Part 2

2 0 0
                                    


(Hyna's POV)


hindi ko alam kung anong trabaho ba ang dapat kong gawin, kinakailangan ba nila ng katulong kaya ako ang nirekomenda ni Madam? huminga na lang ako ng malalim habang isa isa kong inaayos ang gamit ko sa loob ng kuarto ko. hindi ako makapaniwala na makakatira ako sa ganito kagandang bahay, kahit nga yung kama ko ayaw kong higaan dahil natatakot akong masira... grabe noh?! apple green ang kulay ng kumot at unan ko, hugis bilog din ang kama na parang napakalaki masyado para sa isang taong matutulog dito. puti ang pintura ng buong kuarto na may hot pink na carpet sa ilalim ng kama, light blue naman ang kulay maliit na sofa set sa bandang kanang bahagi ng kuarto na may mini yellow center table. kung sino man ang nagdisenyo nitong bahay na ito ay papalakpakan ko siya.

kokonti lang ang naman ang dala kong damit pero hindi ko alam kung paano naging dalawang bagahe ang bitbit ko. inisa isa kong isabit sa loob ng closet ang mga ito saka nagpasyang magluto ng pananghalian dahil malapit na din namang mag alas dose ng tanghali. 

kung hindi ka ba naman maniningkit ng mata eh pagbukas na pagbukas ko ba naman ng pinto ay mukha agad ni satanas este ni Justin ang nasilayan ko.  hindi padin nawawala sa mukha  niya ang inis tuwing nakikita ako, hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko sa kanya pero tuwing nagkakasalubong ang landas namin ay parang guguho ang mundo. bago pa sumama ang timpla ko ay tinalukuran ko na agad siya at tinungo ang hagdanan pababa sa dining area. 

agad kong naabutan ang kambal na naglalaro ng play station. si Tyler naman ay may bitbit na tray at libro at mukhang sa balkonahe ang punta. teka teka lang parang may nakakalimutan ako. huminto ako sa paglalakad para isipin kung ano man ang nbakalimutan ko nang maramdaman ko may mabigat na kamay ang tumapik sa balikat ko "umalis ka sa dinaraanan ko" inis nitong tugon sa akin.

hay naku kakalbuhin kita kahit guapo ka pa. hindi ko na pinagtuunang pansin ang pagalala sa nakalimutan ko kaya nagsimula na akong magluto ng pananghalian. hay! mukhang katulong talaga ang papel ko dito sa pamamahay na ito. buti nalang malaki ang sweldo. 

nagsimula na akong maghiwa ng mga sangkap na gagamitin ko at palambutin ang baboy na nakita ko sa ref. "anong lulutuin mo?" tanong ng isa sa kambal nang lumapit sa mesang pinaghihiwaan ko ng patatas. "afritada sana. may gusto ba kayong kainin?" tanong ko habang nakayukong naghihiwa.

"hmmm wala naman bahala ka na sa lulutuin mo" sagot naman niya. teka sino ba sa kambal ang kausap ko. agad kong hinarap ang lalaking nakangiti sa akin. "hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng maayos sa inyo pasencya na" agad kong pinunasan ang kamay kong basang basa para iabot sa lalaking kaharap ko.

"I'm Hyna, Hyna Batumbakal" nakangiti kong pagpapakilala.

"well then, I'm Daniel Skye, and over there is my twin brother Denver. you can call me Dan or Danny. kilala mo naman si Tyler na diba? He is Tyler Del Mundo, and siya naman si Justin" sabay turo sa masungit na lalaking umiinom ng tubig habang nakikinig ng music. "Justin Hrustl" nakangiting baling sakin ni Dan. 

inihain ko na ang pagkain sa hapag kainan saka tinawag isa isa ang mga bago kong alaga. "masarap ka pala talaga magluto" puri ni Tyler sabay subo ng kanin ulit. syempre nagpantig ang tenga ko sa sobrang kagalakan. talent ko kaya ang pagluluto.. kung pwede lang tumawa ng malakas ay kanina ko pa ginawa.

tahimik lang na kumakain si Justin habang iniisa isang inaalis ang mga gulay hindi din siya kumuha ng kanin pero may dalawang slice ng wheat bread sa harap niya na pinartner sa niluto kong ulam. sinabayan ko sila sa pagkain. at nakinig sa kwentuhan niya. napapansin ko padin ang inis ni Justin tuwing napapatingin sa akin. 

hapon na nang maalala ko ang nakalimutang cellphone ko sa kuarto, nangako nga pala ako kay Mrs. De Leon na tatawag ako pagkadating na pagkadating ko sa bahay ng mga bago kong alaga. 

"Hello Ma'am naku pasencya na talaga" paumanhin ko sa kabilang linya

"Magagalit pa ba ako? eh tatanda lang ako lalo sayo" kamusta ang apat?"

"ok naman po pero madam katulong po ba ang ganap ko dito?"

"Hyna, assistant ka, hindi katulong ok? sige na, icheck mo yung email ko. remind them na may photoshoot ang heaven tomorrow ok?" 

ito ang unang gabi na hindi ko makakasama sa pagtulog ang mga kapatid ko. kamusta na kaya sila, kaninang hapon ay ginugol ko ang sarili ko sa pagaayos ng kuarto ko. ginawan ko din sila ng schedule na nakadikit sa mga pintuan ng kuarto nila para hindi nila malimutan saka inisa isang niligpit ang kalat sa sala. ito ang kauna unahang pagkakataong nasa estrangherong pamamahay ako. kung kanina nageenjoy akong tingnan ang buong paligid ay ngayon naman nalulungkot ako dito magisa sa malaking kama. 

F.Y.I. I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon