Chapter 7

22 1 0
                                    

Habang nagsasalita syang nakapikit earlier, I got the chance to stare at his face. Ang puti talaga ng kutis ng isang to. Ako nga kahit yata ibabad ko pa ng limang oras araw-araw ang balat ko sa Likas Papaya at magscrub three times a day ng Asian Secrets Lulur ay hindi ko maaachieve ang ganitong kutis. Ang kinis pa. Taghiyawat pa nga yata ang mahihiyang tumubo sa mukha nya. I realized na medyo mahaba pala ang pilik-mata nya. Hindi man perfect ang pagkakapantay-pantay ng mga ngipin nya, he still got a good set of teeth. Ang mga labi nya, natural na mamula-mula. Daig pa yung akin. Ang buhok nya, manipis lang at medyo kulot. Wala akong maihahambing na artista sa pisikal nyang hitsura pero he's uniquely handsome. Handsome?? Pakiulit nga?

The second he opened his eyes, I looked away. Ayaw ko naman mahuli nyang tinititigan ko sya, no.

"A-ah.." Ay bakit ako nauutal?

"So... okay lang ba?" He smiled auspiciously.

"Sorry.. hindi ako nagpapaligaw." O ano ka ngayon? Haha. Baka ibaon pa ako sa lupa ng bestfriend ko once nalaman nyang gusto mong manligaw. Tsk.

"Hmm. Bakit naman?"

"Wala sa priority ko, eh. Saka na pag 18 na lang ako, kahit mas matanda ako sayo, menor de edad parin ako, noh." Sabi ko lang yun, wala kasi akong masagot. Mehehe.

"Aww." Bigong wika nya. "Sige ganito nalang, hindi na lang kita liligawan pero sana pumayag ka man lang na ipakita ko sayo araw araw kung ano nararamdaman ko? Okay na okay na ako dun."

"Anong mapapala mo sa ganun?"

"At least naiparamdam ko sayo kung ano ka sa akin, I won't regret doing that, even I won't get you to like me back. Look, I just really want to do this. Kahit na sa maigsing panahon lang, please? I may leave for Canada in a few months' time and I don't want to wait for many years to ask you again personally. Baka by that time, committed kana sa iba.." So, totoo pala ang sinabi ni Shane na aalis sya for Canada. Eh di ko naman kasalanan na aalis ka. Hmm.

"O kaya ganito na lang, sana pumayag ka." Tuloy nya pa. "Pag 18 kana, liligawan kita, I may not be able to do it personally pero liligawan kita sa Skype, sa Facetime, sa Facebook, sa Yahoo, kahit saan." Ay me ganon? "Pero kung papayagan mo akong ngayon na manligaw sayo, please, even in the slightest chance, I'd be the happiest man here." Teka, teka. Bakit parang meron isang sulok sa akin na gustong pumayag? Bakit parang gusto kong bawiin ang pagtanggi ko kanina?

"To be fair, okay." Sabi ko. "Ayaw ko naman sabihing pumapayag akong ligawan mo ako, kasi I don't want you to raise your hopes, baka isipin mo kaya ako pumayag dahil may pag-asa ka. Ayoko rin naman sabihing hindi ako pumapayag, mukha ka namang mabuting tao, ayoko rin naman isarado ang pinto ko sa mga bagay na pwede kong maramdaman o maranasan."

He sighed in relief. "Wooh! Thank you, Lord. Thank you, Kristin! Akala ko basted na ako agad, eh. Hehe."

"Kaso pala.."

"Kaso ano?" Takang tanong nya

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong may gusto sayo si Shane diba? Yung bestfriend ko? Baka magalit sa akin yun pag nalaman nya ang tungkol dito." Todo kontra pa man din ako tuwing babanggitin ni Shane ang ano man tungkol sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Tin, are you underestimating your bestfriend? Hindi naman siguro sya ganun kababaw. Besides, as a friend, she should always be happy for you and be there to support you no matter what. Wala naman din syang magagawa kung na-in love ako sa bestfriend nyang anghel diba?" Hmm. May point ka. E kung malaman mo kayang hindi lang kita ilang beses nilait-lait sa harapan nya, matuwa ka kaya? Hahaha.

"Uy, wag ka nga. Baka may makarinig sa sinasabi mong anghel-anghel na yan eh. Sige ganito nalang, pag binasted na kita ipauubaya nalang kita sa kanya." Tumawa ako at nakitawa na rin sya.

"Thank you talaga, Tin." Happiness is written all over his face. Mukhang genuine naman ang pag-amin nya sa akin, afterall.

"I just have one wish, though.."

"What is it?"

"Please do all this as discreetly as possible. Alam mo naman ang mga tao sa school, lalo na mga teachers at yung mga madre.. Syempre ayaw ko nalang silang may masabi.. Yun."

"Alright. We'll do this your way. No problem."

"Okay. Hmm. Gusto ko nang umuwi.." Sabi ko.

"Ah ganun ba? Okay lang ba ihatid kita sa inyo?"

"Ay! Hindi pwede. No. Baka magalit si mama. Next time nalang siguro." Todo tanggi ako syempre ayaw ko naman biglain si mama ng ganun. Baka ulanin ako ng sermon.

"Alright. Sige sa terminal na lang kita ihahatid. Hm, ayos lang ba magpaalam muna tayo kina kuya Genesis sa loob ng office?"

"Okay sige."

********

"Bessy, ilang taon na rin tayong magkasama, alam mo bang halos kilala na kita mula ulo hanggang paa?" Medyo nagulat naman ako sa biglaang tanong ni Shane na to. Lunch break ngayon ng Lunes. Hindi kami nagkita kahapon sa choir for mass, nagkaroon kasi daw ng emergency sa kanila. So as much as I wanted to tell her everything that happened last Saturday after we parted, ipinagpaliban ko na lang. Hindi naman maganda kung ikukwento ko over text or phone call, sobrang kulit pa man din nito.

"Weh? Di nga? Sige nga, ano size ng waistline ko? Hahaha." Natatawang sagot ko.

"Di ko alam! Hahaha. Basta alam ko mas malaki waistline ko sayo. Sige na, ikaw na sexy!"

"Sabi mo kilala mo na ako mula ulo hanggang paa?" Biro ko pa.

"Yih. Maliban dun bes. Hehe. Pero di nga, halos kabisado ko na rin ugali mo, mga ayaw at gusto mo, mamumukhaan pa nga yata kita kahit 50 feet away ka sa akin, eh."

I could sense na may tinutumbok ito sa sinasabi nya.

"Oo na. Oo na. Bakit bigla mo nasabi yan? Ang weird mo ngayon ah." Tugon ko.

"Kilala ko na yung babae bes.."

"Sinong babae?"

"Yung babaeng gusto ni Laurent." Seryoso nyang sabi.

"Sino? Saka paano mo nalaman?" Medyo natigilan ako.

"Last Saturday afternoon, may picture syang pinost sa fb. Picture ng babae. Panalo nga yung caption eh. Kayang patayin lahat ng pantasya ng nagpapantasya sa kanya. Hahaha." Pwes, hindi nya ako pinicturan nung araw na yun.

"Sino naman?" Tanong ko.

"Heto, pakita ko sayo." Nilabas nya ang cellphone nya at naglog-in sa Facebook. Sinearch nya ang profile ni Lau at hinanap ang naturang post.

Nakita ko ang picture ng isang babaeng pamilyar na pamilyar sa akin. Nakatalikod ang babae na mistulang nakatitig sa kung ano man ang nasa harap nya. Medyo nililipad din ng hangin ang itim na itim na buhok nito. Nakasuot ng kulay white na t-shirt na kulay blue ang sleeves. MAPEH uniform namin yun. Meron pang caption na "Roses are red, Violets are blue, the best feeling is when everything you need is right in front of you." Ako ang babae na nasa picture. Na-capture siguro ito nung kadadating ko lang dun na kasalukuyang inaappreciate ang ganda ng paligid.

"Ikaw ito bes. Ikaw ito. 107% akong sigurado. Talikod ka nga." Hinawi nya ang balikat ko para maitalikod ang katawan ko. "Ikaw nga ito bes, walang duda. Pero paanong nangyaring ikaw ito? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" May pagdududang tanong nya.

Twice MineWhere stories live. Discover now