After ng concert dumiretso agad ako sa Starbucks at naroroon ang bestfriend kong si Jannah na matiyagang naghihintay sa'kin dito. Nakapikit siya habang umiinom ng kape. Mukha s'yang baliw.
"HOY!" Sigaw ko.
Napatingin naman lahat sa'kin kasi sobrang lakas ng boses ko. Nahiya naman agad ako. Dahan-dahan akong umupo habang tinitignan lahat ng tumitingin sa'kin. Yung tinging "ano-ngayon-lang-kayo-nakakita-ng-maganda?"
"Ano ba iyan, Krissiane! Napaka-eskandalosa mo talaga! Kinakahiya kita." Sabi nito.
Hmp! "Hi everyone! Besty ako nito!" Sigaw ko habang tinuturo siya. Haha!
"Tsk, nakakahiya ka!" Sabi niya habang tinatakpan mukha niya. Ang bad niya talaga sakin! Palitan ko kaya siya? Joke. Jannah for life lang! Bawal ako magbesty ng iba magseselos to e! Kahit ayaw niya sa pagiging maingay ko at eskandalosa love na love ako nito.
"Uyyyyyyyyyyy! Alam mo ba?" Pagsisimula ko.
"Hindi! Hindi ko alam at wala akong pake!" Bulyaw niya sa'kin.
Nagpatuloy parin ako syempre,"Sobrang pogi nila grabe. Yung abs ni Jimin shet! I need to see more! Tapos grabe 100% yung level ng energy nila kahit sobrang hirap ng choreography ang ganda parin ng boses nila. Stable parin. Huhu, gusto ko na pakasalan si Jungkook girl."
Nagkwento ako sakan'ya hanggang sa sumuko s'ya at nag-ayang umuwi nalang kasi hindi na daw kinakaya ng utak niya, "Ano ba naman kasi 'yan! Pag tinitignan ko sila feeling ko pare-parehas lang mga pagmumukha nila!" reklamo nito.
Ilang beses ko na s'yang iniintroduce sa BTS pero di parin niya makuha-kuha kung sino ba 'yung member na 'yon. Hays. Lahat kasi sila pogi e. Haha!
Pagkauwi ko tulog na lahat ng tao sa bahay. Sinubukan kong matulog pero hindi talaga ma-process sa utak ko na nakita ko sila for the first time! Naging part ako ng ocean. Omg. Number one to sa bucket list ko. Ang number two is: PAKASALAN SI JUNGKOOK.
Hindi ako masasatisfy sa buhay ko hanggat di ko siya mapakasalan. Siya lang gusto ko, wala nang iba.
KINABUKASAN.
Nagising ako dahil sobrang ingay sa baba. Bumaba ako at nakita kong nakikipag-usap si mama at papa sa isang lalaking may kaparehas na hairstyle tulad ni Jungkook..... at parehas ng style ng pananamit ni Jungkook. Nakatalikod kasi di ko makita mukha. Wait.... Baka si Jungkook to? Oo! Si Jungkook to! 4 years na akong ARMY. Syempre, likod palang alam ko na.
Hindi ako makahinga. Totoo ba to? Wait, ano ba itsura ko?
Dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto at lintek mukha ako zombie. Di ko natanggal 'yung makeup ko dahil sa kakaisip sa BTS. Lutang ako.
Habang nag-aayos napa-isip ako. Si Jungkook ba talaga 'yon? Ba't siya pupunta dito? Baka naman di si Jungkook 'yon? Baka nag-hahallucinate lang ako.
Dahan-dahan akong bumaba kasi sobra akong kinakabahan. Bawat hakbang ko pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na kaya.
"Oh, anak! Gising ka na pala! Good morning!" Bati nito.
Napatingin sila mommy at..... JUNGKOOK sa'kin.
Hindi ko na kaya.....
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" Sigaw ko habang niyayakap si Jungkook.

BINABASA MO ANG
Jungkook ( Jungkook FF )
Fanfiction"Bakit ka nakikinig sa KPOP, e hindi mo naman maintindihan atsaka sino ba iyang Jungkook na 'yan? Kilala ka ba niyan?" Gosh, ayan lagi tanong sakin ng mga kaibigan ko. Nakaka-stress! Nakakaloka! at Nakakainis! Wala naman akong pake kung hindi ko mai...