Nate's POV
long time no see! ewan ko ba dito kay author ayaw yata ako bigyan ng POV dito (AN: hala wala ka pa ba? hmm d ko na maalala HAHAHA)
Anyway, hi guys! Papunta ko ngayon sa bahay nila kate dahil susunduin ko siya at sabay kaming papasok, actually mula nung nag away kami lagi ko na siyang sinusundo kasi gusto kong makabawi sakanya sa lahat ng mga nagawa ko at nasabi ko dahil alam ko namang sobra ko siyang nasaktan at sobrang nagguilty ako dahil doon.
Nang makarating ako sa tapat nila ay nandun na nga siya agad sa gate
"Goodmorning! bakit nasa labas ka na nga? kanina ka pa ba? sorry natagalan ba ko?" sunod sunod kong tanong dahil bigla kong naisip baka kanina pa siya naghihintay sakin tsktsk hindi ko na dapat pinaghihintay tong babaeng to kasi nga sabi ko babawi ako e
"hindi naman po, kakalabas ko lang din, ay goodmorning din!" hayyyy grabe yung ngiti niya talaga nagpapakalma sa akin palagi
"dapat hinintay mo na lang ako sa loob, nga pala for you" sabay abot ko sa isang rose na binili ko kagabi, fresh pa naman yan noh inalagaan ko ng maayos yan kagabi e ako pa ba
"awwww thank you!" masiglang saad niya habang inaamoy ito
"ayyy, thank you lang? wala ba kong thank you hug dyan?" pagbibiro ko naman
"thank you sapak gusto mo?" eto naman naglalambing lng ako sasadistahin pa ko
"sabi ko nga po hindi e" sagot ko na lang at napakamot sa batok
*mua
O.O <-- ayan reaksyon ko pano ba naman tong babaeng to kabud na lng nanghahalik ng pisngi!
"Thank you kiss na lang."
Hindi ako kaagad nakagalaw at nakapag react dahil nabigla ako kaya naman hindi ko na napansin na wala na pala siya sa harap ko at nagsisimula na siyang maglakad paalis
"HOY!!!! teka lng! ikaw ah magnanakaw ka na ng halik ngayon!" paghabol ko sakanya tsaka siya inakbayan
"bakit? ayaw mo ba?" tanong nito
"sinong nagsabing ayaw? nakuuuuuu gustong gusto! isa pa nga!" nakangisi kong saad
"nanay mo isa!" sigaw nito tsaka tumakbo papalayo sakin napangiti na lang ako tsaka ko siya hinabol
[Fast forward - school]
Pagpasok namin sa school ay dumiretso na kami sa may gym dahil ang totoo nyan ay magppractice kami para sa graduation, yep tama ang nababasa niyo. Ang bilis ng panahon noh? Sinong mag aakala na sa final year ko sa highschool makikilala yung babaeng bibihag sa puso ko. Yung babaeng magtuturo sakin ng madaming bagay at magpapaalam sakin ng totoong depinisyon ng pagmamahal. Sa totoo lang nung pumasok ako dito sa school na to hindi ko aakalain na madami akong makikilalang kaibigan, naaalala ko pa nung first day na wala akong kakilala ni isa tapos nakita ko si kate at sobrang nagandahan ako sakanya kaya hinintay ko yung introduce yourself para lang malaman kung anong pangalan niya.
Flashback
"Ok next yes Ms. Padilla kindly introduce yourself."
"Hi guys for those who don't know me, my name is Daniella Katherine Kate B. Padilla but you can call me kate. I'm a volleyball and badminton player but I also play basketball with my brother and dad and I love listening music. That's all we hope we can be friends😊" nakangiting bati niya sa amin, teka nginitian niya ba ako? ako ba talaga o assuming lang ako? hayst baka yung nasa likod ko lang hayaan na nga pero sh*t ang ganda ng pangalan niya bagay na bagay sa mala anghel niyang mukha
BINABASA MO ANG
Mind vs. Heart
FanficPaano kung nagkagusto ka sa isang lalaki pero may isang problema. Gusto rin siya ng bestfriend mo. Willing ka ba na kalimutan ang nararamdaman mo para sa bestfriend mo o hindi? Read for you to find out the real prologue.