Hayaan mo, Mahal

66 4 0
                                    

#A3Prompt25: The personification of Maine's and Alden's regret. 

Kung marunong lang sana akong gumuhit

Ginuhit ko na ang napakaganda mong mukha

Kung marunong lang sana akong umawit

Inawit ko na ang mga katagang di mabigkas ng aking bibig

Kung marunong lang sana akong lumilok

Linilok ko na ang hiwaga ng iyong kagandahan

Kung marunong lang sana akong sumayaw

Sinayaw ko na ang musikang likha ng pintig ng aking damdamin

Kung marunong lang sana akong tumula

Patula akong luluhod at magsusumamo sa iyong pag-ibig

Kung marunong lang sana akong sumulat

Sinulat ko na ang aking panaginip

kung saan ikaw at ako'y nag-iibigan ng walang hanggan

Kung marunong lang sana akong mag-alay ng mga Rosas

Binigay ko na sana sa iyo mahal ko ang pinakamarikit na rosas

Upang maipadama sa iyo ang pag-ibig kong walang kapantay

Ngunit ako'y isang pangkaraniwang tao lamang

Walang nalalaman kundi ang ibigin ka ng lubusan

Di ko kayang abutin ang mga tala upang ningningan ang iyong daanan

Di ko kayang abutin ang mga bundok upang doon sa tuktok ipagsisigawan ko ang iyong pangalan

Di ko kayang sisirin ang malalim na karagatan upang doon hanapin ang hiyas na magbibigkis sa ating pagmamahalan

Ngunit hayaan mo, mahal ko, 'di ko man kaya ang lahat ng ito'y ibigay sa iyo

Kaya ko't walang alinlangan buhay ko sa iyo'y ialay

Makita ko lamang mga ngiti mong nagbibigay sasay't halaga sa aking buhay.



Oikos: Drabbles Where stories live. Discover now