MCMMM 19

234 8 1
                                    

Harmony's P.O.V.

Thursday na ngayon at bukas na nga kami magpeperform pero bago 'yun, tuturuan muna ako ni Rena kung paano magluto ng iba't ibang putahe kaya narito ako sa bahay niya.

Si Kim ang naghatid sa akin at sabi niya siya din daw susundo -_- nakakasawa na rin 'yung pagmumukha niya. Pumunta siya doon sa mga kaibigan niya kasi magprapractice daw sila at itetext niya na lang daw ako kung tapos na. Pake ko naman? Tss

Nasa tabi lang ako ni Rena habang siya naman ay nagluluto ng Kaldereta. Ito lang daw muna ang ipapakita niya kung papaano lutuin kasi wala ng ingredients. Masyado kasi akong abala, alam ko naman 'yun. Ipapaliwanag niya na lang kung papaano lulutuin ang iba.

Kasulukayan niya ng hinahalo 'yung Kaldereta. Hmmm ang bango. Nakakagutom.

"Dahil Fast Learner ka naman, Ipapaliwanag ko na lang ang natirang putahe" Sabi niya na aking ikinatango.

"Tapos na ba 'yan?" tanong ko habang laway na laway na sa Kaldereta.

"Maghintay ka, malapit na.
Kumuha ka na ng kanin, gutom na rin ako haha"

Gaya nga ng sinabi niya. Kumuha na ako ng plato, kutsara, tinidor at nilagyan ko na ito ng kanin.

"Ito na ang Kaldereta" Sabi niya na parang kumakanta habang inihahain na ang kaldereta.

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at nagsandok agad ako ng ulam at nilagay sa plato ko.

Sumubo ako at
Ang sarap mga bess waaaaah huhu kaya ito ang lakas kong kumain haha

"Hina hinay lang Harmony" Tawang tawang sabi ni Rena.

"Ansarap naman nito. Sa'n mo ba 'to natutunan magluto?" Ubos na 'yung pagkain ko kaya inilagay ko na ito sa lababo.

"Si mama ang nagturo sa akin kung paano magluto ng iba't ibang dish. Pangarap niya kasi dating maging isang Chef ngunit hindi niya ito nakamit" Nasa harap na niya ako ngayon. Pinapanood ko siyang kumain.

Ang swerte niya kasi naturuan pa siya ng mama niya magluto.
Naiimagine ko na ang saya saya nilang magina habang nagluluto.

"Ito ba 'yung bonding niyo?" Tanong ko.

"Oo, habang si Resha ang tagatikim." Patuloy pa rin siya sa pagkain ng magsalita siya.

Sana may kapatid din ako. Nakakalungkot din 'yung nagiisa. Nakakainis! Naluluha na naman ako. Miss na miss ko na si mama at papa. Ang sakit pa rin talaga sa dibdib sa tuwing naalala ko sila. Ilang taon na ang ang lumipas ngunit sariwa pa rin ang sakit. Bakit ba kasi ang aga nilang kinuha sakin? Alam kong "Everything happens for a reason" pero ano namang rason iyon?! Sana alam ko para hindi ako ganitong nasasaktan.

Masayahin ako sa harap ng mga tao. Oo Childish ako. Makulit ako pero minsan nalulungkot din ako. Nasasaktan. Ang tanging nagpapanatiling masayahin sa akin ay ang katagang iniwan ni mama na hanggang ngayon ay aking dinadala.

Dapat happy lang, Harmony.
Masaya na sila sa Heaven.

"Okay ka lang ba Harmony?" Agad na lumapit sakin si Rena at malapitang tiningnan ang aking mukha ngunit ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking ulo.
Pinunasan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa akin mga mata.

Simula noong pumanaw ang aking mga magulang. Hindi na ako umiiyak kasi alam kong magiging sad sila pag nakita nilang umiiyak ako kaya pag paparating pa lang ang mga luha ay agad ko na itong pinupunasan.

"Wala hahaha May naalala lang ako. Musta na pala si Resha? Nasa mabuti na ba siyang kalagayan?"
Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti upang maitago ang lungkot na nararamdaman ko.

Ms.Childish Meets Mr.Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon