Introduction

43 1 0
                                    

Bakit?

Bakit nga ba ang malas ko sa love?

Malas nga ba o hindi lang eto yung tamang panahon?

Sa dinami-dami ng babaeng dumating sa buhay ko, parang wala pa ring nangyare.

Minsan nag mukuka na akong tanga dahil paulit ulit na akong umaasa sa taong hindi ko naman talaga dapat asahan.

Sana naman dumating na sya sa buhay ko, yung babaeng mamahalin ka kahit ano man ang mangyare. Yung babaeng seryoso at higit sa lahat ay yung maiintindihan ako.

Ganon lang ako kasimple, kahit ayun lang masaya na ako. Ang pagibig hinanap ko na kahit san man sulok ng mundo. Halos makarating na ako ng ibang galaxy kakahanap sa kanya.

Pero sabi nga ng lolo ko..

"Ang pag ibig ay kusang dumadating, minsan kaylangan lang natin maghintay, pero pag nag hihintay ka naman para sa wala, mas mabuti pang kumilos ka kahit papaano, dahil ang pag ibig na ang nag hihintay sayo".

Sa tingin nyo kaya totoo sinasabe ng mga kaibigan ko na... mabait daw ako, maganda ugali, yung masarap mag mahal, matalino ecc..

Eh bakit ganun wala paren? Siguro ayun lang yung paraan para hindi ako madown sa lahat ng mga nagagawa kong katangahan.

Minsan di ako makapaniwala sa nangyayare sa paligid ko. Bute pa nga yung tropa ko na mas ungas pa sakin may love-life. Di talaga fair ang buhay, sumosobra na. Nakakapangigil.

Araw araw ko hinihiling at idinadasal na sana dumating na yung karapatdapat.

Minsan hindi ko na mapigilan na umiyak  sa sakit na nadadanas ko sa tuwing nakikita ko yung dating minamahal ko na masaya sa bago nya, yung mga tropa mo na sasabihan ng wala ka ng pag asa, yung babaeng gusto mo sanang lapitan, makausap at gusto mong ligawan pero naging huli ang lahat.

Pero hindi.

Hindi ayun yung rason para sumuko, kase hindi naman ako tulad ng iba dyan.

Hindi ako sila.

Ako si Giovanni.

At papatunayan ko sa inyo na may pag asa pa ang bawat isa na parang ako.

~

L'amore ti sta aspettandoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon