Truth

5.9K 175 14
                                    

Hindi ko na kaya to....

Dali-dali akong bumalik sa kuwarto ko at nag impake ng mga gamit.

Oo aalis na akp sa impyernong bahay na to.

Hindi ko na kayang masaktan kaya pipiliin ko na lang na lumayo sa kanila.

Alam kong masaya na si raven sa piling ni stella lalo't na may anak na sila.

Pero may anak din naman kami.

Gustong-gusto ko na sabihin sa kanya na..

"Raven.....may anak din tayo"

Pero hindi yun madali dahil baka isipin niyang gumawa-gawa lang ako ng kuwento para mapag-hiwalay sila ni stella.

Madilim-dilim na din kaya siguradong tulog na ang dalawang yon.

Dahan dahan akong lumabas sa kuwarto ko patungo sa main door ng bahay.






Tagumpay akong nakarating sa main door kaya wala na akong sinayang na oras at lumabas na sa bahay na iyon.


*RAVEN POV*

Gabi na pero hindi parin ako nakaka-tulog.

Gusto ko siyang puntahan...

Gusto ko siyang yakapin...

Gusto ko siya ang katabi ko ngayon at hindi ang malanding stella na to.

Oo..hindi ko mahal si stella.

Ginagawa ko lang ang mga bagay na yun dahil gusto ko ding masaktan si stella tulad ng sakit na idinulot niya noon sa akin.

Please...hintayin mo ako shiela.

Kinabukasan....

Nagising ako na wala na sa tabi ko si stella.

Nag hilamos at nag toothbrush muna ako bago ako lumabas ng kuwarto.

Napa-daan ako sa maids room na tinutulugan ng babaeng mahal ko.

Nag dadalawang isip pa ako kung sisilipin ko siya o hindi.

Pero sa huli ay napag-desisyunan ko na lang na silipin siya at susungitan ko na lang siya kung sakaling nandiyan at gising siya sa loob.

Pinihit ko na ang door knob at tuluyang binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin na kama na lang at aparador ang gamit sa loob ng kuwarto.

Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Baka kasi umalis na siya at hindi niya na ako hinintay.

Binuksan ko ang aparador niya.

Wala.....wala na siya....umalis na nga ang babaeng mahal na mahal ko...

Nag simula ng tumulo ang luha ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang masaktan.

Tumingin ako sa sapin na hinihigaan niya.

May napansin akong papel doon kaya agad ko iyong kinuha at binuklat.

Dear raven,
           Alam kong mababasa mo ito sa oras na wala na ako diyan sa bahay niyo.
Gusto ko lang magpaka-layo layo kasama ang anak ko.
Oo may anak ako i mean anak pala nating dalawa hehehe.
Sorry kung hindi ko sinabi kaagad sa iyo na may anak na tayo.
Tinanong kasi kita kung ready ka na bang maging ama pero ang sinagot mo ay hindi kaya isinekreto ko na lang sayo at alam ko namang masaya ka nasa piling ni stella at sa una ninyong supling.
Pero alam mo raven....ang hindi ko lang talagang maintindihan ay kung bakit ka biglang nag bago?
Wala naman akong ginawang masama para maging ganyan ka?
Siguro hindi talaga tayo ang itinadhana para sa isa't isa.

         Always be happy:)
I love you forever raven salvador.

                              Shiela,
                            Nagmamahal






Nailukot ko ang papel at itinapon kung saan.

Ang tanga ko!!isa akong malaking tanga!!!

Paano ko nagawa iyon sa babaeng mas mahal ko pa kaysa sa buhay ko?

At higit sa lahat ay may anak na kaming nasa sinapupunan niya!

Kaya pala medyo lumalaki na ang tummy niya dahil buntis pala siya!

"Raven!bakit ka umiiyak?"-sabi ni stella na-kakapasok lang sa kuwarto.

Akmang yayakapin niya ako pero mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Umalis ka nasa pamamahay ko stella!tapos na ang laro ko kaya puwede ka nang umalis"-malamig na sabi ko sa kanya at iniwan siyang naka-tanga sa kuwarto.

Alam ko namang hindi sa akim ang batang dinadala niya dahil minsan ko na siyang nahuli na may kausap telepono at sinabi niya dun sa kausap niya hindi sa akin ang bata kundi sa naka-one night stand niya daw.

She's a bitch and whore.

Pero ang kailangan kong pag-tuunan ng pansin ngayon e ang asawa ko na nasaktan ko ng labis labis.

Continue...

MHIAUC 3-Memories Of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon