:HEY GUYS! AFTER 1 YEAR NAKAPAG-UPDATE NA RIN AKO.. SORRY FOR THE LONG WAIT! NATAGALAN KASI BUSY AKO SA SCHOOL HIHI <3
Marami pong grammar and typographical errors .. feel free to correct me. Kung ayaw niyo sa story ko please, wag niyo nalang basahin.. hehe!
~~
"Mayghad, mader! Bakit ba kahit kailan hindi mo ako pinapayagan sa concert ng BTS?" Sabi ko kay mama habang umiiyak. May pera naman ako eh, ayaw lang talaga ako payagan ni mommy di ko alam kung bakit.
"Anak naman kasi eh, may tiwala naman ako sa'yo... kaso sa iba, wala. Isa pa, isang ticket lang mabibili mo sa pera na 'yan, diba pang VIP pinagipunan mo? Gawin mo nalang Gen AD para kasama ako," sabi ni mama habang ngumingiti.
Aba, aba. Sakto dumating si papa, "Oh, Krissiane ano iniiyak-iyak mo d'yan?" tanong ni papa.
"Eh kasi si mama, eh! Ayaw ako payagan sa BTS concert huhu! Gen AD daw bilhin ko para kasama siya... Ayaw ko nun! Di ko makikita ng malapitan si Jungkook! Di ko feel! Parang langgam lang sila no'n!" Reklamo ko habang umiiyak. Pinipikit-pikit ko pa mata ko para makita ni papa luha ko, hehe!
"Pilitin mo si mama...pilitin mo si mama....pilitin mo si mama..." Bulong ko kay papa na parang nangh-hypnotise.
Natawa naman si papa sa inasta ko. Ano ba yan! Tinawanan pa ako, can't you see I'm desperate here? Oh, napa-english pa ako ni-hindi ko nga alam kung tama ba 'yung grammar ko. Haha!
"Darling, payagan mo na itong anak mo, kaya na n'ya yan! 18 years old na 'yan.. Dito ka nalang sa bahay manuod ng concert ko... hihi," yuck! joke lang po,"Tsaka alam mo namang matagal na niyang pinapangarap na makita 'yung mangkok na 'yon o kung sino pa man 'yon. Bakit ba kayo baliw na baliw d'yan.. Malalaos 'rin yan," Sabi ni papa kaya nasuntok siya ni mama sa dibdib. Binigyan pa siya ng death glare. Wow, "Totoo naman e, pero hinding-hindi malalaos ang pagmamahal ko sa'yo.. Walang kupas." Dagdag pa ni papa na ikinangiti ni mama.
Pumayag ka na mama please... Nag-aantay ako dito oh.
"Fine, sure! Basta, baby, mag-iingat ka ah? Pag may nakita kang nakatitig sa'yo tumakbo ka na baka may balak sa'yo yon!" Sabi ni mama habang hinahaplos yung mukha ko. Jusme, bine-baby parin nila ako hanggang ngayon, pero gan'un talaga... only child kasi ako.
FINALLY! Pinayagan na rin ako!
Pagkatapos no'n ay naglinis ako agad ng bahay kahit na malinis na dahil sa mga maids namin. Pero still, naglinis parin ako. Kasi alam mo na, pampa-goodshot. Baka bawiin ni mama sinabi niya, eh. Pa-goodgirl muna ako.
ARAW NG TICKET SELLING. Inshort, THE HUNGER GAMES.
Sobrang haba ng pila. May babaeng sinubukan na sumingit pero sinamaan ko lang ng tingin kaya ayon tumakbo sa likod. Haha! Para kay Jungkook!
Damn, sobrang haggard ko ngayon, pero success! VIP STANDING A. Okay na'ko dun, sa harap na harap ako! Para enjoy! Medyo kinakabahan ako kasi first time kong aattend ng isang concert, wala pa akong kasama. Nakakakaba. Ayaw ko namang isama si mama baka kasi umakyat pa du'n sa stage at yakapin 'yung bias niyang si Taehyung. Jusme, mas malala pa sakin si mama eh!
Pwede naman kasi siyang bumili ng sarili niyang ticket, huhu. S'ya 'yung may trabaho dyan eh.. Nag-iipon lang ako dito eh.. huhu.
Palakad-lakad lang ako dito sa SM habang nag-iisip-isip.
Natuwa naman sa'kin si mama kasi marunong na daw akong mag-ipon. Hindi katulad dati na palagi akong humihingi kay papa. Sa totoo lang, mayaman ang pamilya namin. Bunga iyon ng pagsisikap ni mama at papa para umahon sila sa kahirapan. Gusto nilang ipakita sa mga taong nang-api sakanila noon na kaya nilang umahon gamit ang sarili nilang kakayahan. So ayun, nagbunga ang kanilang paghihirap. Kilala ang pamilya namin sa buong Asya. We own many companies pero wala akong balak manahin 'yung mga kompanya na 'yon kasi isa lang naman ang pangarap ko... alam mo ba kung ano?
Maging asawa ni Jungkook!
Haha! Lahat naman tayo pangarap natin ay maging asawa ng bias natin eh. Kahit malabo, ano? Just kidding! Hindi imposible 'yon! As long as you and him are breathing... walang imposible! Fighting!
"Hoy! Ba't ka tumatawa d'yan, nabubuang ka na ba?" Ay pvnyeta! Bwiset talaga tong babaeng to! Kahit kailan paepal sa buhay ko!
"Aba, ba't ka nandito?" Tanong ko sa bestfriend kong si Jannah habang naka-taas kilay.
"Hinahanap ko lang 'yung kaibigan kong KPOP," Sagot niya sabay irap.
Natawa ako, "KPOPPER kasi! Anong KPOP? Jusme!" Sagot ko sakan'ya pero inirapan nanaman niya ako. Tanggalin ko 'yang mata mo eh, bwiset!
Nakaupo kami sa may bench kasi napagod na ako kakalakad. Ngayon ko lang na-realize na nalakad ko na 'yung buong 2nd floor ng SM kaka-isip. Kanina niya pa daw ako sinusundan pero ayaw niya akong pigilan kakalakad kasi mukha daw akong tanga. What a good friend. Sabunutan ko to eh.
"Anyways, friend may hindi lang ako naiintindihan sainyong mga KPOPPER," Panimula ni Jannah. Tinitigan ko lang siya hudyat para ituloy n'ya, "Bakit ka nakikinig sa KPOP, e hindi mo naman maintindihan atsaka sino ba iyang Jungkook na 'yan? Kilala ka ba niyan?"
Napa-irap ako,"Wala kasing kaming pake kung hindi namin maintindihan, ramdam na kasi namin yung kanta kahit na hindi namin alam kung anong meaning nung kanta. Basta nasa feeling iyon... Yung ganda ng harmony, beat o 'yung melody ng kanta, gan'on," sabi ko, "Si Jungkook ay ang aking asawa. Period. Hindi niya ako kilala pero pake mo ba! Haha!"
~~~
HI GUYS! makakapunta kayo sa Concert? HAHA, ako hindi eh sadlyf ayaw ng parents. :(
Sorry kung maiksi lang! Bawi me next timeeeee~ kung may reklamo kayo paki-comment nalang! HAHA Thanks k bye!

BINABASA MO ANG
Jungkook ( Jungkook FF )
Fanfiction"Bakit ka nakikinig sa KPOP, e hindi mo naman maintindihan atsaka sino ba iyang Jungkook na 'yan? Kilala ka ba niyan?" Gosh, ayan lagi tanong sakin ng mga kaibigan ko. Nakaka-stress! Nakakaloka! at Nakakainis! Wala naman akong pake kung hindi ko mai...