Part 6

2 0 0
                                    


(Hyna's POV)


natameme lang akong nanatili sa posisyon ko kahit na sakit na sakit na ang pwet ko at likuran ko sa pagkakahulog ko kanina. agad na tumayo si Justin at inayos ang pagkakakabit ng nakatapis na tuwalya at inis na inis na pinapaalis ako ng kuarto. 

"Anong nangyari?" malakas na sigaw ni Daniel nang takbuhin niya kaming maingay, marahil rinig na rinig sa baba ang lagapok ng katawan ko kanina. "T-teka?! Bro did you guys just... I mean I saw what happen. sana sinara ninyo ang pinto" nahihiyang tugon ni Daniel matapos niya kami mabutan sa ganoong posisyon. agad din naman siyang nilapitan ni Justin para batukan "aray!" mabilis na reklamo ni Daniel.

agad namang pumasok si Tyler sa kuarto at inalalayan akong tumayo "are you okay?" tanging tango lang ang nasagot ko. nanatiling nakatikom ang bibig sa pagkagulat. 

"jeeez just get out already" saka ako pinandilatan ni Justin ng masama. 

inalalayan ako ni Tyler papunta sa kuarto ko at saka lang ako natauhan nang isara niya ang pinto ko. 

sa dinami dami ba namang tao sa buong mundo bakit siya pa ang naging first kiss ko???!!!! NO!!!! hindi pwede!!!! paikot ikot kong lakad sa  kuarto. 

"ano ba naman yan Hyna oh napaka clumsy mo talaga" paulit ulit kong sermon sa sarili ko. 

lalabas sana ako ng bahay para magpahangin muna kahit sa park man lang pero nagdadalawang isip akong buksan ang pinto ng kuarto ko paano ba naman kasi magkatapat lang ang pinto ng kuato namin ng tukmol na yun. bahala na nga. dahan dahan kong binuksan ang pinto ko at dahan dahang lumabas dala ang maliit ko na coin pouch. 

"Anong ginagawa mo? at nakayuko ka pa dyan" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng lalaking kanina ko pa pinagtataguan.

"ahhh.... ehhhh..." nahihirapan akong makipagusap sa kanya dahil tuwing napapatingin ako sa mukha niya ay naalala ko lang ang nangyari kanina. 

"E... O... U...? nakalimutan mo ba ang vowels?" pagaasar ni Justin.

agad naman nagpantig ang tenga niya sa lalaking nakasimangot sa harap niya. "hoy, tumabi ka nga at dadaan ako. bwisit! manyak!" inis na inis na sigaw ko sa kanya.. GRRR!!! ka stress siya.

"ako pa talaga ang manyak ahh? sino kayang pumasok sa kuarto ko kanina habang nakatuwalya lang ako" hindi ko alam kung bawit parang umakyat ang dugo ko sa buong mukha ko at pakiramdam ko ay naginit ang mga pisnge ko.

"excuse me Mr. Hrusl, nagmamagandang loob lang akong dalhan ka ng pagkain wag kang assumero at feelingero hindi ka guapo noh!" inis na inis na singhal ko.

"talaga lang ahh. iba ang sinasabi ng mga tingin mo" sarkastiko nitong tawa sa akin saka pumasok sa kuarto niya. 

padabog akong bumaba ng hagdanan saka hinanap ang susi ng bahay. 

"aalis ka? eh gabing gabi na" wika ni Denver habang naglalaro ng playstation nito.

"magpapahangin lang ako sa labas." paalam ko.

"sasama ako. ilakad natin si Angelina" nakangiting harang ni Daniel sa hallway habang  bitbit ang aso nito.


F.Y.I. I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon