Chapter Twenty Eight

47 1 0
                                    

7 MONTHs LATER

Dylan's pov

Hindi ko masasabing nalampasan na namin ang lahat ng pagsubok, pero nagpapasalamat ako at kabuwanan na ni lyra.  Kahit nakalimutan niya na ang lahat lahat, even her name. Di pa din naman nagbabago ang ugali niya, she's still the same lyra i know before. And this past few days, hindi na siya masyadong inaatake ng pagsakit ng ulo niya. Mukhang nakabuti sa kanya ang palaging pagpunta punta ng mga kaibigan niya dito.

Sila Ayumi,Sassy at si Ayami, pati na din ang mga boyfriend nila. Napansin niyo ba na di ko nabanggit si carla? Well! After the wedding or nung gabing dito siya natulog, ay di na siya ulit nagpunta pa dito. Naka reciieve na lang ako ng text na ipagpaalam ko na lamang daw siya sa asawa ko. Kailangan niya daw kasing bumalik sa canada kung san nakatira ang mga magulang niya.

Alam niyo bang araw araw ay nandito ang mga friends ni lyra, excited pa sila sakin sa nalalapit na paglabas ng baby namin sa mundo. Hihi 😄😄😄

Gaya ngayon na andito na naman sila sa bahay at kinukwentuhan si lyra. Ang asawa ko naman ay matamang nakikinig sa kanila habang nakahawak sa malaking tiyan niya.

Bigla akong na alarma ng makita kong napangiwi si lyra at nagkakagulo na ang mga kaibigan niya. Agad akong lumapit sa kanila at binuhat si lyra.


Ayumi's pov

Ehh! Manganganak na ata si Bes! Natigilan ako kakakwento ng makita kong napangiwi siya, si sassy at ayami naman ay di mapakali kaya ako na lamang ang tumawag kay dylan na prenteng nakaupo sa loob kung saan natatanaw niya pa din kami sa garden. Nakita kong agad niyang binuhat si lyra. Si sassy naman ay nagtatakbo sa loob para tawagin si tito caldwin. Si Ayami naman ay agad na tinawagan ang boyfriend niyang si aito. Napasunod na lamang ako kay dylan palabas ng mansion. Dala dala ko na rin ang gamit ni lyra at ng baby na agad ng inabot sakin ng kasambahay nila.

Sa backseat na inilagay ni dylan si lyra, sinamahan ko naman ito at niyakap habang napapangiwi na din dahil sa nakikita kong sakit na nakalarawan sa mukha ni lyra.

Hays! Ganito pala ka hirap manganak, tingin ko sobrang sakit nito.

Aw! Ou nga pala, nakalimutan ko ang boyfriend ko haha! Nagiging si lyra na rin ata ako eh! Tenext ko na lamang siya na pumunta sa ospital dahil manganganak na si lyra. Sinabi ko pangalan ng ospital. Alam kong busy siya ngayon dahil dun siya naka duty sa ospital nila. Yeah! They owned Sato Medical Hospital, at siya mismo ang director dun. I'm so proud of him, although, di maiiwasan na madaming nurses ang magkandarapa sa kanya dahil sa cuteness niya haha, minsan di ko din mapigilan na magselos.

Napabalik ako sa realidad ng maramdaman kung napakapit sa kamay ko si lyra. Nahihirapan na siya, i guess. Binalingan ko si dylan na nagcoconcentrate naman sa pagdadrive, alam kong kinakabahan na siya. Hays! Anu ba yan, hinaplos ko na lamang ang buhok ni lyra at napabuntong hininga.

" Kaya mo yan Bes! Malapit na tayo!" pagpapalakas ng loob na sabi ko kay lyra. Nakita kong napasulyap naman sa salamin si dylan at pilit na ngumiti.

Ayami's pov

Pagkatapos kong tawagan si Aito ay sumabay na kami ni sassy sa daddy ni lyra na halatang kinakabahan.

Kaya sinabi ko sa kanya na sa sasakyan ko na lamang kami sasakay, ako na rin mismo ang magdadrive.

Tumango na lamang siya at agad ng sumakay sa likod, si sassy naman ay nasa tabi ko naupo.

Narinig kong tinawagan niya din si mike at ipina alam na manganganak na si lyra. Lahat talaga kami excited sa paglabas ng baby.. Pero kinakabahan din.

THE GIRL IN DISGUISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon