Eris' POV --
Naknamp!!! 2nd day tapos late ako!
*beep*
Cap Kate:
Hooooy! Bilisan mo magbe-bell na uy!
Shems! Asan na ba 'yung susi ko?
"Ma! 'Yung susi ko ho?" Sigaw ko. "Maaaaa?!"
"Hoy Eris Rhum! Umales na se Mama mo. May besnes miting daw isang linggo sa Chinand ba yun? Ewan." Bungad naman ni Yayay.
"Ho? Baka naman ho Thailand?"
"Hende Chinand talaga ah." Okay Yayay, 'pag nasa katwiran ka, ipaglaban muah!
"Ang susi ko ho?"
"Sa motor?"
"Ay hindi ho, sa kalabaw po. Malamang Yayay. Wala naman akong car."
"Ay kenuha ni Madam. Wala ka daw motor buong lenggo kasi gabi ka na daw umuwe eh." Whaaaaaaat!?
Si Kate naman kasi eh! Nag-aya pa ng inuman! Psssh. Broken hearted daw ang bano!
"Pano ako pupunta ng school Yay?" Nanlulumo kong tanong. "Si Papa ba asan?"
"Somama kay Mama mo. Ahihi. Mag-hahoneymoon daw sila ulet sa Chinand. Hihi. Kakilig nga eh."
"Woow. Kung kelan nagka-wrinkles, maglalandi." I torted. "Fine. Pahatid nalang ho ako kay Manong Jay." Tinutukoy ko ang driver/hardindero namin.
"Ukie."
Hinablot ko na lahat ng gamit ko at pumunta sa sasakyan.
"Good morning Rhum-Rhum!" Bati ni Manong Jay. Hindi pa ako pinapanganak, nasa bahay na sina Yayay at Manong Jay.
At si Manong Jay at Papa lang ang tumatawag sakin ng Rhum. Sila naman nagbigay ng pangalan na yun eh. Sila kasi lagi magkasama sa inuman.
"Maayong buntag Manong!" Balik bati ko. Marunong din naman akong mag-cebuano since pure Cebuano sina Yayay at Manong. "Off to school po tayo 'Nong."
Papalabas na kami ng village nang huminto si Manong.
"Ay naseraan ara Rhum oh. Tolongan ko mona ha." Tumango lang ako kay Manong habang pumipikit. Hang-over parin kasi ako.
Ilang minuto pa, bumukas ulit ang sasakyan.
"Rhum-rhum, sabay na natin tong si Pogi ah. Iisang school pala kayo eh."
Sa pagkaka-alam ko, kami lang ni Kate ang schoolmates dito sa village namin. Sino kaya to?
Minulat ko ang mga mata ko. At....
"Magandang umaga!" Ngiti-ngiting bungad saakin ng walang hiyang koreanong na-tusta!
'Pag minamalas ka rin naman oh!
"What the?! Manong ba't ka nagsakay ng kupal?!" Bulaslas ko.
"Rhum-rhum ah. Wag kang ganyan. Naseraan kase ang sasakyan nya oh."
Pinaandar na ni Manong yung sasakyan.
Bago pa tuluyang masira ang araw ko, pinikit ko na ang mga mata ko.
"Nice to know na may schoolmate pala ako sa village." Badtrip. Kung kelan ko gusto ng katahimakan. Magsasalita.
Hindi ko sya pinansin. Nagtulogtulogan pa rin ako.
"Ahh manong. Jamo nga po pala." pagpapakilala niya
Jamoho ka.
"Bago ka deto eho? Ako nga pala si Ji." sabi naman ni Manong.
"Ah opo, kakalipat lang namin nung isang linggo."
Ilang segundo pa ay nalalasap ko na ang katahimikan. Ayos. Makaka-nap pako.
"Ah manong, mahilig ka din ba sa mga fairytales?" naknampusa naman oh.
May balak pa atang makipagstory telling tong Jamoho.
"Hoo naman. Baket?" sagot naman ni Manong.
"Ano pong paborito niyong story?" Excited na balik tanong nya. "Ako ho kasi yung Sleeping Beauty. Pangarap ko kasi makahalik sa babaeng natutulog."
Napamulat ako ng mata sa sinabi ng boiset na lalaking to!
I glared at him.
"Hahahhahahaha!" narinig kong tawa ni Manong Jay.
I also gave Manong my death stare and he showed me a peace sign.
"Oh, hindi naman ikaw yung tinutukoy ko. Bakit ka nagising?" ani Koreanong Sunog.
"Gago. Sinasabi mo!?" pabalang na sagot ko sa kanya.
"Ikaw? Siguro paborito mong fairytale yung Tangled no. Inaaway mo yung lalaki. Tapos ma-fo-fall ka rin naman." at sinundan niya pa ng malutong na halakhak.
"Nako nako eho, ende mo madadaan dyan si Rhum." ani Mang Jay.
"Hahaha hindi ko rin naman po sya type Manong."
"Mas hindi kita type Jamoho ka!" singhal ko saka bumaba at binalibag ang pinto ng sasakyan.
Leche.
Nadagdagan ata yung sakit ng ulo ko dahil sa boiset na yun.
"Cap! What's with the fesss!?" sabay tapik ni Kate sakin.
"Nothing. Sakit ng ulo ko." pailing na sagot ko sa kanya.
"Hangover?"
"Nagtanong ka pa. Eh ikaw may kasalanan ni--"
*blaag! *
Napahiga ako sa sahig dahil may nabunggo akong kung anong kapre!
"Hindi ka pa ba masaya na nasira mo na ang araw ko!? Binangga mo pa ako!" Singhal ko habang inaalalayan akong makatayo ni Kate.
"Sorry Rhumrhum! I'm running late!" sigaw ni Jamo papalayo.
"Woah, 'Rhumrhum'!? Diba si Dad at Manong Jay mo lang ang tumatawag sayo non!?" bulaslas naman ni Kate while tinatapik ang mga alikabok na kumapit sa pantalon ko.
I sighed then sinabi ko sa kanya ang nangyari sa sasakyan.
"Omg! It means, villagemate natin siya!?" hindi makapaniwalang reaction ni Kate.
"Sad to say, yeah." sagot ko naman habang inaayos ang gamit ko sa armchair.
"Why sad? Sa mga fairytale, diba happy ending?"
Napabalikwas ako nang marinig ang boses sa likod ko.
Leche.
"Running late ka pang nalalaman, tapos magkaklase rin naman pala tayo!" irap ko kay Jamoho. "And excuse me, hindi ka kasali sa fairytale ko! Kung kasali ka din naman, hindi na 'yun happily ever after!"
"Why are you shouting Miss Gonzaga!?" Napatingin ako sa harapan at nakitang nanlilisik ang mga mata ni Madame Velasco.
"Oops, busted." hirit pa ng Jamohong nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
Versus
Mystery / ThrillerEris Rhum Gonzaga versus Jamo Lime Zobel. Rhum and Lime Even in drinks, they don't rhyme. But there's one thing that they are both slime. That's when they committed a crime.
