MCMMM 7

355 25 2
                                    

Harmony P.O.V.

Nakaupo ako ngayon sa sofa.
Nagpapahinga muna ako dahil napagod ako kakalakad sa S.M.
Ang laki pala ng S.M.

Inilagay na ni Kim yung mga pagkaing binili niya sa Ref.
Gusto ko talaga yung potatoes at chocolate. Huhuhu

Umakyat na ako sa kwarto ko at inilapag ko na ang mga pinamili ko.Nagbihis na ako ng pambahay at bumaba.

Magluluto na lang ako ng hotdog. May kanin pa naman eh.

Pumunta ako sa ref at binuksan ito agad namang bumungad sakin yung.....Urrgghh! -.-
Chocolate at potatoes! Tukso! Layuan mo ako! Baka makain ko.

"Wag kang magtatangkang kainin 'yan" nagulat ako 'nang may biglang nagsalita mula sa likod ko. Tumalikod ako at nakita ko si kim.

"Hindi no! Kukunin ko lang yung hotdog! Magluluto na kasi ako!"
Pagmamaktol ko. Nakakahiya -_-
Akala ba niya kukunin ko? No way! Bibili na lang ako. Ngalang medyo matagal pa >_<

"Naninigurado lang" nangiinis talaga 'tong mokong na 'to!

"Wala ka dapat siguraduhin, dahil di ko naman kukunin!"
Pagsisinungaling ko >.< aish!

"Sige, magluto ka na diyan.
'Yung hindi sunog ah!" Hindi naman sunog yung luto ko kanina ah! Umalis na siya at pumunta sa sala.

"Arte mo!" sigaw ko at kinuha na 'yung hotdog sa ref at inilagay sa frying pan.

Agad namang naluto 'yung hotdog. Nilagay ko yung hotdog sa plato at inihain. Nakita ko si kim na nagbabasa ng libro.
Nagaaral? Asa pa ako -.-

Bumalik ulit ako sa kusina at naglagay ng kanin sa dalawang plato at inihain rin.

Magpapakabait ako ngayon kay kim para bigyan niya ako ng chocolate at potatoes. Bwhahaha

"Kim!^_^ kain na tayo!" Aya ko sa kanya. Tumingin siya sakin at inilapag niya ang librong binabasa niya at lumapit sa lamesa. Tingnan niya 'yung hotdog at tumango tango.

"Mabuti at hindi sunog" ngumiti na lang ako at umupo. nilagyan ko ng hotdog yung plato ko at susubo na sana ako 'nang biglang magsalita si kim.

"Wag kang umasa na bibigyan kita ng chocolate at potatoes dahil nagpapakabait baitan ka"
=___= P'ano niya nalaman?
Sayang naman oh! Kainish!

"H-hin--"-ako

"Wag ka ng magsinungaling at kumain ka na lang" -_- Aish! Sumubo na ako ng napakalaki dahil naiinis ako. Sumubo lang ako ng sumubo hangang sa maubos ko na 'yung nasa pinggan ko.

Napatingin sakin si kim at halata sa mukha niya na nagulat siya.
P'anong hindi siya magugulat eh nauna pa akong matapos kumain sa kanya? -,-

Kinuha ko na yung plato ko at tumayo. Inilagay ko 'yun sa lababo.

Kumuha ako ng baso at uminom ng tubig. Aakyat na nga lang ako sa kwarto KO hahaha
Magtututor pa ako kay kim eh.

Pagkaakyat na pagkaakyat ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha
Yung notebook na gagamitin ko. Kumuha na rin ako ng ballpen at lapis.

Bumaba na ako at nakaupo lang si kim sa sofa habang nagbabasa ng libro. Kainis! Wala talaga siyang balak na bigyan ako ng chocolate at potatoes T^T

Naglakad ako papunta sa harap niya. Tumingala siya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Magaaral tayo....kahit di mo ako binigyan ng..." Sobrang Hina na ng boses ko 'nung sinabi ko yung bandang huli.

"Ok, kukuha lang ako ng snacks ko" tumayo na siya at kumuha ng pagkain dun sa ref. Binabasa ko muna yung notes na binabasa kanina ni kim. Nakaupo ako ngayon sa sofa.

"Turuan mo ako about diyan sa science" pagtingala ko kay kim ay agad kong nakita...
...
...
...
Yung chocolate at potatoes -.-
Edi kainin niya! Tsk! Masyadong madamot!

"Baka maubos yung pagkain ko niyan sa mga titig mo" Kainis ka talaga! Sabihan ba naman daw ako ng ganun?

"H-Hind--- mag aral na nga tayo!!" agad kong binuklat ulit yung notes na binabasa ko.

"Uhhmmmm.....ang sarap"sabi niya habang sumusubo ng chocolate.
Anak ng pagong!! Pinapainggit niya talaga ako!! Madamot! Madamot! Madamot!
Tsk!

Nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa.

Kanina pa siya salita ng salita diyan na masarap daw yung chocolate at potatoes pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
Parang ako lang yung nagaaral, kain lang ng kain kasi 'tong si kim.

Maya maya, habang nagbabasa ako ng notes ay biglang nagsalita si Kim.

"Oh!" Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sakin.
Nakatapat sakin ngayon yung kamay niyang may chocolate at potatoes.

"B-binibiga--" bago pa ako matapos sa sinasabi ko ay agad na siyang nagsalita

"Naawa ako sayo eh! Para kang iiyak na bata" hindi ko na pinansin yung sinabi niya at agad kong kinuha yung chocolate at potatoes sa kamay niya.

Sumubo kaagad ako ng chocolate. Para akong nasa cloud nine! Waaaah! Ang sarap!

"Ang sarap, kim!" sabi ko sabay subo naman ng potatoes.

"Ang sarap din ng potatoes!"
Tiningnan ko si kim habang ngumunguya at nakatingin lang siya sakin gamit ang poker face niya. Pero nababasa ko yung mga mata niya.....M-masaya?
Yung mata niya kasi parang....
Basta... Yung gilid ng mata niya medyo nakataas, tapos....
Basta yun na yun! Bakit siya masaya? Bahala na nga! Baka naghahallucinate lang ako!

Sumubo na lang ulit ako ng chocolate at potatoes.
Kumakain lang ako habang nagbabasa ng notes.

"Matulog na tayo" nagulat naman ako ng biglang nagsalita si kim. Kanina pa kasi siya tahimik.
Tumingin ako sa orasan at gabi na nga. Tumango lang ako at inayos ng yung mga gamit ko.

Umakyat na si kim at sumunod na rin ako. Magkaharap lang yung kwarto namin.
Nasa harap na siya 'nang pintuan ng kwarto niya 'nang tumigil siya kaya napatigil din ako.

"Good night, silly girl" pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na siyang pumasok sa kwarto niya at isinarado na ang pintuan. Naiwan ako dito na nakanganga......
Natauhan na rin ako at pumasok na sa kwarto ko.

Nakahiga ako ngayon pero hindi pa rin ako makatulog dahil naiisip ko pa rin 'yung sinabi sakin kanina ni kim.anong nakain ng monster na 'yun?

Hindi talaga ako makapaniwala.


***
Comment if u like it!
^.^

Ms.Childish Meets Mr.Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon