CHAPTER SEVEN
Gratid's POV
"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa sungit na to habang nandito kami sa sasakyan niya. Nakakahiya nga sa personal driver niya kasi sinolo ko tong passenger's seat para lang makahiga ako. Hoho. Tsaka, baka kasi makatulog na naman ako sa balikat o legs ng sungit na to kung magkatabi kami.
"Tss. Basta .." Sungit talaga kahit kelan oh!
"Basta, basta ka dyan! San nga?"
"Just shut up, will you?" Aray. Shatap daw <//3
Di naman na ko nakaimik hanggang sa makarating na din kami ng mall.
Tsk.. Mall lang pala kami pupunta. Kala ko naman kung san na.
"Psh." Bungad niya agad sakin pagkababa niya ng kotse. Paano, nandito pa din ako sa loob ng kotse. Sana man lang kasi, pagbuksan niya ko ng pinto dibaaa? "Are you just gonna sit right there? Bumaba ka na nga."
"Ayoko nga! Pagbuksan mo muna ko ng pinto!"
Natawa naman si manong driver sa sinabi ko. Ano naman nakakatawa dun? "Sige na sir, pagbuksan niyo na kasi ng pintuan si mam." Natatawa tawa na sabi ni manong driver.
"Oo nga naman! Pagbubuksan mo lang naman ako ng --"
"FINE!!" Padabog naman niyang binuksan yung pintuan ng kotse.
Tignan mo tong sungit na to! Siya pa galit!
"Mag ingat kayo mam ha. Sunduin ko nalang ulit kayo mamaya. Text nalang ulit kayo sir. Enjoy your date po!"
Pagpapaalam naman ni manong driver bago siya tuluyang umalis. Seriously? Kami ng sungit na to? BAGAY?
"YUCK!!"
Pagkapasok naman namin ng mall ni harold eh halos lahat ng atensyon ng mga lalaki na nakakasalubong namin eh, nasakin. Seriously? May dumi ba ko sa mukha o paano? Nakakaconcious pa naman pag pinagtitinginan ka.
"Tss/Argh!" Sabay pa namin na sabi ng sungit na to.
"Bat ba ko pinagtitinginan?"
"Eh bat ka kasi nag shorts? Tss." Ano daw? Connect? -.-
"Ha?"
"Tss. This!" Hinagis naman niya sakin yung jacket na suot niya.
"Gagawin ko dito?"
"Ipulupot mo sa waist mo, tanga."
"Maka tanga ka naman!"
"Tch. Just do it, will you? Nakakarindi ka e." Pagkatapos naman nun eh, inuhan niya nadin ako sa paglalakad.
Sows, concern lang din siguro sakin tong sungit na to kasi feeling niya namamanyak ako. Eh masama na ba kasi magshorts ngayon? Tss.
Pero atleast, may pagkagentleman naman pala tong sungit na to.
Di ko naman alam pero, unti unti din akong napangiti habang pinupulupot ko yung jacket niya.. :)
Harold's POV
"Uhm miss, magkano to?" Tanong ng piglet na to sa may sales lady. Psh. Parang kala mo nasa tindahan lang ba.
"2,500 po mam."
"Mahal naman! Simpleng shirt lang to ha!" Psh. Ngayon lang ba nakapagmall to? Eto namang sales lady na to halatang nagpapa cute. "Hehe. Joke lang miss. Ano ka ba! Bibilhin naman yan ng asawa ko para sakin e. Diba hon?" *wink*
BINABASA MO ANG
Falling in Love :""">
Teen FictionMANHID plus COLD-HEARTED. Equals? GERA, GULO, AWAY, BANGAYAN. HAHAHAHA. Pero, may mabuo kayang pagmamahalan? XD Sa loob ng, iisang bubong? HAHAHA. Let's see .. Falling in Love :"""> © TALLCRAZYGIIIIIRL <3