#A3Prompt22: Maine, Alden, and the time they wrote about writing.
Hindi madaling bumangon. At lalong hindi madaling mamuhay.
Sa ating panahon, ay nararanasan natin ang sari't saring mga kaguluhan sa ating bansa. Nariyan ang unti-unting pagkabagsak ng moral, dignidad at buhay. Nariyan ang tuloy tuloy at talamak na pagnanakaw at pang-gagahasa sa ating inang bayan. Nariyan ang kahirapang unti-unting pumupugsa sa ating mga naghihikahos na dukha. At nariyan din ang tuloy tuloy na pagpatay sa ating mga aktibista, manunulat at mga elementong tumutuligsa sa mga may kapangyarihang tumapos sa kanila.
Marahil dala na rin ng pagod at hinagpis, ay nagmimistulang mga bangkay na buhay ang ating mga mamamayan. Hindi madali ang maki-alam dahil marami na ang gumagawa ng mali at marahil ay nag-iisa ka na lang na gustong gawin ang tama. Hindi madali ang tumayo sa gitna, at isigaw "Tama na! Sobra Na! Palitan Na!", dahil malamang ay wala nang makakapansin sa mga nangyayari. Malamang, wala na silang paki-alam.
Pero, kaibigan, may magagawa ka. Nagsisimula ang pagkabangon sa isang maliit na tapang para harapin ang lahat. Nagsisimula ang isang rebolusyon sa isang munting ideya... ideya na magbibigay buhay sa isang masigabong pagbabago.
Nagsisimula ang lahat sa isang munting inspirasyon. Tulad ng mga hantik ay nakikibaka tayo sa mga naglalakihang balakid. Sa bawat titik ay nabubuo ang mga salita. At sa bawat bagsak ng mga padyak ng paa sa makatang lupa ay nabubuo ang hiwaga... mabibigyang buhay ang ating nanghihinang kaluluwa.
YOU ARE READING
Oikos: Drabbles
LosoweThis is a compilation of my drabble stories for Alden Richards and Maine Mendoza.