Chapter 7: strike two

377 13 0
                                    



Madaling araw ng maalimpungatan ako dahil wala
si vaughn sa tabi ko, kaya bumangon ako at pinulot
ang damit kong nagkalat kagabi, saka ako nagbihis.
Paglabas ko ng kwarto ay hinanap ko si vaughn
kung saang lupalop ng beach hotel pero hindi ko
siya makita, paalis na sana ako pero nahagip ng
mata ko ang naka awang na pinto, nagbabakasakali
ng nandoon si vaughn kaya nilapitan ko, pero
nahinto ako nang marinig kong may naguusap.
"Pre.. Ano nanaman plano ngayong kasal na kayo ni
zera? " sa tono Ng pananalita niya parang si draco
yun.
"At first i just want her... Take her body to be
mine.. No feelings included"
Hindi ko na kinaya yung mga sinabi niya kaya
tumakbo na ako palayo..... Palabas ng beach
hotel.. Pumara ako ng taxi ni hindi nga ako
sigurado kung taxi pa ba ang sinakyan ko dahil sa
luhang humaharang sa paningin ko.... So
pinakasalan niya lang ako para sa katawan ko. How
dare him!!? Akala ko totoo ang lahat! May pa iyak
iyak pa siyang nalalaman, huh! Best actor ka talaga
vaughn zachary d*mn you!!
Nagulat sila lissa nang dumating ako sa bahay nila,
sino ba namang hindi? Ang akala nila ay nagho-
honeymoon kami ng tarantadong iyon.
"Oh? Zera anong nanyari sayo..?...teka umiyak ka
ba? " nag aalalang tanong ni lissa..
"Gaya p-parin siya ng d-dati lissa... Katawan ko
lang ang gusto niya..." Nagsimula nanaman
magunahan ang mga luha ko kaya dali dali siyang
yumakap sa akin...
"Tahan na besy..... Walang hiya yan lalaking yun.
Mapapatay ko siya besy pigilan moko" pag aalo
niya sakin.
Humiwalay naman ako sa kanya at tinigynan siya.
"Besy.... Kapag hinanap ako ni vaughn wag mong
sasabihin kung nasan ako okay?.... Babalik kami ng
anak sa baryo marbel... " saad ko.
"Maasahan mo ako dyan, magreresign nadin ako sa
kompanya niya para hindi niya ako kulitin"
"Pasensya kana kung nadadamay ka sa gulo ng
buhay ko"
"Ano ka ba?... Dapat lang yun dahil magka ibigan
naman tayo mula bata.... Aalis na ba kayo ngayon?
"
Tumango naman ako bilang sagot..
Pagkatapos namin mag ayos ng gamit ay hinatid
kami ni lissa sa bus station. Ito na ang huling
pagtapak ko sa lugar na to... Kada uuwe ako galing
dito puro problema nalang ang nakukuha ko at ang
malala pa sa iisang tao pa.  

He Impregnate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon