Tuloy tuloy na kming nagtetexan ni Mr. Left handed. May mga pagkakataong pag naubos pa ung load ko eh hihingi ako kay mama para magpaload kahit gabi na.
Tapos pag nasa school kame, nag uusap nrin kame madalas, magkakasama nrin kmi.
Hanggang sa isang araw,....
Dumating sa puntong...
.
.
*vibrate. click.
.
Open."Pwede bang manligaw?"
..gusto na daw niya akong ligawan...???!!!!
Waaaaaaah!!!Nxodkdndjkdfjicfkfkldkxjdfshhdwkdk
😂😂Totoo pala yung pakiramdam na parang lumulutang ka sa saya,
Hindi ako makapaniwala..
Pwede pala... May chance pla... eto na un... Hinintay ko to eh...
Ang saya, saya saya saya ko nun.!!! (Yung legit na saya)
...
.
.
Sobra... 😊 para akong literal na lumulutang,.. Yung tipong dko na un inaasahan eh pero nagkatotoo nlang bigla, iba talaga pag pinagdasal mo.. Anlakas ng tibok ng puso ko nun, sa sobrang saya, napapapangiti pa ako habang nagttxt...
Hiniling ko un kay God eh, pinagpray ko talaga magmula nung nagtetexan na kme,.. Gabi gabi ko nang pinagdarasal na sana magkaroon ng chance na maging kame.
Kay ex kase dko siya pinagpray eh na maging kame, basta nlang nangyare na ganun (nevermind)
Nakulitan nga ata saken si Lord eh, kaya un binigay niya.
Syempre ilang weeks pa akong nagpakipot, kahit gustung gusto ko nang sabhing oo sige, tayo na,..
Sinasabi ko bka sumuko siya, na bka di rin niya kayanin.
Hanggang sa July 22, 2012 un.
Official na na naging kame. Sinagot ko siya. Mula noon ndi na ako mag isang umuuwi kahit late na akong umuuwi dahil sa CAT, hinihintay niya ako, siya din madalas bumubuhat sa mga gamit ko.
.
Okay naman kami noong una.
Sabi ko sa sarili ko pag nagkaboyfriend ako, gusto ko siya na. Siya na ung mapapangasawa ko. At hiniling ko din un kay Lord, na okay na kapag siya... 😊Sana siya na, Sana kami na hanggang sa Huli..Hanggang sa nalaman ng adviser namen ung tungkol sa amin...
..
..
Palagi kaming pinapagalitan pag nakikita niya kaming magkasama,.
Yung literal na galit na galit siya, Dko Alam Kung bitter lang siya or ewan. ang masakit pa dun, sa isip namen wala naman kmeng maling ginagawa, magkasabay lang naman kmeng naglalakad, umuuwi at kumakain,..
Ung ibang kaklase din namen parang against sa amin kse magmula nung naging kame hindi na siya sumasama sa kanila. At kaaway ko nrin ung isang classmate namen na naging ex niya.
Dumating ung araw na puro mura ung natatanggap namen sa adviser namen sa harap ng mga kaklase namen, kase daw magkasama kme, (napaka OA niya na hanggang ngaun dko prin maintindhan bat ginawa niya un, sobra naman siya at kinaya niya kameng murahin)
Isang araw, pinagalitan ulit kme ng adviser namen kse nkita niya kmeng magkasabay, (ginusto ko rin naman kse na kasabay siya, kse pakiramdam ko ligtas ako pag nanjan, totoo pala ung gnun feeling pag nagmahal ka, akala ko nun kacornihan lang un) sobrang sama ng loob ko nun, pero tiniis ko lang muna yun, tapos, pagdating pa ng hapon nung araw na un kinausap Ako Ng ex Niya at humingi Ng Oras para magka usap Sila, (sa isip ko what for?)nag usap sila ng ex niya, nag paalam pa sa akin ung babae na kaklase namin, kung pwede silang mag usap, ako naman...
Kahit ayoko, umoo nalang ako nakakahiya kse baka sabhin pinagdadamot ko siya, (pero dapat nasa sa kanya nang umayaw dba? Dapat alam niyang masasaktan ako pag ginawa niya un) pero nag usap prin sila, pumayag siya,
pumunta siya,
nakipag usap siya...
.
.
pagdating ng uwian nun, hinintay niya ako kse nagreport pa ako sa CAT, magkasabay na kmeng umuwi nun, habang naglalakad palabas Ng school at naghihintay Ng masasakyan, kahit magtatanong siya, Dko sinasagot, hindi ko talaga siya kinakausap. Dahil sa inis ko sa kanya, galit ako Dko Alam Kung sa Kanya o sa sitwasyon.. Sabay kaming umuwi, pero tahimik lang ako, khit na may sinasabi siya, diko siya tinitignan o kinakausap, Hanggang sa sabi niya sabihin ko daw kung anong problema. (Nakaka inis! Ginawa gawa niya tpos di niya alam?) gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya dahil nahihirapan ako sa ganung sitwasyon nun. Ung tipong nakaharap pa ako tapos sasabhin ng mga classmates namen sa Kanya " Bes namimiss ka na daw ni -(pangalan Ng babaeng may gusto sa kanya at niligawan din Niya noon pero ndi naging sila)--"
Tpos siya tahimik lang. Naipon na kse lahat, tpos pakiramdam ko wala man lang siyang ginagawa tungkol dun. Naiinis ako sa sitwasyon at sa mga taong nasa paligid namen, tapos sa kanya ko naibuhos. Mula sa adviser namin, sa classmates namin, sa ex Niya.
Kaya nung araw na yun sinabi ko sa kanya lahat at sinabi ko rin na ayoko ng ganun.
Na ayoko na. Nakakapagod, ndi ako ready sa gnun... To the point na namumura ako sa harapan Ng ibang tao, tas Kung Anu anong Sinasabi Ng mga kaklase namin.
.
Sinabi ko din na nag uumpisa plang Tayo ganto na...
Sumusuko na ako, Kung ganito Yung kapalit na naging kami, mas gusto ko nlang na Wala nalang kami, mas tahimik Yung Buhay ko.. Wala along kaaway, Buti nanjan Yung MGA sissies ko palagi.
.
.
Tapos,..
...
....
...
Bigla siyang umiyak nun.
.
niyakap niya ako habang umiiyak siya at nagsosorry.
Nung nakita ko siyang ganun, nanghina ako, sapat na Yung mga Nakita Kong luha Niya para mabura Yung lahat Ng inis at Sama Ng loob, worth it ba para iyakan niya ako ng ganun?
dko din kinaya, sabi ko okay na. Sabi ko tahan na, pasensya na ayoko kse na nakikipag usap pa siya sa ex niya, nagseselos ako. (umiiyak ako ngaun habang ineedit at nababasa ko to, naaalala ko yung mga nangyare)
.
Nung oras na un, naramdaman kong nagsisisi siya, naramdaman kong totoo siya. Na dapat Hindi pa ako sumuko. Naramdaman kong dapat ituloy ko pa kahit na halos lahat sa paligid namen ay ayaw samen..
Kaya ng mga sumunod na araw,
Patuloy pring mura ang naririnig namen sa adviser namen kapag nakikita niya kameng magkasama..
Ang bigat bigat ng loob ko sa adviser namin, dahil ung magulang ko nga hindi naman ako sinasabihan ng ganun o kahit minumura nung nalaman nilang may bf ako, tpos siya ung magsasabi ng gnun sa amin? Na para daw sa ikabubuti namin Yun. Ginawan pa namin Ng paraan na wag muna kaming magkakasama pag NASA school, pag uwian nalng kmi magkasabay. Tapos araw araw prin Niya kming minumura sa harapan Ng mga kaklase namin.
may pagkakataon ulit na brineak ko siya dahil dun. Na baka mas okay pag wala muna kame, bka sumaya ung adviser namen pag nalaman niyang wala na kame, kahit na mas masakit para sa akin un..
na ibreak siya,..
.
.
Pero dko rin matiis eh, namimiss ko siya agad. Kasabay umuwi at kasabay mag recess kasama ang mga kaibigan ko...
Titiisin ko nalang ung mga sasabhin ng adviser namen hanggang sa magsawa siya.Naisip ko kase na mas nasasaktan lang ako na walang kame,. Na bat ngaun pa ako susuko medjo matagal nrin kame, at total ginawa na niya un sa amin iendure nalang namen, pagraduate Naman na kmi Ng high school eh.
------------------------------------------------------
ngaun naisip ko sana pilit nlang kaming pinaghiwalay ng adviser namin, sana ndi ko nlang itinuloy pa.
Kumusta na kaya yung mga kaklase kong makapanlait nun sa akin dati, at sinabihan pa ako ng plastic dahil naging kami ni Mr left handed.Libre lait, libre comment
Kahit ano na, pusuan nyo naman oh. 😂
YOU ARE READING
First Love Never Dies
Romancelove is really full of misery. people love to be loved, but even if they know it hurts they still take risk... Did you ever take a risk? Are you taking a risk? Are you willing to take a risk?