Part 1 Chapter 3

33 6 0
                                    

III

    Napuno ng tawanan ang buong salas dahil pinagtatawanan nila akong lahat.

    ‘Isang prank lang ang lahat!’

    Nandito ngayon sa sala ang buong barkada ni Ate. Nakaupo pa rin kami sa may sofa ngunit katabi n’ya na si Ping Sina mackie at Arwin naman ay magkaakbay sa may paanan ng hagdan. Habang si Rikka naman ay tahimik na nakatayo sa may pinto ng komedor.

    ‘Ipinahiya nila ako sa harap ni Rikka!’

    Nagtatawanan parin sila habang ako’y tahimik lang na nakaupo. Pilit na nginingitian ang pagkaduwag ko kanina.

    ‘Hindi yun nakakatuwa.’

    Ineksplika sa’kin ni Ate kung paano yung ginawa nila.

    “Ganito kasi ‘yon,” nakangisi n’yang pagwika “Si Macks at Arwin ang nagluto nung corned beef habang nasa taas ka pa. Nung makita kong pababa ka naay tinawagan ko sila para magtago.”

    Tinignan ko sila Mackie. Tinanguan lang ako ng nakangising si Arwin.

    “Yung mga narinig mong boses ay recorded lang,” pagpapatuloy ni Ate. “Yung boses ni Lola at yung pag-ubo. Si Rikks ang nag-play nung pag-ubo sa taas at si Pins ang sa may komedor---

    “Wait lang!” biglang sabat ni Ping. “Wala naman si Rikks sa taas kanina eh. Kasama ko kaya siya doon sa komedor!”

    “Huh?!” sabay-sabay naming sambit.

    Napatingin kaming lahat kay Ping tapos kay Rikka. Seryoso lang siya habang natango.

    “Kung wala si Rikks sa taas,” tanong ni Mackie na lumapit na kina Ping. “Sino’ng nag-play nung recorder doon?”

    Nagkatinginan kaming lahat. Bakas ang pagtatak at kaba sa mukha ng bawat isa.

    “Kung hindi nga s’ya, sino?” hirit ni Arwin na may himig ng pananakot. “Multo?”

    At biglang namatay ang mga ilaw.

    “Nawalan ng kuryente!” hiyaw ni Ate.

    At nagtilian silang lahat at nagtakbuhan kami palabas ng bahay. May napayakap sa braso ko at hindi ko alam kung sino iyon, wala na akong chance alamin pa kung sino s’ya. Pero naamoy ko ang pabango niya.

    ‘Amoy sweet orange. Alam ko kung kaninong pabango ‘to ah?’

    Nakaabot na kami sa may tapat ng gate. Madilim pa rin sa labas dahil mag-aalas-kwatro palang, tanging ang buwan ang nagsisilbing tanglaw sa kinaroroonan namin.

    Hinihingal kaming lahat. Nakakapit pa rin s’ya sa braso ko at naghahabol ng hininga. Tinignan niya ako at nginitian.

    ‘Oh my God.’

    “Uy! Child abuse na ‘yan!” tukso ni Ate sa’min.

    Biglang-bigla ay bumitaw si rikka sa pagkakakapit sa’kin at umatras.

    “Grabe naman bakit nagbrown-out?” tanging naitanong niya habang nakatingin sa madilim na bahay.

    “’Di ko nga din alam eh.” Sagot ko.

    Nakatingin ako kay Rikka nang mapansin ko ang putting apparition na papalapit sa’min mula sa garden.

    Dahil siguro napansin ni Rikka ang bigla kong pamumutla kaya kumunot ang noo niya. Lumingon siya sa likuran niya at napahakbang palapit sa’kin.

    ‘Nakikita niya rin?’

    Ng ilang hakbang nalang ang layo nito sa amin ay nasinagan ng buwan ang isang matandang babaeng puti na ang mahabang buhok. Nakasuot ito ng isang putting sweater na may logo ng isang tindahan at may bitbit itong basket.At higit sa lahat nakangiti pa ito sa amin.

    “Oh mga bata? Kay aga-aga’y nagtititili kayo d’yan.”

    ‘Si Lola Ising lang pala!’

    Lumapit kami sa kaniya at nagmano. Narinig ko ang mahinang bungisngis ni Rkka at nginitian ako.

Vote

Comment

Sige Fan na rin =)

All Through The NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon