Chapter 2:Teenage level up

3 0 0
                                    

My POV
Enrollment second year,.
.
.
Alam niyo ba na mula pa nung bakasyon pinagdadasal ko na
..
na sana wag kaming maghiwalay ng mga sisters kong sina jen at liz. super thankful ako kay God noon kasi sinagot Niya yung paki usap ko.. 😊
Ksi nung enrollment nakita ko silang dalawa sa listahan ng kapareho kong section. 👏👏👏
At........ Nareshuffle na nga talaga kme may mga pangalan na ndi ako familiar, yung crush ni juna na classmate namen dati ngaun sa kabila na siya...
Yung isang friend pa namen sa ibang school na, at may mga ilan na napunta sa regular class, at 19 nlang kme. Out of 30, nasala na kami sa 19.
.
.
Excited na ako!!!

2nd year..
Pasukan..
Nakatabi lahat ng upuan, nakapalibot sa room, pagdating ko, naglilinis sila,.
.
.
Tapos
.
Nakatunganga ako parang dipa ako makapaniwala na may mga iba na akong mga kaklase, nakita ko si Mr. Left handed naglalampaso,.
Bat andito siya?
Ibig bang sabihin????
.
.
.
.
Oh my gosh! Totoo?! Classmate ko siya...!!
May biglang humarang na kamay sa harap ng mukha ko sabay sabing
"hoy! Maglinis ka nga!! "
"Jeeeeeen!!!"
"Anong ginagawa mo? Maglinis ka din! Haha"
"Ayoko nga, pumunta ako dito para mag aral" pabirong sabi ko.
"Loko ka! Strict daw adviser naten Ngayon, terror" nanlaki pa mga mata niya sa pagkkwento.
"Itigil mo na nga yan at doon nlang tayo sa labas magkwentuhan..."
"Gusto ko yan.. Tara"
"Tamad ka talaga"
"Grabe ka! Mana lang ako sayo!"
"Ah si liz nakita mo na ba?"
"Hindi pa eh, mukhang malalate siya o kaya balak niyang bukas na pumasok, ireserve nalang natin ng upuan para tabi tabi tayo"
.
"Di bale first day palang naman, as usual maglilinis tayo ng half day tpos schedule at mga expectations mamayang hapon" luminga siya sa likod ko. Lumaki Yung mga Mata Niya at pabulong na sinabi
"Pasok na tayo paparating na si maam!"
(Ano ba yan bitin! Dpa nga nakakapagkwentuhan)
Maglilinis daw kme, pati sa harap ng classroom namen sa bandang  baba sa may garden,
eh?
teka
Anong balak neto?
gagawin ata kameng gardener ah, pero syempre kahit labag sa isip ko eh,
sumunod nrin akong naglinis, wala naman akong magagawa eh, akala ko ba bago magpasukan Ang brigada, Hindi Pala, sa mismong pasukan pala.
.
Niyaya kong sa labas nalang kami ni jen para makapagkwentuhan pa kame.
Namiss ko tong daldal na to. 😂
.
Kagaya ng dati pagkatapos maglinis, inayos kme by alphabetical order ulit, ung babaeng naka upo sa harap ko may hinala akong, magiging close ko ulit to! Kahit galing siya sa kabilang section dati..
.
.
di nagtangal nangyare nga, si Elie,
.
kaya apat na kame sa barkada ngaun..
parehas kme ng mga pag iisip, Yung tipong tinginan palang, intinding intindi na namen ang isat isa, kung panghuhusga, or nagagandahan o nagwagwapuhan kami sa Isang tao o bagay.. Meron siguro kami ng mga matang nangungusap.
paglipas Ng mga linggo may mga babaeng kaklase kame na lihim nameng kinukutya dahil sa sobrang kaartehan, at hindi namin maintindihan kse ung iba nagliligawan na, nakakastresssss.. Ang sarap isumbong sa MGA magulang nila mga toh.
.
Nakilala ko ung mga ibang kaklase namen may kanya kanyang ugali, may mayaman, may pursigido, may sobrang sipag pero page dating SA grades eh, Basta masipag Siya, syempre may mga tamad magpasa Ng assignments at project pero do prin Naman bumabagsak. Pero kasabay nun nakilala ko rin siya,
si mr. Left handed, hindi nga siya naglalaro ng sipa kapag tanghali pero pag uwian naman ayun tirahan na niya ang computer shop. 😮😮 eehh?? Turn off. Uso pa kse nun mga adik sa larong dota at isa siya dun. Dko nga alam bat sila naaadik dun, ampanget ng mga characters, nakakatakot Hindi maintindihan, parang mga maligno (pasensya na, nwith all due respect Yun talaga Ang tingin ko dun), at higit sa lahat anlakas kumain ng pera.. 😀😁😂😂
Hmh. Never mind na siya, ganon naman pla siya, taz sumasama pa siya sa ibang classmates nakikipag inuman, at sumasama sa mga babaeng kaklase namen, nabalitaan ko rin na pumupunta pa sila ng beach minsan at nag iinuman, like what? 2nd year high school palang, namulat Kase Ako na dapat pagkatapos Ng klase at uwi na agad, dapat Bago mag alas said naka uwi kundi kulang nlang magdamag Kang papagalitan.
.
(Ah, mukha lang pla siyang mabaet, sayang wala pa naman sa ichura niya).
Nabalitaan ko rin nagka girlfriend na siya,
na madami siyang nililigawan, Dko na siya crush.
.
.
Hanggat sa December yun..
May activity ung school namen noon, sci. Camp, matutulog kme sa school ng 2 nights and three days. Per section yun, sa kani kanilang classroom, Tapos may mga team colors at team building. Nakaka excite kse medjo strict Sina mama at papa, ngaun Lang ako ndi matutulog sa bahay. Unang araw namin Yun, Friday preparations Ng Umaga, team color at preparation ng yell for each team. Nagsimula nrin Ng team building. Paramihan Ng points each team, Depende sa maipapanalong games.
Hanggang sa gumabi na nun.
Di ako masyadong makatulog Nung first night kaya, nakipagkwentuhan muna ako kina jen, liz at elle, nagkkwetuhan kame Masaya pa Naman Nung una hanggansa napuntansa mga nakakatakot  na storya tungkol SA school namin, tpos may mga ilang classmates kameng sumali na, pati si Mr. Left handed, sumali din, mga nakakatakot, nakakatawa, hangga't sa ala una na Ng madaling araw. maya maya humiga siya, inunanan niya ung bag ko tapos.. kunyaring galit ako,
"hallah dun kna sa side ng boys matulog, bawal ka dto,"
"Dpa naman ako matutulog, makikinig muna ako sa kwentuhan niyo."
"Yang bag ko inunanan mo pa"
"Baket may makikita ba ako dito?"
"Wala pero may mababasag jan matutusok ung ulo mo  pwede kang mamatay, wala pa naman akong pampalit sayo kung sakali"
Idiniin pa niya ung ulo niya sabay sabing "wala naman, makikiunan lang naman ako, grabe ka naman."
Tpos tinuloy na namen ung kwentuhan, pagkaraan ng ilang minuto pagkatingin ko sa kanya,.
.
Tulog na ang mokong! Sa higaan ko pa siya natulog, nahiya naman akong gisingin. Geez.. Saan ako matutulog neto inaantok na ako...
Ayun nakisiksik ako kina liz alangan namang tumabi ako dun., ako pa ung nawalan ng higaan. Hanggang sa kusa siyang nagising at Dko Alam paggising ko NASA higaan ko na ako, baka lumipat ako na Dko na namalayan,. Sa floor Ng room Lang ksi kmi natulog bale naglatag lang kmi Ng higaan at may harang na upuan sa Gitna Ng room, half for girls and half for boys.
.
Bumilis Yung mga araw...
.
3rd year high school..
.
.
Dito na naging magulo ang tahimik na buhay ko... 😁
.
.
hindi na daw kme marereshuffle hanggang fourth year,.. Ewan ko kung anung nakapagpabago ng isip ng mga teachers namen, (pero auz na un! di kme magkakahiwa hiwalay ng mga sissies ko) .
.
.
dito ako nagkaroon ng unang cellphone, nagkafb  (pero dko masyadong ginagamit, dko naman kse alam kung paano, medjo shunga pa ako sa paggamit ng computer eh),
nagkatxtmate, at nagka first chat.. Sumali ako sa tinatawag nlang plebo, para pag sa fourth year eh,
. magiging
officer kme sa CAT (parang ROTC Siya sa college pero CAT Ang tawag sa high school), parang isang subject un sa fourth year na kelangang ipasa,.
Sumali ako, pati si Liz, pinagbantaan ko kasi siya bago ko napasali. 😂 para may kasama ako. May dalawang classmate din kmeng lalaki na sumali si Nathan at si Steve, naging close ko sila dahil lagi kaming magkakasama sa training,..
.
Third year...
.
English time, meron kming groupings about sa tulang "The Passionate Shepherd" (Nako isearch mo na Yung tula kung tungkol saan dali!) sa group daw namin dapat iact or ipakita namin ung ibig sabihin nung poem. Counting na kme ng mga magiging ka group. 1,2,3-4 ako.
.
Dapat daw lima kame sa group tinignan ko ung iba ko pang kasama.. Babae..
Babae...
tapos Si elle!!...
At ang huling membro ay si...
.
.
.
Mr. Left handed's POV
Groupings nanaman, pagkatapos kming igroup magppractice daw kme kung anong gagawin tpos ipeperform sa Friday.
Countings na,. Nakatingin ako sa mga kaklase ko habang sinusundan ung bilang nung teacher, malapit na ako...
...
...1-2-3
"Four"

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now