Part 1 Chapter 1

37 4 0
                                    

PART

I

WHAT

STARTED AS

A

DREAM…

I

    Alas-dos palang ng umaga ay gising na ako. Masyado akong excited para sa bakasyon namin sa rest house ni Tito Arnold ko sa Baguio.

   Habang abalang-abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko na noong isang araw ko pa inimpake ay biglang tumawag si Ate mula sa labas ng aking kwarto.

    “Danilo P. Madrid!”

    Wow. Buong-buo talaga, nawala lang yung junior.

    ‘Bakit naman kaya ay aga-aga eh tumatawag na ‘tong babaeng ‘to?’

    “Oy ‘te bakit?” tipid kong tanong pagkabukas ko ng pinto.

    “Yung digicam ko?”

    Ang taray ng dating ng ate ko. Nakapamewang pa s’ya habang nakasahod ang isang kamay. Nakataas pa ang kilay niya na nilagyan ng eyeliner.

    ‘Yung digicam n’ya daw? Ay oo nga pala nasa akin yun.’

    “Wait lang hahanapin ko pa. Bigay ko nalang sa’yo mamaya.”

    Pagka-alis n’ya ay sinara ko na yung pinto. Dumiretso ako sa sa study table ko at binuksan yung unang drawer. Pagkabukas nun ay nakita ko na kaagad ang digicam n’ya.

    “Bakit nga ba nasa akin ‘to?”

    Binuksan ko ito at tinignan ang gallery. Ang nakita ko ay ang mga pictures na kinuhanan noong graduation ni Ate.

    Sa unang picture ay makikita kami ni Ate at Lola. Nakangiti kaming tatlo kahit na ramdam ko ang kulang ng araw na iyon.

    Ang kasunod na picture ay close-up shot ng diploma ni Ate. Naka-capitalize pa yung pangalan n’yang ‘Casey P. Madrid’.

    Ang ikatlong picture naman ay kuha ng buong tropa niya na kapwa naka-toga sa may baba ng stage. Si Ate, si Ping, si Mackie at ang boyfriend nito na si Arwin at ang nasa pinakadulo ay si Rikka.

    ‘Ang cute talaga niya.’

    Si Rikka ay ang best friend ni Ate na classmate n’ya since elementary. At dahil ilang kanto lang ang bahay nila mula sa amin ay madalas s’yang napunta dito.

    At hindi ko itatangging may gusto ako sa kanya. Kahit pa sabihing 2 years ang tanda n’ya sa’kin (16 palang ako at 18 na siya) ay wala akong pakialam. Age doesn’t matter pagdating sa love. At parang dalawang taon lang eh.

    “Ting-ting-ting-ting-ting!”

    Nagulantang naman ako sa pagtunog ng alarm clock ko. Alas-tres na ayon sa digital screen nito.

    ‘Whoa, witching hour.’

    Kailangan ko pang maligo, kumain at mag final check ng gamit ko bago kami umalis. Mamayang five o’clock lalarga na kami.

    Tinignan ko muna ulit si Rikka bago ko in-off ang digicam.

 Authors Note: Ayan na po yung chapter 1

Vote and Comment naman po kayo. =)

All Through The NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon