Pagdating palang ni Juan at Sarita sa Club ay agad nilang tinungo ang kwarto kung saan namamalagi ang may-ari ng club na si Boyet.
Hindi na sinamahan ni Juan si Sarita sa loob dahil nagsimula na itong magtrabaho.
"Ah sir. Magandang gabi po." Bati ni Sarita ng makita agad ang amo nito na nakaupo sa table nito.
"Oh Sarita! Tamang tama ang dating mo. Dahil meron akong magandang balita para sayo." Bungad naman ni Boyet kay Sarita habang bitbit ang galak at ngiti nito sa mukha.
"Ano po iyon sir?" Tugon naman ni Sarita.
"Meron tayong malaking Customer. At gusto ko ikaw ang kumuha. Dahil bukod sa fresh at bago ka, eh alam kong hindi mo palalagpasin." Mahabang salaysay naman ni boyet.
"Naku! Maganda nga po iyan. Kaya lang po hindi na pwede. Sa totoo lang naparito po ako para magpaalam na. Magreresign na po ako sa trabaho"
Agad naman nalungkot si boyet matapos ianunsyo ni Sarita ang nais niya.
"Ganun ba? Sayang naman. Pero Sarita huli na ito! Pagtapos noon ay pwede kanang umalis. Kailangan din kasi ng Club ang perang kikitain mo dun. Sobrang laki nun kaya sana pumayag ka na"
Agad namang nakaramdam ng awa si Sarita sa kanyang boss. Kaya nagbago ang isip nito at kinuha na ang trabaho tutal malaki din naman ang naitulong ng kanyang amo sa kanya pero huli na ito at ayaw niyang biguin ang kasintahan niyang si Juan.
"Sige sir. Pumapayag na po ako pero huli na po ito."
Agad namang nagalak si Boyet sa pasya ni Sarita at agad nitong binigay ang address ng nasabing customer sa dalaga.
"Oh ito magpunta ka jan! Huli na ito kaya pagbutihan mo." Tumunga naman si Sarita hudyat ng pagsangayon. At agad ding lumabas si Sarita sa kwartong yon.
Paglabas ni Sarita ay nilibot ng dalawang mata niya si Juan ngunit hindi nito matanaw ang binata kaya minabuti nitong wag nang ipaalam at dumeretso na sa lugar tutal huli naman na ito.
BINABASA MO ANG
Walang Muwang (COMPLETED)
Short StorySa buhay hindi dapat padalos dalos ng desisyon. lahat ng nangyayari sa atin ay choice natin. pero paaano kung ang tadhana naman ang pumili sa mangyayari sa buhay natin lalo na't hindi ito sang-ayon sa mundo.