#AngUnangInis

13 1 0
                                    

Authors' POV->
"Huhubels talaga Cap! Matapos ko siyang i-load ng 30, hindi niya man lang ako i-tetext!?" Drama ng bestfriend ni Eris na si Kate.

"Parang load nga kasi 'yan. Magloload ka ng buo, tapos may lintik na kabuwisitan na babawas lang ng load na kelangan mo." Sabi ni Eris habang hinahagod ang likod ni Kate.

"Panay ka hugot eh!" Sinubsub pa ni Kate ang mukha sa mga palad niya.

"Naku naman kasi Kate! Panlabin-isang boylet mo na yan!" Reklamo naman ni Eris.

"Kaya nga! Play girl ako, sa sampung naging boyfriends ko, ako ang nasusunud, ako ang minamahal. Ako ang ginagastosan!"

"Edi na-shakehands mo na si Karma? Sabi ko naman kasi diba, nung sa pan-syam na boylet mo palang, na tigilan mo na ang panloloko at pagto-two time?" Paalala ni Eris.

"Ewan!"

"Tara na nga, first day of school, iyak-iyak ka dahil sa summer love mo." Yaya ni Eris kay Kate.

"Hoy Cap! Anong summer love!? 2 weeks na kami! Two! Dalawa! Pinakamatagal na sa mga na-boylet ko." Singhal ni Kate habang inaayos ang nagusot na dress.

"Edi wow! Dalawang linggo na pala, malapit na sa forever, ano?" Sarkastikong balik ni Eris.

Nagsimula na silang maglakad papasok ng Gamma University.

"Tse! Na-feel ko na kasi. Unang titigan pa lang namin, may spark na. Parang..ting! True love!" Kumumpas pa ng kamay si Kate.

Napa-iling nalang si Eris.

Kapwa 2nd year college na ang magkaibigan sa kursong BSHM.

Emily Kate Cadena; play girl, chicks na chicks, kikay, lokaret.

Eris Rhum Gonzaga: NBSB, Tomboyish na chicks na chicks, lokaret, at palaging taga-resbak ni Kate.

Bestfriends na sila simula pa ng naka-diaper sila.
Cap ang tawagan nila.

"Oh my! Look! Cap! Look! At 3 o'clock." Biglang bulaslas ni Kate kay Eris.

Lumingon naman si Eris pero binalik ang tingin kay Kate. "Oh tapos?"

"Lecheng mata yan! May karton ba jan at hindi nakakakita ng pogi? Kaya ka NBSB eh!"

"Boiset ka talaga. Pake ko sa mga gwapong yan!? Sigarilyo ba yan? Alak ba yan?" Tinaasan ni Eris ng kilay ni Kate. "Kung oo, papatunayan namin ang forever. Pero hindi, wapakels."

"Ewan ko sayo. Matandang dalaga!"

Pumasok na sila ng room nila at umupo.

"Transferee siguro yan. Sana dito umupo sa tabi ko." Nagpacute pang sabi ni Kate na nakalimutan na atang umiiyak siya kanina.

Eris just rolled her eyes.
Hay, mabuti nalang hindi nakakahawa ang landi.

"Uhm, excuse me. May naka-upo ba dito?" Napatingala si Eris sa nagsalita.

Those eyes..
Ang nunal sa kaliwang mata..

Siniko ni Kate si Eris.

"Ahh--ehh, wa--wala." Na-uutal na sagot ni Eris.

"Oh ehm. Akala ko sakin tatabi. Tapos sayo pala, Cap." Bulong ni Kate.

Napatingin si Eris sa lalaking umupo sa tabi niya.

Pamilyar ang mukha.
Pero san nga ba niya nakita 'to?

She traced her sight through the man's face.

Sugar Honey Ice Tea, pamilyar talaga.

"Excuse me, miss. Pero kanina ka pa nakatingin sakin." Ngising-aso pa ang lalake. "Are you falling?"

Napa-kurap si Eris. "E--excuse me!?"

"I said, nalalaglag ka na ba sa charm ko? Kasi sorry, pero hindi kita pwedeng saluhin." He winked at her.

Namula si Eris at hindi mapigil ang pagka-boiset. "Aba--tarantado ka pala eh! Grabe namang hangin. Hindi ako nakatingin sayo noh! Sa bintana kaya ako na--ka-- naka--" Hindi matuloy ni Eris ang sasabihin dahil nilapit pa ng lalake ang mukha nito sa kanya.

"Too late for aliby, sweety. Nakita ko na eh." Ngiting-ngiti ang lalake na wari'y nawawala na ang singkit na mga mata.

"Pak u! Di ka gwapo! Pamilyar lang ang mukha mo kaya ako nakatingin sayo!" Inirapan niya ang nakangiti pa ring lalake.

"Asus. Style! Alam ko na 'yan. Pamilyar ang mukha ko? Ano? Kamukha ng future boyfriend mo?" Naka-smirk na sagot nito.

"Hindi! Kamukha ka ng susunod kong mapapatay."

"Ha! Talaga lang ha? If I know---"

"Good morning, class. Sorry I'm a bit late." Saved by the bell!

Mabuti nalang dumating ang instructor nila, kung hindi, patawarin nawa si Eris pero masasapak niya na talaga ang preskong lalake sa tabi niya.

"Ano ka ba naman, Cap. Kaya ka hindi nagkaka-boylet, lahat nalang ng gwapo, dinadaan mo sa dahas." Bulong ni Kate.

"Boiset ka din Cap, ano? Gwapo ba yan? Mukhang koreanong nagbabad sa araw ng isang linggo." Ganting bulong ni Eris. "Ang presko pa. Boiset, nakatingin lang, fall agad? Di ba pwedeng akala ko muta ang nunal niya malapit sa mata? Ugh! The nerves."

Natawa naman ni Kate sa hirit ni Eris. "Sira ka talaga. Edi may enemy ka na sa buong school year?"

Eris smirked and thought..
Bring it on, Mr. Koreanong natusta. Hindi umuurong ang isang Eris Rhum Gonzaga.

VersusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon