Alana's POV

Hinila ko ang maleta ko papasok sa hospital, chineck pa iyon ng guard at nagulat dahil maraming laman na damit at pagkain. Lahat ng nurse na nakakasalubong ko ay tinitignan ako.

"Eh ganiyan talaga manamit mga taga maynila!" rinig kong bulong ng isang babaeng inilalakad ang kaibigang buntis sa gilid ng hallway. Taas-noo akong naglakad patungong counter.

"Saan po yung room ni Mr.Eduardo Ibarra?" tanong ko. I'm wearing an off-shoulder top na kulay black at sky blue na jeans na fit sa legs ko. Pinasadahan niya ako ng tingin bago sagutin ang tanong ko.

"2nd floor miss, Male Ward" aniya.

"Thanks po" sagot ko at hinila na uli ang maleta, lumiko ako sa nalagpasan kong flat na akyatan. Mahirap 'to.

"Ay ma'am ako na po" lumapit ang isang nurse sa akin at kinuha ang maletang dala ko "ay sige po" hinayaan ko na lang sya at sinundan siya sa kung saan ang tinutuluyan ng lolo ko.

Nagpunta dito si Theresa, actually nagkasalubong kami sa mansyon kanina. Theresa, pinsan ko na bumisita kahapon siya ang nagbantay kay lolo para naman makatulog ang tita namin, at baka sa susunod naman na araw pa dadating ang isa ko pang pinsan na si Christina.

"Salamat po" ani ko nang huminto kami sa Male Ward, kumatok ako at binuksan ang pintuan..mainit na hangin ang sumalubong saakin at tatlong hospital bed; isa ay hindi ko kilala kung sino at ang isa at walang nakahiga, ang ang ikatlo ay si lolo na nakahiga.

"Nariyan na pala si Lana!" nandito pala sila Lola Omma saka Tata Ising saka Lola Airin.

Nagmano ako at yumakap--"eto po yung mga pinapadala ni Nanay Edna" pinasok ko na rin yung maleta, "Tita Apin may mga damit ka na po pala sa loob" ani ko sa tita ko.

"Ay salamat naman at makaliligo na ako" inamoy ni tita ang loob ng damit niya at tumawa "eh amoy pinaasimang gulay na ako dito eh"

Tumawa na lang kami nila lolo, tinuon ko naman ang pansin sa lolo kong tahimik na magpapahinga sa single bed, "kamusta na po pala si lolo..'la?" tanong ko.

Sobrang tanda na ng lolo at maitim pa rin siya, araw-araw ba namang magwalis sa labas ng bahay niya, Dinaig pa ang magsasaka eh may hardinero naman siya. Si lolo rin ang nagtanim ng bawat punong nakatayo sa paligid ng mansyon, noong binata pa daw siya noong itinanim niyo iyon. Hanga nga kami.

"Ayon! Noong isang araw eh sinumpong ng highblood saka masyadong naglalalabas at nagpapagod sa ilalim ng araw ayan! Na heat stroke" sagot ni Nana Airin.

"Pero ayos na ang kalagayan niya ngayon, ngayong umaga lang ah dahil mamayang gabi..nako! panigurado! susumpungin nanaman 'yan" ani Nana Omma.

Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa gilid ng pisngi ko, ang init dito.. ayos lang ba na mag stay dito sa Male Ward si Lolo? Eh baka mas lalong lumala ang heat stroke sa sobrang init dito sa loob.

"Kamusta ang trabaho?" tanong ni Lolo Ising,

"Ay nako 'lo eh minamadali nga ako ng boss ko dahil malapit na ang exhibit namin sa Pampanga, konti palang na paintings ang napapasa ko" sagot ko, isa akong professional artist at sa Maynila ako nakatira, may bahay kami dito sa Bulacan malapit lang sa Mansyon. Ganoon din ang iba kong pinsan.

"Eh ilang araw ka ba dito sa lolo mo?"

"2 weeks 'la, pwede ko naman gawin dito yung ibang paintings ko" sagot ko, bigla namang nagbukas ang pinto at pumasok ang isang doctor, tumayo iyon sa tabi ko.

"Ch-check ko lang po si Tatang ah" anang doctor at lumapit sa tabi ng hospital bed ni lolo.

Ginising ni Doc si lolo at itinaas niya ang kanang braso ni lolo "ganyan 'tang, nako mukhang excited nang makalabas ang tatang ah" anito.

Hey, Morgan #Wattys2016Where stories live. Discover now