Halos lamunin na ng lupa si Claudia dahil sa mga narinig niya. Parang tinusok ng patalim ang kanyang puso. Kaya agad nakaramdam ng galit si Claudia sa nananahimik na si Sarita.
"Humanda kang Sarita ka! Ang akin ay akin!" Pabulong nitong galit sabay alis sa pagkakatulala.
Agad tinungo ni Claudia ang bihisan para makita niya si Sarita at hindi nga siya nagkamali at nadatnan niya si Saritang nag-aayos na.
Pero bago pa man lapitan ni Claudia si Sarita ay napansin na niya agad ang susuotin nito sa unang pagtatanghal nito.
"Hulika! Hindi mo na kita pahihirapan, bagkus ipahihiya muna kita sa harap ng mga lalaki sa labas!" Bulong pa nito sabay dahan dahang kinuha ang susuotin ni Sarita.
"Humanda ka saking babae ka!" Sabay halakhak habang hawak hawak ang damit na susuotin ni Sarita at Insekto na ikakalat nito sa buong damit.
Matapos ang plano, malinis na naibalik ni Claudia ang damit ng di napapansin ni Sarita.
Dumating ang oras na magsasayaw na si Sarita. Giling dito, giling doon, hanggang sa maramdaman niya ang mga kagat ng antik sa kanyang katawan. Kamot dito kamot doon hanggang sa nagtawanan na ang mga kalalakihang pinanonood siya. Ito ang unang gabi sa trabaho ni Sarita at ang una ding kahihiyang nagawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/85006457-288-k207763.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang Muwang (COMPLETED)
Cerita PendekSa buhay hindi dapat padalos dalos ng desisyon. lahat ng nangyayari sa atin ay choice natin. pero paaano kung ang tadhana naman ang pumili sa mangyayari sa buhay natin lalo na't hindi ito sang-ayon sa mundo.