Part 1 Chapter 5

26 3 0
                                    

V

    “Oh umorder na tayo.” Sabi ni Lance habang binababa ang bintana niya.

    Umuusad na ang sasakyan nina Arwin na nasa unahan lang namin.

    “What’s your order sir?” kaswal na tanong ng attendant kay Lance.

    “Uy ano order niyo?”

    Isa-isa silang nagbigay ng mga order nila na siya namang isinulat ni Lance sa isang papel.

    “Ikaw Dan ano sa’yo?” tanong niya sa’kin.

    “Burger, fries at sprite nalang.” Sagot ko kahit sa totoo ay mas gusto kong kumain ng buritto.

    “Ikaw honeycuddler ano gusto mo?” baling niya kay Rikka.

    ‘Honeycuddler na huh?’

    “Pareho nalang nung sa’yo.” Matamlay na sagot ni Rikka.

    “Okay,” iniabot niya yung papel sa attendant. “’yan lahat miss.”

    “Ang ganda ng tawagan niyo ah,” basag ko sa namumuong katahimikan “Ate Rikka.”

    Napatingin lang siya sa akin. Bakas ang pagkagulat niya dahil tinawag ko siyang ate. Never ko kasi siyang tinawag ng ganoon, at diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko nito.

    “Ako nakaisip nun.” Nakangiting sabat ni Lance.

    “Tinatanong ko ba?” bigla kong pagtataas ng boses. “’Wag kang sasabat dahil hindi ikaw ang kausap ko!”

    Napatahimik at napatigil silang lahat.

    ‘Patay!’

    Nakatingin na silang lahat sa akin kaya tinignan ko nalang din sila. Nakatingin sa’kin si Demi na parang nagsasabi na ‘Mali yun dude! Maling-mali!’ Tinignan ko siya sa mata.

    ‘Tulungan mo ‘ko!’

    “Sir okay na po yung order niyo. You can pay and get it in the next window.”

    ‘Whew. Maraming salamat, miss.’

    Dama ko pa rin yung tensyon, dama yun sa loob ng van. Kaya pagkaparadang-pagkaparada nito ay sumimple na si Demi.

    “Padaan nga,” pasintabi niya sa akin “magbabawas ako.”

    Imbes na pausugin lang ako ay tinulak niya ako palabas. Nauna akong bumaba kasunod siya, sinara niya ang pinto sa likod niya.

    “Shall we?” bulong n’ya sa’kin, nakaturo sa loob ng fastfood chain.

    Tumango lang ako at sinundan siya. Binati kami ng guard at pinagbuksan ng glass double doors. Ang lamig sa loob.

    Nakapwesto si Ate sa isa sa mga table sa loob kasama ang barkada niya. Kinawayan niya ako.

    Nagchime yung maliit na bell sa taas nung glass doors. Napatingin kami ni demi sa may pinto. Papasok na rin sina Lance.

    “Sa banyo.” Bulong ni Demi.

    Sinenyasan ko si Ate na maghintay at dumiretso na kami ng banyo. Pagpasok namin ay tinignan ako ng masama ni Demi.

    “Ano yun?” tanong niya.

    “Anong ano yun?” tanong ko din, kunwari ‘di ko alam ang tinutukoy niya.

    “Yung ginawa mo kanina.”

    “Wala naman akong ginagawa ah.” Humarap ako sa salamin at nagayos ng buhok.

All Through The NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon