Forgiveness

5.9K 162 5
                                    

---After 5 months---

Limang buwan na ang nakalilipas simula ng huli naming makita si stella.

Nawala kasi siya ng parang bula pagka-tapos ng aksidente dun sa bahay.

"Nakikinig ka ba honey?"-sabi ni raven.

Napa-lingon naman ako sa kanya.

"Huh?ano nga ulit yung sinasabi mo?"-tanong ko.

"Nakaka-tampo ka naman honey e!"-maktol niya na parang bata.

"Sorry na hon may iniisip lang talaga ako kaya wag ka nang mag tampo"-pag lalambing ko sa kanya.

"Pasalamat ka at mahal kita kaya hindi kita matiis"-naka-ngiting sabi nito sa akin at niyakap ako.

"Mahal din naman kita e"-sabi ko din sa kanya.

Sasagot pa sana siya ng mag vibrate ang cellphone ko.

"Wait lang hon"-sabi ko at humiwalay sa yakap niya.

May text pala ako.

From:uknown number

Mag-kita tayo ngayon sa starbucks malapit diyan sa park na pinuntahan niyo.

Mag hihintay ako.

_____end of message______

Sino naman kaya to?

Luminga linga ako sa paligid at may starbucks nga na malapit dito.

Wala naman sigurong masama kung puntahan ko diba?

"Honey may bibilhin lang ako ok?"-sabi ko sa kanya.

"Pero---"-hindi ko na siya pinatapos mag salita.

"Sandali lang talaga ako"-sabi ko sa kanya at nag puppy eyes.

"Hayst.fine!"-sabi niya kaya niyakap ko siya.

Humiwalay na ako sa yakap at nag simula ng lumakad papuntang starbucks.














Nandito na ako sa loob ng starbucks at kasalukuyang hinahanap yung taong nag text sa akin.

May nakaagaw naman ng pansin ko ang isang taong naka-cap at naka-shade pa.

Siguro siya yun.

Dali-dali akong pumunta sa lamesa nung tao na yun.

"Hi?"-alanganin kong sabi.

"Andyan ka na pala shiela,maupo ka muna"-sabi niya.
Pambabae ang boses niya at pamilyar pa ito o kaboses niya lang talaga?

"Kilala mo ako?paano at sino ka ba?"-sunod sunod kong tanong.

"Isa isa lang hahaha ako nga pala si...."-sabi niya at unti unting tinanggal ang shade niya.

"Stella?!"-hindi makapaniwalang sigaw ko kaya tumingin sa akin ang mga ibang tao kaya nag peace sign ako sa kanila.

"Hahaha ang epic ng itsura mo shiela kung alam mo lang"-sabi niya at tumawa.

Napa-tulala naman ako sa nangyari.

Tumawa ba talaga siya?

Atsaka bakit parang ibang stella ang nasa harapan ko ngayon?

Anong nangyayari?

"Ehem!stella......anong gusto mong pag usapan natin?"-tanong ko sa kanya kaya napa-seryoso naman ang mukha niya.

Tumikhim muna siya bago nag salita.

"Bago ako mag simula gusto ko munang mag sorry sayo dahil sa lahat ng mga ginawa ko.
Atsaka nandito ako para sabihin sa inyo na hinding hindi na ako makiki-gulo pa sa mga buhay niyo.
Siguro nag tataka ka noh?
*chuckle*ako din e nag tataka din ako kung bakit gusto ko ng mag paraya.
Basta nagising na lang ako isang araw na bigla ko na lang na-realize na ang sama sama ko na palang tao.
At para na rin akong mamamatay tao kaya eto ako ngayon.....humihingi ng kapatawaran sayo shiela"-mahabang lintanya nito.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ang diyos nga ay napapatawad ang mga tao ako pa kaya na isang tao lang din?matagal na kitang pinatawad stella....naiitindihan ko ang mga nagawa mo dahil alam kong nabulag ka lang sa pagmamahal mo kay raven kaya nagawa mo ang mga bagay na yun"-nakangiti kong sabi sa kanya.

Nabigla na lang ako ng bigla niya akong niyakap.

Nang makabawi na ako sa pagkaka-gulat ay gumanti na din ako ng yakap.

"Maraming salamat shiela..."-naiiyak na sambit  nito.

Nag kuwentuhan pa kami ni stella ng kaunti bago namin naisipang umuwi na.

Hayst.ang gaan sa pakiramdam na walang taong galit sayo

Continue....

MHIAUC 3-Memories Of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon