Chapter Twenty-two

113 1 0
                                    

Kate's POV

It's a rainy Thursday today, haiys may bagyo ba? Ang lakas kasi ng ulan eh.

"Kate! Ready kana ba? Tara na baka malate ka pa, umuulan pa naman traffic niyan." haiys oo nga bat hindi ko naisip yun, minsan kasi sa ibang lugar bumabaha kaya kadalasan traffic buti na lang sa amin hindi bumabaha

"andyan na po, baba na!" kinuha ko na yung jacket and bag ako at bumaba na

Nag paalam na kami ni papa kay mama at umalis na, si kuya kasi mamaya pa papasok at susunduin niya si ate samantha tapos si dane naman na suspend klase nila kasi signal number 1 na samin eh dahil kinder pa lang siya wala na silang pasok

Habang bumibiyahe kami ni papa nakatingin lang ako sa labas at pinagmamasdan ang ulan, ang sarap mag senti pag umuulan ahaha.

Pagdating namin sa school nagpaalam na ko kay papa

"bye na pa, ingat ka po." pagpapaalam ko sakanya

"sige na, wag kang magpapaulan okay? Baka magkasakit ka." paalala niya

"okay po, love you pa, ingat." sabay kiss sa cheeks niya

"love you too" at hinalikan niya ako sa noo

Lumabas na ako ng kotse at pumasok na ng school and syempre bago ako pumasok ng classroom dumaan muna ako sa chapel, I do this everyday to ask for his guidance, to thank him, say sorry for everything and specially ngayon na umuulan I pray for those people who are totally affected.

Pagpasok ko ng classroom tatlo pa lang sila and lahat sila nag nanap, well nakakatamad naman kasing pumasok pag umuulan, nakakaantok. Minutes have passed isa isa ng dumating yung mga classmates namin pati na rin sila nate, bella and alex and as expected madaming absent siguro mga lima sila.

Nag start na yung klase namin and after two subjects recess na, napansin ko namang hindi umaalis si nate sa pwesto niya which is sa tabi ko

"uy nate okay ka lang?" tanong ko sakanya

"uhmm. Oo masakit lang ulo ko" sabi niya at inayos niya yung jacket niya, I guess nilalamig siya

"sigurado ka? Tara Punta kang clinic, samahan kita" syempre nag woworry ako for him

"hindi na ok lang ako" sabi niya pa

"sus sinong niloko mo?" sabay hawak sa noo at leeg niya and tama ako may lagnat siya "see may lagnat ka eh tapos sasabihin mo na okay ka lang?" pagpapatuloy ko

"bakit kasi pumasok ka pa kung masama pala pakiramdam mo?" tanong ko

"hindi naman masama pakiramdam ko kanina eh." pagdadahilan niya pa

"asus, sige na halika samahan kitang pumunta ng clinic hingi tayo ng gamot" yaya ko sakanya at pilit siyang pinapatayo, hindi kasi kami bibigyan ng gamot sa clinic hangat d nila nakikita na nay sakit ka talaga

Pumayag naman siya siguro dahil masama na rin talaga yung pakiramdam niya, binigyan na siya ng gamot tapos sinabihan ko siya na kumain muna ng kahit ano bago inumin yung gamot

"teka nga bakit ba masyado kang concern kay nathan ha? Ikaw ha naglilihim ka na sakin" tanong ni alex

"oo nga, masyado kang maalaga sakanya ha." ay nakisali pa si bella

"grabe ha. Masama bang maging worried sakanya? Kaibigan ko naman siya ah?" worried lang talaga ako sakanya sensya na

"hindi naman" sabay nilang sabi

Mind vs. HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon