Kate's POV
"TINATANONG KITA DANIELLA KATHERINE KATE PADILLA TOTOO BANG KAYO NA NI NATHAN?!" isang tanong na nagdulot ng sobrang gulat sa akin.
"pa? sino pong nagsabi sainyo nyan?" mahinang tanong ko, nanginginig at naluluha na nakatingin kila papa
"hindi na mahalaga sa kung sino ang nagsabi sa amin nun. Sagutin mo na lang ang tanong ko kate!" Galit na sigaw ni papa sa akin habang sila mama at kuya ay galit ring nakatingin sa akin habang naghihitay ng maari kong isagot sa kanila.
"opo ma, pa, kuya. Kami na ni nathan pero hindi po ung as in boyfriend ko siya." dahil sa dala ng takot ko ay napaiyak na ako
"so totoo nga." nakangising sabi ni kuya sa akin
"bakit mo nagawa yun anak?" mahinahong tanong ni mama kahit na alam kong deep inside sobrang galit na niya sakin.
"Ma, pa, kuya I'm sorry. Matagal na akong kinakain ng konsensya ko para sabihin sainyo pero natatakot ako sa maaaring maging reaksyon niyo. I'm sorry." paliwanag ko habang patuloy na umiiyak
"kelan pa?" tanong ni papa na nakatingin ng diretso sa mga mata ko
"one month na kami ni nate pa, noong 24 pa." sagot ko naman habang nakatingin rin ng diretso sa mata ni papa at alam kong nakikita niya ang takot at lungkot sa mga mata ko ngayon
"ganun na katagal? nakaya mong maglihim sa sarili mong pamilya ng isang buwan?" sabi naman ni mama
"ma hindi sa ganun. Alam ko naman na kung mas lalo kong papatagalin mas magagalit kayo sa akin, balak ko naman talaga sainyo na sabihin ngayon kaya lng nalaman niyo na pala." paliwanag ko
"oo mabuti na nga at nalaman na rin namin ngayon mula sa bestfriend mong si alex. I'm very disappointed kate." sabi ni papa na ikinagulat ko. Si alex ang nagsabi?! bakit?
"Kahit pa sabihin mong hind bf-gf relationship yan hindi mo pa rin maaalis yung fact na nagsinungaling ka sa amin at sinuway mo yung pinkabilin sa amin sayo ni papa at mama." tama naman si kuya, nagsinungaling ako at binalewala ko lahat ng mga bilin na paulit ulit nilang sinasabi sa akin.
"I'm sorry po." paulit ulit kong sabi habang umiiyak sa harapan nila
"You are grounded for 1 month kate, bahay at school ka lang naiintindihan mo?! at kung maari gusto kong makilala yang lalaking yan bukas! Give me your phone by the way ayaw kong makausap mo muna yang lalakeng yan.." galit na saad ni papa na mas lalong nakapagpaiyak sa akin
"opo." maikling sagot ko at kinuha ang phone ko sa bulsa ko at tuluyang binigay kay papa
"Now go to your room!" sigaw ni papa at dahil sa takot ko ay agad akong napatakbo paakyat ng kwarto ko at nahiga sa kama ko at patuloy na umiyak.
Paano ko masasabi kay nate na gusto siyang makausap na papa kung bawal akong mag phone? Paghihiwalayin kaya nila kami? at ang isa pang tanong na pumabagabag sa akin ay Bakit nagawang sabihin ni alex ung tungkol sa amin ni nathan kila mama? bakit d niya hinayaan na ako ang magsabi?
Hindi ko masagot lahat ng katanungan na yan sa utak ko ngayon. Nalilito ako, naguguluhan, nalulungkot at disappointed din ako sa sarili ko. Sinira ko yung tiwala na binigay nila Mama at Papa sa akin.
Lumipas pa ang mga ilang oras ng pagiyak ko at pagiisip ng mga bagay bagay hangang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay tamad akong bumangon at nakita ko kung gaano kamaga ang mga mata ko, tinatamad man akong pumasok pero kailangan kaya agad akong kumilos para maligo at magbihis. Pagkababa ko ay ramdam ko ang katahimikan sa buong bahay, binati ko ng goodmorning sila mama pero hindi nila ako sinagot o nginitian man lang at tanging si Dane lang ang bumati sa akin.
BINABASA MO ANG
Mind vs. Heart
FanfictionPaano kung nagkagusto ka sa isang lalaki pero may isang problema. Gusto rin siya ng bestfriend mo. Willing ka ba na kalimutan ang nararamdaman mo para sa bestfriend mo o hindi? Read for you to find out the real prologue.