Angry

5.8K 160 1
                                    

"Umayos ka nga raven!tingnan mo ang gulo na tuloy na kusina!"-sermon ko sa kanya.

Nag luluto kasi kami ngayon ng tanghalian namin.

Wala kasi yung mga maid namin dahil pina-day off sila ni raven.

Tinanong ko nga kung bakit niya yun ginawa?

Ang sagot naman niya...

"Gusto kasi kitang masolo"

Kinilig naman daw ako haha.

"Sorry na hon baka manganak ka niyan ng wala sa oras"-pang-aasar niya.

"Aarrghhh!!!humanda ka talaga mamaya!!!"-naiinis na sigaw ko sa kanya.

*ding dong.ding dong*

Natigil kami sa pag babangayan ng may nag doorbell.

"Istorbo naman tsk!"-maktol ni raven kaya binelatan ko na lang siya.

Ako na ang nag presinta na mag bubukas ng pinto at pumayag naman siya.

Nakangiti kong pinag-buksan ang taong nag do-doorbell pero agad naman itong napawi ng makita ko kung sino yun.

"Hi bitch!"-sabi niya sa akin

Kumulo naman ang dugo ko dahil sa pagmumukha niya.

"Referring to yourself stella?"-patay-malisya kong tanong na ikipula naman ng mukha niya dahil sa inis.

"Mang-aagaw ka talaga shiela!!"-sabi niya at marahas akong itinulak.

Matalim ko namang siyang tiningnan pero ngumisi lang siya sa akin.

"Ikaw ang malandi sa ating dalawa dahil nang aagaw ka pa ng may asawa!"-ganting sigaw ko

"Ako ang una niyang minahal!"-galit na sigaw niya.

"Ikaw nga ang una pero ako naman ang pangalawa,pangatlo,pang-apat at pang huling-huling mamahalin niya!"-nakangising sigaw ko sa kanya.

"Sumusobra ka na talagang babae ka!!"-sabi niya at sinampal ako ng malakas.
Hindi pa siya nakuntento at sinabunutan ako at feeling ko ay matatanggal na ang buhok ko sa lakas ng pagkaka-hawak niya.

Akala ko hanggang doon lang ang gagawin niya pero hindi pa pala.

Nang bitawan niya ang buhok ko ay malakas niya akong itinulak dahilan para mapa-upo ako sa sahig.

Naramdaman ko namang sumakit ang tiyan ko at nakita ko ang dugong dumadaloy sa hita ko.

"Nnooooooooo!!!!"-natatarantang sigaw ko.

"Anong nang----shiela!!!!"-rinig kong sigaw ni raven at dali-daling pumunta sa puwesto ko.

"Sino ang gumawa nito sayo?"-galit na tanong niya.

Itinuro ko naman ang nasa likod niya kaya lumingon ito.

Agad namang nag dilim ang aura ni raven ng makita niya si stella.

"Hindi ka ba talaga titigil stella?!"-malakas na sigaw ni raven.

Nakita ko namang natakot si stella sa ginawa ni raven.

"H-hinding hindi ako t-tigil hangga't hindi k-ka bumabalik sa akin!"-nauutal na sabi ni stella.

"Hinding hindi na ako babalik sayo stella"-madiing sabi ni raven.

Lumingon naman siya sa akin at binuhat ako ng pa-bridal style.

Lumakad na siya palabas pero bago pa namin malagpasan si stella ay may huli pang sinabi si raven.

"Hindi na ako babalik sayo kasi hindi na kita mahal stella"-huling sinabi ni raven at dali dali akong isinakay sa kotse niya.

Bago pa patakbuhin ni raven ang sasakyan ay lumingon muna ako sa gawi niya.

Nakita ko siyang naka-luhod habang humahagulhol sa iyak.

Kahit ganoon si stella sa akin ay naaawa parin ako sa kanya.

Hayst.pag-ibig nga naman.

Continue...

MHIAUC 3-Memories Of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon