Chapter Eight : Jealous problems 101?

88 3 0
                                    

Gratid's POV

"H-ha? J-jealous? K-kanino naman?"

"Dun sa dalawang magandang babae sa likod ko kanina.. actually. I like the both of them pero bigla ka lang dumating at inaway sila kasi, NAGSESELOS KA." *smirk*

Inapakan ko naman agad yung paa niya. "ARGH! WHAT WAS THAT FOR?!"

"Jealous mo mukha mo! Hmp!"

Nakakainis naman kasi.. mukha ba kong nakikipagbiruan sakanya? :/ Tapos nung sinabi niya pa na baka kasi nagseselos ako e, nakatingin pa siya dun sa dalawang babae sa likod niya kanina.

Tapos ako pa daw yung nanggulo? -.- Kasi daw bigla kong dumating at nagselos, hmp! Asa siya! AND SELOS?

NO WAY.AS.IN.NO WAY!

Dire-diretso na din na kong lumabas ng jollibee ng bigla nalang din akong nabunggo kaya naman napaupo ako sa sahig. "O-ouch!!"

"I'm sorry miss! Are you hurt?" Nag-aalala naman tanong nung nakabunggo sakin.

O///O

OM.EM.GEEEEEE

ANG GWAPO :"> Tsaka kahit manhid ako, nakaka-appreciate naman ako mg tunay na gwapo noh!!

"Uhm, miss?" Natauhan naman agad ako ng nagsalita siya. "Are you okay? Did I hurt you?" Ay jusko, english speaking si koya.

Pero ang pogi niya. Like, ow em! Hahahahahahaha pero di ko siya crush noh! Napopogian lang talaga ko sakanya. Medyo kahawig niya nga lang si sungit kaso eto, pure american ang itsura kaya ang pogiiiii!

"A-eh.. y-yes! I'm fine, thankyou!!" Natawa naman agad siya sa sinabi ko.

"Hahahaha you're funny! And cute, at the same time. Anyways, can I?" Inalok niya din naman na sakin yung kamay niya tsaka niya ko tinulungan na makatayo. "I'm alvin, by the way. And you are?"

"I'm --"

"She's gratid." Nanlaki naman agad yung mata ko sa nagsalita sa may bandang likod ko. Waah! Anong ginagawa ng sungit na to? >///<

"And she's my, WIFE." Dugtong pa ng sungit na to kaya naman nanlaki yung mata ni alvin. Waaah! Baka naman isipin nito na ang aga ko lumandi at nagpakasal!

"NO! HE'S JUST KIDDING!"

"No, I'm not kidding around here. Nagtatampo lang kasi yung misis ko kaya ganyan."

Kinurot ko naman siya ng mahina sa may tagiliran. "Excuse me!! Anong --"

"What's nagtatampo?" Nagtataka naman tanong ni alvin kaya di ko din maiwasan matawa sa way ng pagsasalita niya hahahahaha.

"Tss, LQ. Tanga." Nahampas ko naman ng mahina tong sungit to. "Osya, una na kami kano!" Hinatak naman agad ako ni harold palayo kay alvin.

"Teka, teka! Akala ko ba gusto mo kumain sa jollibee?" Tanong ko naman sakanya habang hatak hatak niya pa din ako >//<

"Wag na, nawalan ako ng gana."

"Weh? Ikaw? Mawawalan ng gana? At sa jollibee pa?"

"Oo. Dahil sa alvin and the chipmunks na yun. Tss, amerikanong hilaw naman pero wagas magpacute sayo." Natawa naman ako ng malakas. Hahahahahahahaha.

"Ako pala ang nagseselos, ha? Baka ikaw! Hahahahahaha."

"Feelingera talaga, tss." Nauna na din naman na siya maglakad papunta sakin kaya sinundan ko nalang din siya ng marealize ko na palabas na din kami ng mall.

"Oh? Talagang hindi na tayo kakain sa jollibee?" Pigil ko naman sakanya.

"Tss. Obvious naman diba? Bitawan mo nga ko." Inalis naman niya yung pagkakahawak ko sakanya pero kumapit din agad ako sa mga braso niya.

"Waaah! Sungit! Gutom na ko eeeh!"

"Kasalanan ko pa?" Sarcastic naman niya na sabi. Aba, ayos tong sungit na to ha!! Wag niya kong susungitan lalo na pag gutom na ko!!

"Oo! Sino ba kasi tong nakapila na lahat-lahat pero umalis pa at bigla nalang nanghatak?"

"At sino naman tong may kasalanan kung bakit ako nawalan ng gana kumain?" Pambabara naman niya sakin tsaka niya kinuha phone niya at nagtext. "Oh ayan na natext ko na si manong driver. Hintayin mo nalang mag isa dito." Nagsimula na din naman siya maglakad palayo kaya sa inis ko binato ko sakanya yung jacket niya kaya natigilan siya sa paglalakad tsaka ako hinarap ulit.

"Iiwan mo lang ako dito? Tapos ano? Wala pa nga kong kain lahat-lahat!!" UBOS NA TALAGA PASENSYA KO SA SUNGIT NA TO >.<

Napatakip naman siya ng tenga tsaka naglakad ulit palayo kaya sinundan ko ulit siya hanggang sa makarating kami sa may seaside malapit dito sa mall.

"WAAAH SUNGIT! KUMAIN NA KASI TAYO! HUUU!" Nagtatalon-talon naman na ko sa harap ni harold kaya wala na din siyang nagawa kundi hatakin ako papunta sa hotdog stand.

"Oh ayan, hotdog sandwich." Binalik ko naman sakanya agad yung sandwich.

"Ayaw. Jollibee, gusto."

Nagulat naman ako ng bigla siyang natawa ng malakas. "Hahaha seriously gratid? Hahaha naalala ko sarili ko sayo lalo na nung bata pa ko." Saya niya po, ano po? -____-

"H-hehe. Bipolar."

Napalitan naman ng dakila niyang pokerface yung ngiti niya kanina. "Tsk. Nagtext na nga pala si manong. Nasa may parking lot na siya kaya isama nalang din natin kumain sa jollibee."

Kuminang-kinang naman agad yung mata ko tsaka ko kumapit sa braso niya. "Waaah!! Sige, tara na sungit! Let's gooo!"

"Tss. Isip bata na piglet."


--

Habang nakain naman kami e, lumapit na naman yung dalawang babae kanina sa pila. "Omg! Sulit ang paghihintay natin dito!"

"Kaya lang andyan pa din yung fiancee. Tss. Bati na siguro sila."

May lahi ba talagang chismosa na pagka-stalker tong mga to?

Di naman sila pinansin ng sungit na to kahit obvious na nagpapapansin sila. Duh!! Umupo pa nga sa katabi namin na table!!

"Tss. Maawa ka nga sa manok. Halos durugin mo na." Napatingin naman agad ako kay sungit pati na rin sa kinakain ko. Hehe. Oo nga noh. Napanggigilan ko na pala yung chickenjoy.

"Aish!" Nilingon ko naman ulit yung dalawang babae na stalker ni sungit. "Pwede mga miss, umalis na kayo. Panira kayo ng araw eh." Tinaasan naman nila ko ng kilay.

"At sino ka naman para paalisin kami dito?" Sabay pa na sabi nila.

Magsasalita naman na sana ulit ako ng biglang sumingit ang sungit na to. "Tss. May problema ba kayo sa fiancee ko?"

E..e-enedew? Ay este ano daw?!! O//////O

B-bat nakiki-fiancee na din ang sungit na to?!!

"A-eh.. wala naman pogi. Sige na, aalis na kami." Umalis na din naman na yung dalawang babae na yun.

Napatingin naman ako kay sungit na bigla kong hinarap sakanya. "M-may problema ba?"

"Psh. Selosa."


S-selosa? AKO??? >/////<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling in Love :&quot;&quot;&quot;&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon