CHAPTER TWO: THE HELP

6 1 0
                                    

Magkasama na sina Nash at Arrenne. At dala-dala nila si Blue na kayang lumiit hanggang 12".Papunta sila ngayon sa isang restaurant dahil gutom na sila.

"Hoy, Nash mayroon ka bang pambayad?"-Arrenne

"Wag kang mag-alala akong bahala, tara pumasok na tayo dahil gutom na talaga ako."-Nash

Hinablot na naman niya si Arrenne papasok ng restaurant.Agad siyang pumwesto sa lamesang malapit sa pintuan.Lumapit sa kanila ang isang waitress.

"Ano pong gusto niyong kainin?"-waitress

"Isang buong Roasted chicken."-Nash

"Iyon lang po ba?-waitress

Nag-nod lang si Nash at umalis na ang waitress. Inilapit ni Arrenne ang kanyang mukha kay Nash. Nagtaka naman si Nash.

"Hoy,sabihin mo nga ang totoo may pera ka ba talaga?"-Arrenne

Sasagot na sana si Nash pero dumating na ang waitress. Umayos na sila ng upo at inilapag na ng waitress ang inorder ni Nash. Saka tumalikod na.

" Pagbilang ko ng tatlo tatakbo tayo."-Nash

Bulong niya kay Arrenne, nagulat si Arrenne sa sinabi ni Nash.

"Pero...."-Arrenne

Hindi na siya nakapagsalita dahil kinaladkad na siya ni Nash paalis sa restaurant. At napansin sila ng mga tao sa loob ng restaurant.

"Hoy, bayad niyo."-waitress

Hindi na sila lumingon pa, napaluhod nalang ang waitress dahil mapapagalitan siya ng boss niya. May babaeng lumapit sa kanya.

"Miss,ako na lang ang magbabayad nong inorder nila."-sabi nong babae.

Napatayo kaagad ang waitress at tinanggap ang pera. Saka umalis na ang babae.

THEN:

Hingal na hingal silang dalawa ni Arrenne na umupo sa damuhan. Tiningnan ni Arrenne si Nash ng masana.

"Baliw ka na ba?"-Arrenne

"Matagal na. Ikaw kaya magutom ng isang linggo tapos wala kang pera. Paano ba kasi makakuha ng pera?"-Nash

Paliwanag niya kay Arrenne. Nagtaka si Nash ng biglang tumawa si Arrenne.

" Anong nakakatawa."-Nash

"Alam mo bang lahat ng bagay ay dapat binabayaran ng pera. Pag wala ka non wala kang kakainin, at kailangang paghirapan mo iyon."-Arrenne

ELEMENT 4 : A Tale UntoldWhere stories live. Discover now