Noon at Ngayon

23 1 0
                                    

Palaisipan ngayon sa mga kaibigan kong lalaki kung ano ang nangyari kay Cicay. Kung isa ka sa kanila, malamang narinig ko na rin sa’yo ang mga katagang “Kilala ba kita?” Kung bakit, lahat sila ay naninibago sa inaasal ko. Sa tingin ko naman, walang pagbabago sa akin. Totoo yon.

Act 1: Dinner time with friends

Pag sinabing lalaki, malakas kumain. Bilang one of the boys ang turing sa akin, nabasbasan ako ng pagkasiba. Lugi sa amin ang may eat-all-you-can business. Makalipas ang apat na buwan…

Jake: Kambing ka ba? Puro gulay ang ninangatngat mo.

Cicay: Gabi na, mahirap mag-digest ng karne.

(Sabay-sabay) Ang arte mo!

Grabe! Maarte na pala ako ngayon. Kumakain pa rin naman ako ng karne pero hindi yung portion na pang-construction worker. Mas mahilig lang talaga akong ngumata ng gulay.

Act 2: Breakfast after Run for Pasig 2012

Daig ko pa dati ang pastor kung manermon sa mga maaksaya sa pagkain. Andaming nagugutom sa buong mundo pero nakakainis isipin na may mga taong hindi marunong magpahalaga sa pagkain. Pero ngayon…

Cicay: Sinong may gusto ng extra rice? Kalahati lang makakain ko rito.

Buddy: Kainin mo lahat yan, maraming iiyak na magsasaka dahil sa’yo.

Baliktad na ang mundo, ako na ang pinagsasabihan. Patawad, pero hindi ko kayang ubusin ang nakahain, nasisira ang tiyan ko. Nag-offer naman ako kung sinong may gusto, hindi yung derecho basurahan ang motibo ko.

Act 3: Basketball Issues

Panatiko ako ng kahit anong palakasan. Pero nong tumuntong ako sa koliheyo, unti-unting nawala ang amor ko sa PBA (Philippine Basketball Association). Ang korni na kasi. Mas pinagbalingan ko ang NBA (National Basketball Association) dahil ang imposible ay puwedeng mabura ng milagro. Napag-iwanan ako ng balita sa PBA, hindi ko na kilala ang mga manlalaro ron.

Cicay: May basketball player sa Toby’s noong dumaan ako sa SM North. Kilala ko ang mukha pero hindi ko maalala ang pangalan.

Kiko: Hindi mo na kilala ang mga taga-PBA maliban sa Smart Gilas. Sino sa kanila?

Kamote! Kahit pala line-up ng Smart Gilas hindi ko pa rin kabisado. Kailangan ko yatang mag-review sa PBA.

Act 4: Runaway Disciple

Hindi ko alam kung paano nakararating ang mga balita sa dating kong trainer. Malamang may nagsusumbong sa kanya ng mga post ko sa Facebook at Twitter. Hindi ko minamadali ang pagbabalik ko sa larangan ng palakasan. Inaamin ko rin na may mga ginawa akong pagkakamali. Siguro, patung-patong na ang kasalanan ko kaya hindi siya nakatiis at tinawagan ako.

Sir Drei: Oi babaita! Mag-asawa ka muna bago mo i-career ang barefoot running. Gusto mo bang mukhang gabi ang paa mo tulad ni Frodo?! Siguraduhin mo lang na araw-araw kang tumatakbo, hindi yung napupuwersa ka tuwing may race lang. Tigilan mo na rin ang pagpupuyat mo! Suwail ka na ngayon.

Cicay: ……..

Tameme na lang ako. Sunud-sunod ang banat, hindi ako nakasagot. Kung sinuman ang sumbungerong nag-a-update sa kanya… gagalingan ko na ang pagtatago. Haha!

Naririndi na ako pag sinasabihan ng “Nami-miss ko yung dating Cicay.” Sino ba yon? Wala namang nabago, ako pa rin ‘to. Si Cicay… ang pasaway to a higher level.

Nga pala, happy birthday sa’yo, Cicay. :D

#FridayThe13th

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journal-ISM [ I Suck Much ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon