"Ano ba kasi nakita mo dun ha bes? Maputi lang eh." Puna ko sa bestfriend kong si Shane. Hindi ko kasi feel yung crush ng babaeng ito.
"Ang gwapo kaya!" She rolled her eyes on me. "Ayaw mo naman kasi kinikilatis ng maigi. Mamaya titigan mo sa practice para marealize mo." Sagot niya sa akin habang nag-aapply ng baby powder sa mukha nya. Dismissed na kami sa klase 10 minutes ago and we are about to attend to our weekly choir practice.
"Titigan ko? Duh! Eh kung mahuli niya pa akong nakatingin sa kanya? Baka akala niya pa type ko. Like eww." Tila diring diri ko pang sabi. "I expect that after you had those eyeglasses of yours eh kasabay nang mamumulat yang mata mo sa katotohanang there's nothing likeable about him!" How can I make her understand na that guy Laurent she's been fantasizing about all these time is not even attractive! Maputi lang, parang walking labanos!
She just laughed at me. "Look, Tin, bitter ka lang talaga. Palibhasa mga crush mo puro artista kaya ang taas ng standards mo. Di ka naman liligawan ng artista uy. Ambisyosang frog. Besides si Laurent kaya ang pinakagwapong nilalang dito sa school! Balita ko nga siya ang representative ng section nila for the upcoming Intramurals Pageant eh. Ipagcheer natin sya ha? Papagawa ako ng banner na may GO BABY LAURENT! I LOVE YOU!" Nangingilabot nako sa pinagsasabi ng babaeng ito.
"Sa Mister Intramurals? Pustahan tayo sa elimination rounds palang laglag na yun. Hahaha! Feeling hunk eh mukha lang naman bond paper na naglalakad sa sobrang kaputian. Sus! Gusto mo maging boypren yun? Senior ka, junior lang sya, ano na lang sasabihin ng schoolmates at teachers natin kapag NAGING BOYPREN MO, aber?" We study in a Catholic school that's why ang mga nagliligawan or couples dito ay controversial talaga. Maiinit sa mata ng schoolmates at mga teacher lalo na ang mga madreng ngpapatakbo ng school na very particular with those relationship thingy.
"Aba loko ka ha! Wag mo nga malait ang baby kong yun! Saka eh ano ngayon kung ahead tayo sa kanya, age doesn't matter naman ah?" But then wala naman kasi kami kilalang couple dito na ahead ang babae kaysa sa guy.
"Oo na. Sige na wala na akong sinabi. Kunwari nalang all-out support ako dyan sa kalokohan, este kahibangan mo. Hahaha. Wag ka na sumimangot dyan di ka naman cute." Halata na kasing napipikon siya lalo na crush niya ang pinag-uusapan kaya oversensitive. "Tara na malilate na tayo sa practice, puro ka pagpapaganda dyan di ka naman pinapansin nung irog mong mukhang labanos." Nakangisi ko pang bulong. Nag-umpisa nako lumakad palabas ng pinto. Sa AVR pa ng kabilang building pa ang practice namin. Since sophomore year nagseserve na kami sa church choir. Extra curricular din ito at the same time bukal naman sa loob namin ang kumanta para kay Lord. Sabay din kami nag-audition nun ni Shane. Fortunately, kahit medyo pang bathroom voice lang ako eh natanggap rin ako. Haha.
"Ano binubulong bulong mo dyan ha?" Narinig niya pa yata sinabi ko.
"Sabi ko maganda ka na, tara na, malilate na tayo sa practice."
Lumalakad kami ni Shane along the corridor when suddenly sumulpot ang batchmate namin, si Kurt.
"Hi Kristin, hintayin kita matapos sa practice ha? Hatid kita sa terminal mamaya." Alok nya sa akin.
"Hmm, maybe next time Kurt, susunduin ako ni papa mamaya eh." Pagdadahilan ko. It's not that I don't like his company. Parang may something lang sa inaakto nya lately. Parang nagpaparamdam na gusto nya manligaw. Wala pa naman talaga sa isip ko ang pakikipagrelasyon. I'm only 16 with so many dreams. Hindi naman maghihigpit ang magulang ko kung sakaling may manligaw sa akin, for as long as I won't set studies aside. Yung isang ate ko nga, third year pa lang nagkaboyfriend na, still, she has managed to be the class Salutatorian pagkagraduate nya ng high school. Well, I think I just won't have the heart to allow Kurt if he asks me the question.
I transferred here at Saint Emiliana High School, Pampanga, 7 years ago and Kurt had been a classmate for the entire elementary years I spent here. Nung nag-high school na kami napunta na sya sa lower section. Maybe hindi naging sapat ang academic grades nya para makabilang sa first section.
"Oh, alright then. Sometime maybe? Sige una na ako, ingat ka nalang pauwi alright. Shane, ikaw na bahala kay Tin ha. Ingat kayo. Bye!" Pagpapaalam nya.
"Yung totoo bes, nanliligaw na ba sayo yung isang yun? Aba parang kailan lang na elementary tayo at naghahabulan lang sa loob ng classroom at uhugin pa yung lalaking yun tapos ngayon may paalok alok na ng hatid?" Natatawa nyang sabi.
"Hindi bes. Wala rin naman akong interes sa pakikipagboyfriend soon. Saka na yang relationship. Makakapaghintay naman yan." Natatamad na sagot ko.
"Ohh. Talaga lang ha. Parang gusto ko yatang makipagpustahan sayo na magkakaboyfriend ka bago tayo maggraduate ng high school."
"Whaaat?? Talagang idadaan mo sa pusta ang ganung bagay ah? Saka na yang love-love na yan bes, bata pa naman tayo. Masyado pang maaga para ma-meet ang makakatuluyan." Sarap kurutin sa tagiliran ng makulit na ito.
"Okeey. Sabi mo eh. May point ka naman. Crush-crush nalang muna. Gusto mo share pa tayo kay Baby Laurent na crush ko eh. Bwahaha. Bilisan na natin para manamnam ko muna ng sulyap si baby Lau bago magstart ang practice. Hihi" Laurent happened to be a member of the choir, too. Kaya naman todo inspired sa pagkanta itong bestfriend kong nabaliw na yata.
Hay. Eto nanaman kami sa crush nya. Napakamot nalang ako sa batok. Di na bes, iyo na, saksak mo nalang sa baga mo. Sarap sabihin eh.
At the Audio Visual Room..
"I have an announcement to make." Sabi ng choir adviser namin na si Ms. Olive. "I was thinking na dagdagan ng one more day ang practice natin weekly. You have new songs to learn and practice. The pricipal requested for it gusto nya kasi bago yung mga kakantahin natin para sa mass for the Intramurals opening since darating din ang mga stockholders ng school so they won't be listening to the same mass songs we have been singing. Ayaw ko naman iextend ang hours ng practice nyo every Thursday kasi mostly maraming quizzes and activities sa respective classes nyo every Friday. So what will happen is, every Sunday after we sing for the mass we'll have an hour or two to practice."
Nagumpisa ang bulung-bulungan ng mga members. Medyo hindi agree ang iba since maaapektuhan ang family day nila.
"Don't worry kids, I assure you na worth it naman yung sacrifice ng iilang oras. Sister Principal is relying on us dahil lagi niya tayong pinagmamalaki sa mga stockholders. Saka the sooner na makuha nyo agad yung mga songs, balik na tayo sa once a week practice lang". Sabi pa ni Miss.
Everybody agreed on that. Then we proceeded on our practice.
"Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay. Pagka't ang tulong mo sa tuwina'y taglay. Sa lilim ng iyong mga pakpak. Umaawit akong buong galak..." Yan ang favorite sa lahat ng church songs namin. Awit ng Paghahangad ang title at kinakanta namin tuwing communion pero kadalasan kinakanta lang ng solo at sa chorus lang kami sumasabay.
Habang kinakanta ng soloist ang part nya, luminga-linga ako sa paligid. I feel something weird. Parang may nakatingin sa akin na ewan. Naaalala ko tuloy yung sinabi ng kaibigan ko na may third eye na kapag daw feeling mo na may nakatingin sayo, meron daw talaga. Medyo madilim pa man din dito sa AVR. Ih, ang creepy tuloy.
Tinuon ko nalang ulit ang pansin ko sa practice namin. Pero medyo hindi parin ako mapakali kasi pakiramdam ko talaga may nakatingin.
"Tristan, can you repeat the second part? Medyo sintunado yung 4th line mo." Wika ni Ms. Olive.
Habang busy si Tristan sa pagpopolish ng part nya ay ang mga co-members ko naman ng choir ang tinignan ko. Bale nakaform kami ng semi-circle kung saan magkakadikit ang mga pangkat ng Alto, Soprano, Tenor at Bass.
Habang gumagala ang paningin ko ay nakita ko ang ibang members na nagsisitsitan, ang bestfriend ko na mukhang kanina pa yata nakangisi because she's in the same room as her crush, merong nagtetext, yung iba pinanonood din ang soloist with amazement. I only know some of the members by their faces, hindi naman kasi talaga ako nagpe-pay attention sa pagiging close sakanila. During spare time ng practice or even pag after practice na hindi ko hilig makihalubilo. Tahimik lang ako palagi or si Shane, Jacob, o Tristan lang ang kasama ko.
Tuloy tuloy lang ako ng pagtingin sa paligid nang biglang mahagip ng tingin ko ang group ng mga Tenor. Especially those piercing pair of eyes that are looking straight at me right now. Kasabay ng pagtama ng paningin namin ay may kung anong kumabog sa puso ko.
Those eyes were Laurent's.
YOU ARE READING
Twice Mine
Romance"You said you were afraid to lose me, and then you faced your fears and left.."