CHAPTER FIVE: POWER OF FEELINGS (1.2)

3 1 0
                                    

Umalis na sila ng Inn. Naisipan nilang sumali sa magic games. Isang laro para sa mga nilalang na ipinanganak na may magic sa katawan.

"Ilan ba ang kailangang sumali?"-Nash

" Ang sabi dito tatlo daw sa isang grupo. At ang maganda 3,000,000 jewels ang prize. Mabubuhay tayo non ng tatlong taon."-Xereh

Agad na napatingin si Arrenne sa papel na hinahawakan ni Xereh. At nanlaki ang kanyang mga mata ng malamang hindi nagbibiro si Xereh.

"Sige, sasali tayo. Ilista mo na ang pangalan natin."-Arrenne

Isinulat na ni Xereh ang kanilang mga pangalan. Pagkatapos ay nagdesisyon na silang pumunta sa arena. Sobrang mangha ni Nash ng makapasok sa arena.

" Pwede bang dito na tayo tumira?"-Nash

Napahawak siya sa kanyang batok dahil binatukan siya ni Arrenne. Maraming tao sa arena. Inaabangan ang laban. Nagsidatingan na ang mga host.

"Magsisimula na ang ating isang araw na laro. Mayroong apat na kalahok.Una, ang Sinners. Ikalawa, ang Four. Ikatlo, ang Black Dove. At ang huli...oh...bago ito. Ang Element 3."-host

Naghiyawan ang lahat ng tao. Marami ring nagbubulungan kung sino ang Element 3.

" Sisimulan natin ang labanan ang elimination round. Unang lalaban ang Four at Black Dove."-Host

Nagsisigawan ang mga tao at isinisigaw ang pangalan ng pangkat na kanilang sinusupurtahan. Pinatunog na ang hudyat upang makapagsimula na ang labanan sa dalawang pangkat.

"Kami ang mananalo ngayong taon. Kaya sumuko ka na."-Member ng Four

" Mangarap kayo!"-Member ng Black Dove

Nagsimula na ang laban si at natutuwa si Nash sa kanyang nakikita. Parehong malalakas ang naglaban pero sa bandang huli nanalo parin ang Black Dove. Naghanda na sila dahil alam nilang isa sa kanila ang tatawagin para ilaban sa kabilang grupo.

"Ang susunod na maglalaban ay ang Element 3 at ang Sinners. Mula sa E3 ay si Xereh Aquarius at sa Sinners ay si Jack. Simulan na ang laban."

Naglaban sila, malakas ang nasa Sinners pero sa bandang huli natalo pa rin nila ang Sinners. Napatalon sa tuwa sina Blue at Arrenne. Tinulungan nila si Xereh na makaalis sa Loob ng arena. Ngayon ilalaban na sila sa Black Dove.

"For the final battle, si Nash at Brooke."

Naglakad si Nash papasok sa arena habang chinicheer naman siya ng kanyang mga kasamahan. Nagkatinginan silang dalawa ni Brooke at nginisihan lang siya nito. Sa isang iglap inatake siya nito. Malaki ang epekto nito kay Nash dahil hindi siya nakapaghanda. Napahawak si Nash sa kanyang braso. Tinawanan siya ni Brooke.

"Wala ka pala eh... sumuko ka na lang."

Napalingon si Nash sa kanyang mga kasamahan na panay lang ang pagcheer sa kanya. Napatingin siya ulit kay Brooke at yumuko. Nagtaka si Brooke nang bigla na lang humalakhak si Nash. May lumalabas ditong mainit na aura. At sa isang iglap inatake siya nito. At natamaan ang kanyang ribs kaya napatumba siya kaagad. Nagtatatalon sa tuwa ang kanyang mga kaibigan. Agad silang tumakbo kay Nash at niyakap ito. Napatingin si Nash kay Brooke.

"Malakas ka pero huwag mong maliitin ang kapangyarihan ng pagkakaibigan."

Napaiyak si Brooke, umalis na silang tatlo. Binigay sa kanila ang kanilang napanalunan at tuwang-tuwa silang umalis ng arena. At hindi nila alam na may tao palang sumusubaybay sa kanilang mga galaw. Pero para sa kanila ang araw na ito ay dapat na ipagdiwang.

End Of Chapter Five

Author's Note: 

Salamat sa pagbabasa sa novel ko. Hope you like it. Please don't forget to vote or to comment. Love You all.

ELEMENT 4 : A Tale UntoldWhere stories live. Discover now