Chapter 3

411 24 23
                                    

Ashtron's POV

"Ash balita ko marami ka daw customer kagabi." Tanong ng kabarkada ko. "Mga matatandang babae daw, binigyan ka ba ng malaking tip?"

"Hindi ko naman yun customer, nilalandi lang ako ng mga yun." Sagot ko sa kanya

"Alam mo pare, yung mga ganyang bagay dapat sinusunggaban mo na eh, Sayang yan."

"Wala akong balak na manggamit ng ibang tao para lang yumaman." Sabi ko habang kumukuha ng tubig sa ref. "At pare gusto ko pagyumaman ako, sa dugo at pawis nanggaling ang mga pinaghirapan ko."

"Wow! naiiyak naman ako, sfish ba yan? May pinag huhugutan ka ata."

"Gago totoo yun! At hindi sfish, speech yun, tanga ka talaga." Natatawa kong sabi.

"Pare parehas lang yun may s." Sagot niya.

Kinuha niya ang bag pack na nasa ibabaw ng lamesa at nagpaalam sakin. "Pare alis na ko baka malate na ko, wag mong kalimutan ilock ang bahay, baka manakawan tayo."

"Ulol! wala sating mananakaw." Tumawa lamang siya bago lumabas ng pinto.

Ako nga pala si Ashtron Belarde, isang hamak na waiter lamang. Wala na akong pamilya, lumaki ako sa pangangalaga ng bahay ampunan, nang ganap na binata na ako naisipan kong magtrabaho para sa sarili ko at para rin makatulong sa bahay ampunan, gusto kong tulungan sila sister Carla ang madre na nag-alaga sakin.

Sa kasalukuyan, naninirahan ako sa isang maliit na apartment kasama si Karl ang kaibigan kong galing rin sa ampunan.

Nagtutulungan kami sa pagbabayad ng bahay at ang natitira naming pera ay pambili ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga bata sa bahay ampunan.

Marami naman tumutulong sa ampunan ngunit gusto rin namin na tumulong kahit papaano, malaki ang utang na loob namin kila sister, siguro kung hindi nila ako kinupkop nasa lansangan ako ngayon.

Dumadalaw dalaw din ako duon kapag rest day ko sa trabaho, gusto ko kasi makasama ang mga bata, napamahal na rin kasi sila sakin.

Humiga muna ako sa mallit na kama, sobra ang pagod ko ngayon dahil sa dami ng tao sa bar kanina.

Bigla kong naalala si Miracle, napaka ganda niya, ang nipis ng mga labi na tila ang sarap halikan, maganda ang katawan, maputi at napakakinis. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa.

Bigla kong naalala na binigyan niya pala ako ng contact number niya, dali dali kong hinanap ang aking bag at kinuha yung nakalukot na papel.

"Hi Mira kamusta?" Unang text ko sa kanya, pinag-isipan kong mabuti kung ano ang unang message sa kanya.

"Who is this?" Reply niya.

"Ako ito, Si Ashtron."

"Hello Ashtron, maka-kamusta ka naman, akala mo ang tagal nating hindi nagkita."

"Hahaha, na-miss kasi kita kaagad Love." Pagbibiro ko sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas nang hindi siya nagreply, hala! Mukhang naoffend ko.

'Minadali mo kasi Ashtron eh.' Sabi ng isip ko.

"Sorry Ash natagalan sa reply, uhm... i miss you too." Tila lumundag ang puso ko sa sinabi niya, nabuhay ang dapat mabuhay sa aking katawan.

Kahit naman lalaki ako, marunong din akong kiligin, patago nga lang baka mapagkamalan akong bakla eh.

Biruin mo isang anghel na bumaba sa lupa ay namiss din ako. Yung pawis ko sa noo grabe yung tulo. Ano ang isasagot ko? Ah alam ko na.

"Pwede ba tayo magkita ulit?" Tanong ko dahil gusto ko ulit siyang makita.

Natetense na ako, ano kaya ang reply niya.

"Oo naman, kailan mo gusto? pero ok lang ba kung gabi ulit tayo magkita?"

"Ok lang sakin, pero ikaw ba? Okay lang ba sa magulang mo? baka kasi magalit sila kung gabi tayo magkikita." Reply ko sa kanya.

"No, ako ng bahala. Sa park ulit ng Village namin."

"Sige, hihintayin nalang kita duon."

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon, magkikita ulit kami ni Mir, hindi ko maiwasang mapangiti.

Naisipan ko munang umidlip dahil maaga pa naman.

----------

Nagising ako sa pagpasok ni Karl sa kwarto.

"Ayy sorry pare, nagising ata kita."

"Hindi ba halata pare?" Tiningnan ko ang orasan at 10:30pm na.

Shit! baka kanina pa nagaantay si Mira sa park.

Dali-dali akong nagbihis at patakbong lumabas ng apartment, naghanap ako ng jeep na maaari kong sakyan.

'Wait lang Miracle, Papunta na ako.' Bulong ko sa sarili.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and comment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling Inlove with the Average ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon