Part 7

2 1 0
                                    


(Hyna's POV)

magdadalawang linggo na akong housemate ng Heaven ayy mali Hell pala. magdadalawang linggo na kaming nagbabangayan ng tukmol na ito at ngayon ito nanaman ako, alilang sagilid -gilid. napabuntong hininga na lang ako tuwing nagtatama ang tingin namin ni Justin ay halos puti na lang ang nakikita ko sa mata niya kakairap. Buti na lang at kahit papano mabait ang tatlo kong alaga. 

"Hyna halika nga muna dito" tawag ni Mrs. De Leon sa akin.

"Yes po Ma'am!" nakangiti kong bati

"mamaya wag mo kalilimutan ang celebration party nila ahh. at ikaw magbihis ka. wag mo damahin ang pagiging yaya sa apat mong alaga" sermon sa kanya

"huh? Madam naman sinermonan pa ako. okay lang naman kahit nakapantalon lang ako mamaya" matamis kong ngiti sa kanya.

"hay naku Hyna, pumunta ka doon kay Grace at magpaayos ka. alam na niya gagawin niya at kanina ko pa nautusan" nakasimangot na sinunod ko na lang si Mrs. De Leon. Noon pa man ay hilig na niyang ayusan ako, nanghihinayang daw kasi siya dahil maganda naman daw ako kaso syempre wala sa bokabularyo ko yun dahil mas inuuna ko ang pagiipon para sa mga kapatid ko kesa magpaganda.

"Boys! after ng shoot natin magcecelebrate tayo kaya pack your things right after this"  malakas na pagbibigay ng instruction ni Mrs. De Leon sa apat.

nakakunot naman ang noo ko habang inaayusan ako ni ate Grace. hindi kasi ako sanay na may ibang humahawak sa mukha ko. "wag kang kumunot Hyna at hindi ko maikalat ang foundation mo" marahang sermon ni ate Grace sa akin. 

"eh kasi naman ate Grace, umandar nanaman ang pakulo ni Madam, kailangan ba talagang ayusan ako?" reklamo ko.

"kailangan kasi party yung pupuntahan mo at saka baka pagkamalan ka pang yaya doon eh malayo naman sa job description mo yun." nakangiting tugon sa akin ni ate Grace. "ang swerte swerte mo nga at kasama mo ang apat na yun sa bahay. hay kung ako yun araw araw kong niyayakap si Denver" dugtong pa nito na parang kinikilig.

"si Denver talaga ang crush mo? nakakaloka ka" tama bang pumayag ako. nakakaloka mukhang napasubo ako. at pakiramdam ko naka ilang patong na si ate Grace ng pagpapahid sa mukha ko. 

"Oh Ayan! oh tara magbihis ka na" sabay abot sakin ng damit na nakahanger. 

"ito? bakit ito? mukhang mahal baka masira ko lang" nagaalangan akong kunin masyadong maganda at mukhang hindi babagay sa akin sa totoo lang ito ang kaunaunahang magsusuot ako ng ganito. 

"gaga, tara na at mukhang tapos na ang shoot" agad ko namang sinuot at nagmamadaling suotin din ang sapatos na inabot ni Ate Grace na katerno daw ng damit. hindi ako makapaniwala sa nakita ko sa salamin, ako ba ito? ang ganda naman niya. 

"tara na boys! I'll see you all sa party. nakakaramdam ako ng positive vibe" wika ni Mrs. De Leon na mahahalatang good mood dahil sa lakas ng boses ay umabot na dito sa kinaroroonan ko.

"nasaan si Hyna" rinig kong sabi ni Tyler na mukhang napalakas ang pagsabi nito.

"Hyna? Dear halika ka na at aalis na tayo" tawag sakin ni Mrs. De Leon

nahihiya akong lumabas saka inipit sa likod ng tenga ko ang nalaglag na buhok  na tumakip sa mukha ko. 

"Wow Hyna! I told you ang ganda ganda mo! I'll see you all sa party ok?" nag ok sign pa si Mrs. De Leon bago umalis.

nakatulala lang si Tyler, Denver, at Daniel na tinitigan ako mula ulo hanggang paa. samantalang si Justin ay nakataas naman ang kilay saka inirapan ako at nilagpasan, mauuna na daw siya sa van.

"Ikaw ba yan?" paikot ikot si Daniel sa akin habang tinititigan ako. hindi padin siya makapaniwala.

"ang galing talaga ni Ate Grace" masayang sambit naman ni Denver.



F.Y.I. I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon