#AboutThat

9 1 1
                                    

Jamo's POV

"Rhum! Rhum! Gising!" sigaw ko habang niyuyugyug si Rhum. "Orin, tumawag ka ng ambulansya, taxi o uber!"

"May sasakyan ako. Buhatin mo si Eris, kukunin ko yung sasakyan!" sabi naman ni Orin habang tumatakbo papalayo.

No, wake up my Princess. Hindi pwede. Not again.

Sumakay kami sa car ni Orin at pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Naka-upo ako ngayon katabi ng hospital bed kung saan nakahiga si Rhum.

Mag-aapat na oras na mula nung nag-MRI siya. Kailangan syang i-MRI dahil madalas daw sumasakit ang ulo niya sabi ni Yayay niya at Manong Jay. Kasama kong nagbabantay si Kate. Yung yaya naman ni Rhum ay lumabas para kausapin sa telepono ang mga parents ni Rhum na nasa ibang bansa.

Rhum, please be okay.

Buti nalang at naka-duty yung family doctor daw nila. Kaya alam nito ang history nang health ni Rhum.

"Well, okay naman ang results ng MRI ni Eris. She just need to rest." ani Doc. "But this one, maybe this is a hangover."

"Tsk! Nag-inum pa kasi kami kagabi eh." sabi ni Kate.

"No, not like that. This may be a hangover nung naaksidente sya couple of years ago." sabi naman ni Doc.

I sighed.

About that.

"Oh right. Nung naaksidente sya sa Canada nung nagbakasyon siya. Buti nalang hindi sya napuruhunan non, no Doc?" pagsang-ayon ni Kate.

"Well yeah, wala naman syang inireklamo nong magising siya after ng 3 days coma nya. Buti nga at ang anak ko ang naging doctor niya sa Canada." pagsasalaysay ni Doc. "Pag-gising niya noon, kilala niya naman kung sino siya. Sino pamilya niya. All is well."

Yeah right.

All is well.

"Nasaan ako?" nanghihinang sabi ni Rhum habang bumabangon.

Agad ko naman siyang inalalayan.

"Slowly." sabi ko. "Nasa ospital ka na."

"You! Ikaw talaga ang dahilan kung bakit masakit yung ulo ko eh!" Singhal niya sakin.

Ouch.

"Buti nga nandon ako nung natumba ka no!" ganti ko naman sa kanya.

"So dapat pasalamatan pa kita!?"

"Eris! Chill. You need to relax. Calm. I told you, bigla bigla kang aatakehin ng sakit ng ulo. 2 years is not that long to heal your mental wounds, remember?" paalala naman ni Doc.

"Yeah yeah Papa Doc. I know and I remembered." Sagot naman ni Rhum.

Yeah yeah, Rhum. But you can't remember me.

"But you know Papa Doc, I'm having De Javu. Yun bang parang nangyari na, pero hindi ko maalala. Or parang familiar. Pero hindi ko naman alam kung papano." then she gave me a confused-look.

Is it possible? Can she remember me?

"What? Ayon sa mga tests mo from your accident, you did not experienced amnesia. Okay ang mga results mo." sabi naman ni Doc.

"Oh well, baka bad dreams lang na nagaganap sa totoong buhay. " ani Rhum then she rolled her eyes on me.

Tsk, I missed those eyes rolling on me.

"Oh siya, pwede ka nang umuwi nang makapagpahinga ka na. Don't think too much para hindi bumalik-balik yung sakit ng ulo mo. Ok? I have patients to check pa. Take care." Doctor said as he kissed Rhum's forehead.

Pumasok na si Yayay sa room para kunin ang gamit ni Rhum. Inalalayan ni Kate si Rhum na makatayo nang maka-uwi na.

"Let me help you." sabi ko at umakmang kunin ang kamay ni Rhum.

"Hep hep. Did you forget what I have told you earlier?" she said while glaring at me.

I raised my both hands as a sign of defeat.

Hindi pa rin nagbabago.

"Cap, dapat magpasalamat ka kay Jamobabe, sya kaya yung nagbuhat sayo." sabay kalabit ni Kate sa kanya.

"Dahil sa kanya kaya sumakit ulo ko eh." Pabalang na sagot naman ni Rhum.

"Nako. Parang Rapunzel at Flynn nga daw kayo kanina sabi ni Orin eh." ani Kate.

"Nasan na nga pala si Orin? Dapat magpasalamat ako sa kanya." tanong naman niya.

"Magpasalamat ka kaya muna sakin?" sabi ko habang naglalakad kami papuntang parking lot.

Inirapan niya lang ako.

"Nako nako, dapat ako nalang nahimatay eh. Para ako yung kinarga ni Jamobabe." ngising-ngisi naman si Kate sakin.

"Ah, hindi kita type." natatawang sambit ko naman.

"Aba aba, sabi mo daw kay Cap kaninang umaga, hindi mo daw sya type diba? Bakit kinarga mo siya?" nakataas ang kilay na sabi ni Kate.

"So, you told her about the fairytale I like?" nanunuksong sabi ko naman kay Rhum.

"Yeah! I told her kung paano mo nasira ang araw ko." Rhum said as she closes the door of their car.

"Uy baka pwede namang makisabay pauwi?" sabi ko naman. "Wala akong sasakyan diba?"

"Mag-jeep ka."

"Etong si Eres talaga. Somakay ka na eho. Doon ka ren naman sa beleyds diba?" anyaya naman ni Yayay.

"Oho. Salamat po." sabi ko naman at sumakay na.

"Mabote nalang eho at nandon ka nong nahematay si Rhumrhum." ani Manong Jay habang nagmamaneho.

"Knight in shining armour kasi siya ni Eris." nangangantyaw namang sagot ni Kate.

Rhum just rolled her eyes again.

Typical Rhum. Tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VersusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon