MCMMM 20

274 13 4
                                    

Patugtugin niyo po 'yung Tadhana pag nasa bandang huli na kayo ng Chapter 😊



Harmony's P.O.V

Naghanap agad ako ng mga ingredients para sa Kalderetang lulutuin ko at dahil swerte ako, kumpleto ang mga Ingredients kaya nagsimula na akong magluto. Sana maappreciate ni Kim-- Omo! Itetex-- Tatawagan ko na lang siya. Baka galit na 'yun.

Ring--

"Where are you? Diba sabi ko susunduin kita?" Huminga ako ng malalim dahil sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Malala pa ata siya ngayon magalit kasi mahinahon lang.

"A- ahh hehe k-kasi d-d--" Nauutal kong sabi. Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ko dahil agad siyang nagsalita sa kabilang linya.

"I said Where are you now?" Bakit hindi siya sumisigaw? Nakakapanibago naman pero infairness mas gusto kong ganito kasi hindi maingay haha
Nagawa ko pa talagang tumawa sa oras na ito -__-

"Nasa Bahay na. Sorry kung hi--"
Dahil sa magalang siya ay hindi na naman niya ako pinatapos sa sinasabi ako at binabaan niya na ako ng linya! Aish! Nanggigil na talaga ako sa Masungit na iyon.

Tapos na ako magluto, kumakain na nga ako ngayon eh. Hindi ko na hinintay si Kim kasi natatakot ako baka galit na galit 'yun. Tinirahan ko na lang siya ng ulam.

Aakyat na sana ako ng Hagdan ng marinig ko ang napakalamig niyang boses. Ba't di ko narinig 'yung kotse niya? Sinadya niya ba niya talagang hindi iparinig para magulat ako?! Tss

"Sa'n ka galing?" Ito na naman ang puchak na puso ko. Ba't ba ang bilis mo?

Mahina kong hinampas ang dibdib ko para bumagal sa pagtibok ngunit mas bumilis lang ito ng magsalita siya ulit.

"Bingi ka na ba talaga? Sabi ko sa'n ka galing?" Galit na ata siya.
Unti unti akong lumingon sa kanya at pilit na ngumiti.

'Wag kang mauutal, Harmony!
Kalma! Kalma! Puso, makisama ka naman kahit ngayon lang.
Kumuha muna ako ng lakas ng loob para makapagsalita.

"Sa Hospital. Dina--"
Hulaan niyo? Nagsalita siya ulit? Hahahahaha Oo -__-
Hindi ba talaga siya marunong gumalang?

"'Yun lang ang gusto kong marinig" Umupo siya sa sofa at binuksan ang T.V.

Wow, Wow talaga. Hah! Namumuro na ang isang tao.
Nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko, muntanga na 'ko rito.

Hingang malalim, Harmony.
Dapat Think Positive lang.
'Wag kang papaano sa Masungit na 'yan.

I tried to lighten the mood by smiling like an idiot -__-

"Kamahalan, Kain na po kayo.
Meron pong Kaldereta. Ako po ang nagluto. Ako ang nagluto.
Akyat na po ako ha? May gagawin pa ako" Tiningnan niya lang ako na para bang isang alipin lang ako. Tss napakacold-hearted ng monster na 'to.

"Okay lang naman kong nagpaluto ka. Hindi mo kailangang magsinungaling" Napalingon ako sa kanya ng marahas dahil sa kalapastangan na sinabi niya. Nakakuyom na ang aking mga palad at nagiinit na talaga ang ulo ko sa inaasta ng HARI.

Kasulukuyang nasa Lamesa na siya at nagsasandok na.

"FYI lang po KAMAHALAN. Hindi po ako nagsisinungaling. Lalong lalo nang hindi ako nagpaluto.
Kaya kung mararapatin niyo, aakyat na ako." Tumalikod na ako at huminga na naman ng malalim. Kailangan iyon para makontrol mo ang emosyon mo.

"Childish Girl, Magaaral tayo mamaya" Hindi na ako lumingon at tumango na lang ako. Minsan ko na lang siyang natututoran kasi siya lang daw ang magsasabi 'pag may hindi siya naiintindihan.

Ms.Childish Meets Mr.Masungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon