CHAPTER FOUR: POWER OF FEELINGS (1.1)

5 1 0
                                    

Kagigising lang ni Xereh at paglabas niya ng kwarto hindi niya nakita sina Nash. Napatingin siya sa mesa at may notebook siyang nakita. Agad niya itong binuksan at binasa. Hindi niya alam pero napaluha siyang bigla.

"Ku-kuya."-Xereh

Agad niyang pinahid ang kanyang luha at tumayo at tumingin sa buong bahay niya.

" Tama si kuya Drian kailangan kong ipagpatuloy ang aking buhay kasama ang aking mga kaibigan."-Xereh

Nasa train station sina Arrenne at Nash kasama si Blue nakasakay na sila pero ilang minuto pa at aalis na ito.

"Mukhang hindi talaga siya sasama."-Nash

Napabuntong-hininga na lang si Nash at isinandal ang ulo sa bintana ng train.

" Oo nga noh. Paalis na itong train at di pa siya dumadating wala na talagang pag-asa."-Blue

Sabay silang tatlo na napabuntong-hininga at tumingin sa labas ng bintana.

"Ok lang ba na sumama sa inyong paglalakbay?"-Xereh

Napatingin silang tatlo kay Xereh na nasa kanilang harapan. Ikinatuwa naman iyon nilang tatlo. Tumalon si Blue kay Xereh at dahilan para bumagsak siya.

" Xereh."-Blue

Nagsitawanan silang apat. Tinulungan ni Nash na tumayo si Xereh. Masaya at ligtas ang kanilang byahe papuntang Crux.

"Wow! Ang ganda dito."-Xereh

Tumango naman si Arrenne bilang pagsang-ayon. Nilibot nila ang buong Crux. At napag-isipan nilang umupa ng inn na matutulugan. ~Inn~  Nasa iisang kwarto lang sila. Naisipan ni Arrenne na ikwento ang mga nangyari mula nang makilala niya si Nash.

" Alam mo bang minsan na akong nasali sa kalukuhan ni Nash?"-Arrenne

"Talaga? Bakit? Ano bang ginawa ni Nash na kalukuhan?"-Xereh

" Pumasok kami sa isang restaurant nang walang pera."-Arrenne

Tumawa silang dalawa at nahihiya naman si Nash. Napatigil sa pagtawa si Xereh ng may naalala siya.

"Teka, ibig sabihin kayo yong umorder ng roasted chicken pagkatapos tumakas?"-Xereh

" Nandoon ka?"-Arrenne

Tumango si Xereh saka tumawa ng tumawa mas lalo pang nahiya si Nash at namula.

"Anong nakain mo Nash at nagawa mo iyon?", tumawa, " Kakaiba ka talaga?"-Xereh

ELEMENT 4 : A Tale UntoldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora