It's not that I'm greatly affected with what I just learned. Part of me says that I'm only probably being joked on. Kung totoo yung sinabi ni Jacob na may gusto sa akin si Laurent, di kaya curious lang sya sa akin, at hindi naman talaga nya ako gusto? Ano basehan ni Jacob para sabihing He really likes you?
"E ano ngayon sayo kung totoo pa o hindi ang nalaman mo? Hindi ka naman interesado dun sa tao diba?" Bulong ng isang sulok ng isip ko.
Kung makikipag-usap ako sa kanya mamaya, anong makukuha ko? Kung marinig ko sa kanya mismo yung mga salitang sinabi ni Jacob kanina, anong magiging reaction ko?
"A-ahh.. Uhm.. S-sige, pero saglit lang ha?" Nagulat din ako sa sarili ko kung bakit ako pumayag. Pero naisip ko naman, kung makikipag-usap ako sa kanya, malilinawan ako sa lahat.
"Great! Thanks, Tin! I'll text Lau now." Natutuwang sambit ni Jacob.
"Jake, don't get me wrong ha? Pumapayag lang naman ako kasi may gusto lang ako linawin sa kanya, hindi dahil interesado din ako okay?"
"Ano ka ba, di ko naman iniisip yun. And don't worry sa atin lang dalawa itong napag-usapan natin. Well, unless sabihin nya rin sa public ang pagtingin nya sayo. Hahahaha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
At yun nga, nakuhang natapos ng MAPEH class namin today, parang ayoko pa nga matapos kasi parang maiilang ako sa taong kikitain ko pagkatapos.
"Bes, una na ako umuwi ha? Nasa labas daw ng school sina Papa dinaanan na ako didiretso daw kaming SM. Ingat ka pauwi ha. Bye bessy!" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabing yun ni Shane. At least hindi ko na kailangan gumawa ng excuse sa kanya kung paanong mangyayaring hindi ako makakasabay umuwi sa kanya. Alangan naman sabihin kong "Uy bes una kana makikipagkita pa ako sa baby Laurent mo." Saka na siguro ako magpapaliwanag sa kanya pag malinaw na rin ang lahat sa akin.
Sakto naman ang paglapit ulit ni Jacob sa akin.
"Tin, halika isasabay na kita sa akin. Nagtext si Lau ngayon idadaan na kita sa kanya sa labas ng school. Dito ka nalang sana nya susunduin kaso baka hindi ka daw maging komportable with other students around."
"Alright." Sumabay na lang ako ng lakad sa kanya.
Maya-maya pa'y nakarating na kami dito sa likod ng church office. Ngayon ko lang nakita itong shade na gawa sa yero at mga nakalambitin na halamang bulaklakin dito. Wow, ang ganda pala dito, kulay light violet pa man din yung mga bulaklak. Sa loob ng shade ay merong upuang pahaba na gawa sa semento. Sa paligid ay mga naglalakihang puno ng acacia at carabao grass naman ang nakapalibot sa lupa, kasama na rin ng iilang mga halamang bulaklakin na may iba-ibang kulay. Parang ngayon lang ako nagawi dito.
Naging abala ako sa pagtingin sa relaxing na paligid dito kaya pansamantala kong nakalimutan kung bakit ako nandito ngayon.
"Hi.." Anang pamilyar na boses.
Paglingon ko ay nakita ko si Laurent San Victorez na nakangiti sa akin.
"Hi.." Ganting bati ko.
"Galing lang ako sa loob ng church office, nagkwentuhan lang kami ni Kuya Genesis. It's so peaceful here, isn't it?" Ah, yeah. I remember kuya Gen. Alumnus sya ng school namin at matunog ang pangalan nun dahil sya ang head ng mga church-related organizations.
"It is. I didn't know na may ganito palang mini-garden dito."
"Yup. Madalas kami dito nila Jacob tuwing matatapos ang misa ng Linggo. After natin kumakanta sa choir. Minsan din pag gusto kong mag-isip-isip pumupunta akong mag-isa dito."
"Ah ganun ba?" Tanging nasagot ko.
"I'm glad you liked it as much as I do. Kamusta ka pala?"
"I'm doing great." Tipid lang ang mga naisasagot ko dahil wala naman akong ibang alam sabihin.
"Good. By the way, kumain ka na ba? Gusto mo magcoffee or milk tea? I know a place somewhere here."
"No I'm fine kumain naman ako sa break namin earlier. Okay narin ako dito, kung gusto mong makipag-usap dito na lang siguro. Nasan pala si Jacob?"
"Ah, ayun. Sya naman pumunta kay Kuya Gen. Para may privacy daw tayo." Tumawa sya ng mahina.
"Bakit mo ako gustong makausap?" Kunwa'y tanong ko.
"Actually, Tin, hindi ko alam kung ano ang sinabi sayo ni Kuya Jacob para maconvince ka nyang sumama dito pero kung sinabi man nya sayo na gusto kita, totoo yun. That's the truest thing I could ever say today."
"G-gusto mo ako? Pero bakit?"
"Hindi ko rin alam kung bakit, mas hindi ko alam kung kailan nagsimula. All I know is I like you. I kind of.. I sort of.. well i actually do.. like you more than I could tell."
Iba parin pala yung sa kanya ko mismo narinig ang mga salitang yun kaysa nung sinabi ni Jacob kanina. "I.. don't know what to say.." Tugon ko.
"You don't have to say anything, Tin. Sorry I should drop the Ate thing. Ang weird naman na after kong sabihin na gusto kita ay tatawagin kita bigla ng ate diba? Hehe. I believe that what's important is I was able to tell you what I want to. Before, tinitignan lang kita sa malayo, or kung nagiging mabait ang pagkakataon natitignan kita ng malapitan. Magkasama nga tayo sa choir but I never got the chance to actually talk to you. So I just chose to like you in silence. But when I did, I just got to like you more that it actually made me fall.." Nararamdaman kong medyo kabado sya sa mga bagay na kinoconfess nya ngayon. Ano daw? Fall? As in fall in love? How is that even possible?
"Sorry, Laurent. But i don't find it possible that you get to like a person today and then you already have fallen the next day. Ikaw na mismo nagsabi na pinapanood mo lang ako sa malayo. So what you're saying is you are actually liking what you are physically seeing. What do you even know about me? Ni last name ko nga siguro hindi mo alam e." Matapang na tanong ko.
"What do I know about you? Marami. By my own observance, apart from other information I asked on some people, I actually got to know you. Your whole name is Kristin Brigette Abellana Lorenzo. You were born on December 25, 1991, Christmas Day, probably why you were named Kristin. So according to my computation ay 16 years old kana. You are the simplest lady I have ever seen. I guess your favorite color is purple dahil kulay purple ang bag mo, ang pamaypay mo na nakikita kong gamit mo sa choir, even the handkerchief that belonged to you the other day is purple in color. Napaka-soft spoken mo kaya gustong gusto kong naririnig na naglilead ka ng prayers at novena tuwing flag ceremony. Paborito mo ang mga novel ni Nicholas Sparks, minsan kasi nakikita ko yung mga librong bitbit mo mula sa library. Tuwing mainit, yung ilong mo ang unang una pinagpapawisan. Kahit nga yata nakapikit ako, kabisado ko ang mukha mo." Bahagya pa syang natawa saka pumikit. "I've always loved looking at those hazel brown eyes that seem to sparkle especially when you are happy. Ang cute cute ng nunal mo sa magkabilang pisngi. Ang buhok mo, if not tied in half-ponytail, nakalaglag lang lagi. Yang maliit mong mukha ay binagayan ng manipis na labi, pati nga yung sungki na ngipin mo sa lower part ay napapansin ko tuwing nagsasalita ka." Oy, ah. Ba't pati sungking ngipin ko napapansin mo? E kung tuhurin ko kaya yang balls mo sabay takbo tutal nakapikit ka naman? Gusto kong sumabad pero hindi ko na isinatinig ang nasa isip ko. "You seriously look like an angel to me, lalo na kapag nakangiti ka o tumatawa. Naiinggit nga ako sa mga taong nginingitian mo kasi I'm sure you always made it possible to brighten up someone's day with that dazzling smile of yours." Ngumiti sya at dumilat na. "I may not know your favorite food pero kadalasan pag nakakasalubong kita sa canteen may bitbit kang Mogu-Mogu yung grapes flavor. You are a very helpful person. Hindi lang kita iilang beses natanawang nagbibigay ng tulong dun sa matandang lola na namamalimos sa harap ng simbahan. All in all, you are a lady loved by mostly everyone who knows you." Dire-diretso nyang litanya. Aba pahiya ako, medyo madami ngang alam ha? Parang gusto ko na yata mangilabot baka iniistalk pala talaga ako nito. Hmm.
"Bakit ako?" Sa dami nyang sinabi ay yun lang ang naisagot ko.
"Because you are you. Hindi ko rin alam pero ganun naman yata talaga diba? Hindi mo naman pwedeng iplano kung sino ang magugustuhan mo. Ang alam ko lang pwedeng iplano ay yung kung paano mo mo mapapasaiyo yung gusto mo."
"What do you mean by that?"
"Tutal nagpaka-honest narin ako at nilunok ko na lahat ng pride ko para humarap sa ngayon, lulubusin ko na." Napapalunok pa sya mukhang kabado. "If you'd give me the chance, I want to see more of you everyday. I want to court you, Kristin Brigette."
YOU ARE READING
Twice Mine
Romance"You said you were afraid to lose me, and then you faced your fears and left.."