwan akong sugatan.
Ngayon...kasama ng buong hukbong sandatahan ng mga mandirigma. Lalabanan namin ang mga mananakop na higanteng ipis. Dala dala namin ang mga Higanteng Insect Spray at Moth Ball Cannons. Nakapag imbento din ang bestfriend kong techie ng isang MBV, or Moth Ball Virus.
Napansin ko ang isang kapirasong papel na nasa bulsa ko na may nakasulat na,
"Ikaw at Ako. Ako at Ikaw. Walang Iwanan."
Muli kong narinig ang isang kanta na nagsabing,
"Ipaglalaban ko ang ating pag ibig. Maghintay ka lamang, ako'y darating."
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at nagsabing,
"Maine, wag kang mag alala. Kahit saan ka pa, dadating ako."
Tiningnan ko ang aming mga sandata. Napagtanto ko na iisa pa rin ang pinaka mabisang armas laban sa mga alien ipis invaders-ang HIGANTENG TSINELAS! WHAPAK!
YOU ARE READING
Oikos: Drabbles
РазноеThis is a compilation of my drabble stories for Alden Richards and Maine Mendoza.