Not Ready

5.3K 177 2
                                    

*RAVEN POV*

Pa-uwi na ako ngayon at inaayos na lang ang mga nakakalat na gamit.

Pagka-tapos ko itong ayusin ay umalis na rin ako sa office ko.




Nasa parking lot na ako ngayon ay kasalukuyang hinahanap ang kotse ko.

"Hi raven!"-rinig kong bati sa akin sa aking likuran.

Lumingon ako doon sa taong yun.

Hindi na ako nagulat ng makita ko siya.
Psh!e halos araw araw niya akong ina-abangan dito sa parking lot e.

Matalim ko lang siyang tiningnan.

"Anong kailangan mo stella"-malamig kong tanong sa kanya.

"Wala naman....mag go-good  night lang kami sa iyo ni baby"-naka-ngiting sabi niya pero inirapan ko lang siya at sumakay na sa kotse ko.









Ilang oras lang akong bumiyahe at nandito na ako sa bahay namin.

"Hi honey!!"-masayang bati sa akin ni shiela at mabilis na hinalikan ako sa labi.

"Hello honey"-naka-ngiti ding bati ko sa kanya.

Niyaya niya naman akong kumain na kami kaya pumayag na ako.

Habang kumakain siya ay lagi lang siyang naka-ngiti.

Mukha na siyang timang pero magandang timang-_-

"Ahmm...honey may sasabihin ako sayo"-nahihiya niyang sabi sa akin.

"What is it?"-tanong ko habang patuloy parin sa pagkain.

Ngumiti muna siya ng malawak sa akin.

"Anong gagawin mo kapag nalaman mong buntis ako ngayon?"-naka-ngiting tanong niya sa akin.

"Ewan ko hindi pa kasi ako handang maging ama sa ganitong edad"-sagot ko naman.

Ang kaninang naka-ngiti niyang labi ay biglang nalungkot.

May mali ba akong sinabi?

"Sige tapusin mo na lang yang kinakain mo at aakyat na ako nawalan na ako ng gana"-sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Hindi ko na lang siya pinigilan at baka mainit ang ulo.

Nang matapos na ako sa pag-huhugas ng kinainan ko ay umakyat na lang din ako sa kuwarto namin.

Pinag-masdan ko muna ng ilang minuto ang itsura ng asawa ko at hinalikan muna ito sa labi bago ako matulog.

Continue....

MHIAUC 3-Memories Of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon