Part 1 Chapter 6

21 2 0
                                    

VI

    “Hello”

    “Hi munchiebunchkins!” masayang bati ni Jerceine.

    “Sabi ko itigil mo na ang ---

    “Ito naman oh!” putol niya sa’kin. “Hindi mo na nga ako tinawagan eh. Remember, nagpromise ka sa’kin nung party.”

    Ang party na ‘yon ay naganap two weeks ago sa Jacinto residence. Nangako ako na tatawagan ko s’ya dahil hindi ako makakauwi hanggat ‘di ako nangangako. Pero so far ni miss-call hindi ko nagagawa.

    “Sorry ah. Medyo busy lang kasi ako.”

    “Ah, okay lang yun. Basta tumawag ka na sa susunod.” Malambing nitong pagwika. “Kailan mo ako dadalawin?”

    ‘What?!’

    “Huh, bakit? May sakit ka ba?”

    “Wala ah.” Natatawang sagot nito. “Dalawin, as in ilalabas. Ididate.”

    Gusto ko sanag sumigaw ng ‘never’ pero masyadong rude yun.

    “Ah, ‘di ko pa alam eh.”

    Matagal siyang hindi nakapagsalita. Nakahalata siguro na wala ako sa mood kausapin siya. Pipindutin ko n asana yung “end-call” button nang magsalita na ulit siya.

    “Musta ang byahe?” tanong niya.

    ‘Pa’no n’ya nalamang nasa byahe kami?’

    “Okay naman.” Walang buhay kong sagot.

    “May nakaaway ka na raw d’yan sabi ni Jeff?” nagaalala niyang tanong.

    Naalala kong pinsan nito si Jeffrey Jacinto. Ang lalaking iyon ang dahilan kaya kami nagkakilala ni Jerceine Anne Jacinto. At simula noon ay hindi na niya ako tinntanan.

    Proud pa nga siyang nagkwento na tinorture niya daw si Jeff para lang magbigay ng personal infos tungkol sa’kin, tulad ng cellphone number at address ko. If I know binigay n’ya lang yun ng walang kahirap-hirap.

    “Wala akong nakaaway.” Pagsisinungaling ko. “Nagloloko lang ‘yong si Jeff. Lam mo naman yun ‘pag walang magawa.”

    May narinig akong ibang taong nagsasalita sa background niya.

    “Oh sige. Mamaya nalang kita kakausapin pagpunta ko d’yan.”

    ‘Pagpunta raw saan?!’

    “Bye munchiebunchkins. I love you.” At in-end call niya na.

    Sigurado akong sinabi ni Jeff kung saan kami pupunta. Ito din naman talagang mokong na ito ang may pasimuno ng lahat.

    Pinakilala n’ya ako kay Jerceine noong recognition day, at nung sumunod na araw ay inililink n’ya na kami.

    Kung hindi lang talaga ako genleman, matagal ko nang itinaboy si Jerceine. Pero kung tutuusin okay din naman siya. Maganda, mabait, matangkad, pang-model ang katawan, maalalahanin at mapagmahal din.

    Ngunit hindi siya smart ayon kay Jeff. Nasa lowest section siya at may dalawang line of 7 sa final grade at isang line of 9, sa values pa.

    Pero hindi iyon ang kinaiinis ko. Ang sa akin lang, bakit simula ng matapos yung party na iyon ay feeling niya pagmamay-ari niya na ako? May pa ayla-I love you pa siya at kung makatawag ng munchkins something nay un ay wagas. Palagi pa siyang pumupunta kung nasa’n man ako. Madalas tuloy sabaihin ng mga kakilala kong nandoon eh nand’yan na ang girlfriend mo.

    ‘Nakakainis! Nagmumukha tuloy akong hindi single!’

    “Good day ma’am, sir. Come  back again.” Bati nung guard.

    Lumabas na sina Ate at pumunta na ng parking area. Sumunod na ako, mga twenty-five steps ang layo mula sa kanila.

    Malapit na ako sa van nang mapaisip ako.

    ‘Bakit kaya ang daming nalilink at nagkakagusto sa’kin gayong hindi naman ako kagwapuhan? At ako naman itong madami ngang nagkakagusto eh martir pa rin kay ---

    “Aray!” daing ni Rikka na muntik ng matumba.

    “Ay, sorry Rikka.” Hingi ko ng paumanhin habang inaalalayan s’yang makatayo. Nabangga ko tuloy siya kakaisip.

    “May iniisip ka ba?” tanong n’ya habang pinapagpag ang suot niyang palda.

    “Wala, wala.”

    Binuksan n’ya ang pintuan ng passenger’s seat ng van.

    “Dun ka raw muna sumakay sa kotse.” Sabi niya sabay turo sa kotseng blue.

    “Ah, oo nga.” Tumalikod na ako at napakamot ng ulo.

    ‘Ba’t ba nawawala ako sa focus ‘pag kausap ko s’ya?’

    Pagdating ko sa kotse ay kumatok ako sa bintana ng passenger’s door. Binuksan ni Ate ang pinto.

    “Bilis sumakay ka na.” sabi ni niya.

    Sinara ko ang pinto pagkasakay ko. Ilang Segundo pa at umandar na ang kotse papalabas ng parking area. Kasunod lang namin ang van ni Lance.

    Ilang sandali pa ay nasa highway na ulit kami.

A.N: Ngayon lang ulit nagu.d mehe

All Through The NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon