Author's POVJamohong Lime Zobel. Dahil sa kanya, nabigyan kami ng task ni Madame V. Wala naman kami sa bahay ni kuya pero makabigay ng task akala nya sya naman si Ate.
Nakakalong-babang isip ni Eris.
Nasa Cafeteria sila ngayon ni Kate at nagmemerienda while waiting for their last subject sa hapong yun.
"Oh, kaya malaki yang noo mo. Isip ka na naman ng isip jan eh." Puna sa kanya ng kaibigan.
"Gago ka ba, Cap?" aniya at umupo ng tuwid.
"Bakeeeet?" sagot naman ni Kate na tila ba pick-up line ang sinabi ni Eris.
"Gago ka nga." umiiling na sambit ni Eris.
"Hay nako, Cap. Ayaw mo non? Ikaw si Rapunzel tas si Jamobabe si Flynn!? Omg! Feel ko talagang eto na ang magiging first ever relationship mo." bulaslas naman ni Kate.
"Relationshit kamo."
Dahil sa nasaksihan ni Madame V na sigawan sa classroom. Binigyan nya ng task by group ang mga students. Dahil Types of Stories ang klase nila sa English, pinabunot sila ng numbers na magiging grupo nila at ng magiging type ng story na isasabuhay nila at the end of the month.
At sa kasamaang palad, group 1 si Eris at group 2 naman si Kate. At sa pinakamasamang palad, kagrupo ni Eris si Jamo. At sa pinakadimunyung palad, fairytale ang nabunot nila.
Napabuntong hininga nalang si Eris.
"Buti sana kung yung part lang na may pan tapos ipupukol sa ulo ni Flynn ang gagawin namin. Pero hindi e. Yung last part pa. Eh sweet na dun si Rapunzel tsaka Flynn!!" bulaslas ni Eris.
"Ayaw mo non? Nang makaramdam ka naman ng kilig, noh!"
"Hoy! Ang tanging nararamdaman ko lang para sa Jamohong yun ay galit, inis at panibugho! Never akong kikiligin sa kanya." sagot naman ni Eris.
"Ases. We'll see." irap ni Kate sa kanya.
"Drop ko kaya tong English? Di ko naman kelangan yan diba. HM naman tayo." sabi niya.
"Hoy. Pag ikaw na ang nagmanage ng mga resto niyo, akala mo walang foreigners dun? Kelangan mo ng English uy!" pa-alala naman ni Kate.
"Hoy ka din! Ano bang akala mo sakin di marunong mag-english!? Punyemas! May practice pa kami mamaya! Buti yung sa inyo, horror. Magaling ka sa horror kasi matatakutin ka."
"Huh? Me? Scaredy cat? Hindi kaya." ani Kate.
"Duh. You forgot? Takot kang mawalan ng lalaki diba?" natatawang hirit ni Eris.
"Gago ka talaga, Cap. Pero may point ka." ani Kate na natatawa din.
~kriiiiing~
Hudyat ng last subject nila na Asian Culinary.
Sabay silang pumasok sa lab nila.
"Eris, mamaya ha. 6pm. Practice natin sa gymnasium." kalabit ng kaklase niyang si Peter sa kanya.
"Okays." ngiting sagot ni Eris sa kanya.
Okay pa sana kung si Peter si Flynn eh. Mabait, gwapo at hindi presko.
Isip-isip ni Eris.
"Hey, bakit kay Peter, ngumingiti ka? Eh sa Flynn mo, galit na galit ka?" tanong ni Kate sa kanya.
"Dimunyu kasi yung Flynn na gaganap." sambit ni Eris na ikinatawa naman ng kaibigan.
"Okay, good afternoon, class!" pagbati ng instructor nila.
BINABASA MO ANG
Versus
Mystery / ThrillerEris Rhum Gonzaga versus Jamo Lime Zobel. Rhum and Lime Even in drinks, they don't rhyme. But there's one thing that they are both slime. That's when they committed a crime.