Chapter 6
Unbelievable
So eto nanaman ako nag-iisip ulit tungkol sa sinabi ko kahapon.. Ay nako wag na nga lang isipin kalokohan lang naman yun.
So eto na ako sa school ng bigla akong sinalubong ni Jay. Yung EX-BESTFRIEND ko.
"Leo, Sorry. Pls. forgive me." Akala ng mokong na to madali lang tanggapin ang SORRY nya, pwes nagkakamali siya.
"What sorry can do if you already hurted me?Sige nga ano pa magagawa mo? Wala na diba? Wala! Hindi lang wala. WALANG WALA!" Ang aga aga nabwebwesit na ako.
"If God can forgive ikaw pa kaya?" Banat ni Jay. Aba ha naiinggit ata sa mga banat ko kaya binanatan nya ako.
"Well let me get this straight, 1st of all why'd you do it in the first place? 2nd, Why hurt your BESTFRIEND? And lastly, Do you think its hard to accept the words that your crush says to you?" At pagkasabi ko nito umamba na akong umalis ngunit pinigilan ako ni Jay.
"Pede mo naman akong bigyan ng panahon para patunayan ko sa'yo na pinagsisihan ko yung mga sinasabi ko." Pagkatapos niyang sinabi yun umalis na siya.
Hay nako! Aga-aga palang pinapahigh blood na ako. Asar! Sana naman kahit mainit ulo ko may magpapagaan naman ng pakiramdam ko. Ngunit "SANA" lang yun eh.
At eto ako papunta na ng canteen ng bigla kong naaninag ang mukha ng bestfriend kong si Jill.Sakanya na lang ako makipag-usap baka gagaan pa pakiramdam ko.
"Hi Best!" Bati ko sakanya.
"Hi din Best. Bakit ka pala napunta dito?" Aniya
"Syempre para kumain" Pilosopo ko
"Ah ganun, Sige sabay ka na samin" Aniya
Uupo na sana ako ng biglang sinabi ng babaeng bestfriend nya din ata.Joke lang kilala ko naman yang babae na yan eh. Siya lang naman si ChaCha. Sayang lang pangalan nya. ChaCha nga hindi naman marunong magchacha. Wahaha! Joke lang guys. Pero infairness ha, Maganda din siya kaso nga lang maldita.
"Hoy! Bawal lalakeng panget dito!" Sabi ni ChaCha.
"Oy ChaCha wag ka naman ganyan, Bestfriend ko yan eh" Sabi ni Jill
"Crush mo ba yan?"Sabi ni Chacha
"Hindi uy, Bestfriends lang kami" Sumbat ni Jill.
"Keya nga! Wag ka nga mag-isip ng ganyan" Singit ko.
"Oo na! Sige na pede ka ng umupo dito, Pero ngayon lang!" Sabi ni ChaCha
Hay nako! Ang damot talaga neto oh! Sarap sapakin. Pasalamat na lang siya babae siya kundi. NAH!
At ayun nakaupo na ako katabi ni Jill, Syempre nakakatakot yang halimaw na yan(ChaCha). Parang hindi na nga siya tao eh. Pede din tao kaso lang zombie. Akala mo nangangagat, nakakatakot lang ang mukha.
Nung natapos na akong kumain nagpaalam na ako sakanila na mauuna na ako ok din naman sakanila lalo na si ChaCha kasi alam mo na ayaw na ayaw niya saakin. Hindi ko nga din alam kung bakit pero basta lang siya nagalit or pwede na ding nakalimutan ko na yung dati kaya wala akong maalala. Pero, ay basta wala akong matandaan na may ginawa akong masama sakanya. Yun na yun. THE END.
"Ano na kaya gagawin ko sa classroom? Maghihintay magring ang bell? or gagawin ko na lang kaya yung plano ko? Kaso nakakatakot eh. Baka uuwi pa akong luhaan." Bulong ko sa sarili.
At sa huli napagpasyahan ko na sasabihin ko na lang sakaniya pero sa ibang paraan.
"Hello ulit best" Pangungumusta ko.
"Hi" Aniya.
"Tanong ko lang, Ano gusto mo sa isang lalake?" Tanong ko.
"Hmm let me think, Siguro may tatlo yan para saakin. Una kahit hindi gwapo basta mahal ako. Pangalawa hindi ako sasaktan. At panghuli dapat seryoso siya at hindi niya pinagsisihan na mahalin ako" At pagkatapos niyang inilahad yung mga yun. Natouch ako kasi tignan mo naman nakuha ko yung 3 na yun. Ngunit ang problema. Mamahalin niya ba ako?
"Ah ok" Sabi ko naman
"Bakit mo pala natanong?"Aniya.
"Wala lang."Sabi ko.
"Ah okay." Aniya
At nung paalis na ako napasigaw ako ng "UNBELIEVABLE!" At yun naman ang ikinadahilanan ng pagkakuha ko sa atensyon ng aking mga kaklase. Kasali na dun si Jill. Ay bahala na yan. D ko naman mapipigilan eh.
So eto na ako papunta sa upuan ng bestfriend kong si Loki. Para sana imbitahang umuwi ng sabay. At pumayag din naman siya kaya pumunta na kaming Downtown. At pumunta sa paradahan kaya umuwi na kami at..
DITO NAGTATAPOS ANG CHAPTER 5!
--------------------------------------------------------------------EndofChapter5---------------------------------------
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend Ko Pa?(On-going)
NonfiksiMarami talagang bagay ang hinding hindi mo maaasahan tulad ng? Pagkagusto sa Bestfriend mo. Bestfriend that truly cares for you, actions that gives you motivation but no meaning at all. Masakit umasa sa mga ganitong bagay. Nakakabwiset diba? Yung...