3 weeks after.Nakangiti ako habang inilalagay sa kotse nila tita Melda ang mga gawa ko, Nanay nila Kuya Dexter at Kuya Derek; kambal sila.
"So mysterious...sino kaya 'yong nakaupo sa office table saka nakahiga sa sofa tsaka yung nasa kainan..?" tanong saakin ni Theresa habang inaayos ang maiksi niyang buhok, naglalakad papunta saamin ang soon-to-be husband niyang si Mico.
Yung tatlong litrato ni Morgan na nasa dslr ko at ipininta ko, hindi ko iyon nilagyan ng mukha para hindi malaman nila Theresa. Naka higit sampu akong canvas painting at ayos na iyon para ihatid ko sa gaganaping exhibit namin sa pampangga. Si kuya Dexter ang maghahatid saakin, kasama niya 'yong girlfriend niya.
Tumunog ang phone ko at tumatawag don si Christina, nasa hospital parin siya ngayon at sa susunod na araw pa ata ang labas ni Lolo.
"Oh?" sagot ko
"Hala, Lana sorry.."
"Huh?" di ko siya maintindihan.
"Nadulas ako kay Doc..nasabi kong aalis ka na ngayon.." tumigil siya "at papunta na siya diyan sa mansyon ngayon, sorry talaga Lana!!!! He's been bugging me since nun umalis ka dito sorry lana talaga" sigaw niya sa kabilang linya.
"T-theresa...pag may naghanap saakin sabihin mo, umalis na ako at hindi na ako babalik!" sabi ko sa pinsan ko at nagmadaling naglakad palapit sa sasakyan.
Nanlamig ang buong katawan ko! Hindi ko pa kaya! Nahihiya ako sa sinabi ko sakanya noon! Binaba ko na ang phone ko at nagmamadaling sumakay sa sasakyan, "Alis na tayo kuya" sabi ko at nilinga ang daan kung may paparating na tricycle o sasakyan na siya ang laman.
Nailagay na nila ang mga gawa ko at ayos na para umalis,
"Oh si Doc pala---" sigaw ni Kuya Dex, kaagad kong pinalo ang balikat niya "TARA NA!" sigaw ko, inistart na niya ang sasakyan at umarangkada na kami.
Yumuko ako kasabay ng pagsigaw niya sa pangalan ko, parang biglang may nagtambol sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba , kundi dahil sa narinig ko ang boses niya na tinawag ang pangalan ko na may halong pagmamakaawa. Gusto kong maniwala sa tono ng boses niyang gusto niya akong pabalikin.
Well...babalik naman talaga ako, ihahatid ko lang naman itong mga ginawa ko.
Nasa highway na kami nang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Theresa don, sinagot ko iyon..
"Hey...W-why did you..." nang marinig ko ang boses niya don ay agad ko iyong naibaba, bakit siya tumatawag sa phone ni Theresa?
Ilang minuto ang lumipas at tumunog naman ang messenger ko at galing iyon kay Theresa ulit, picture iyon.
Si Morgan na nakaupo sa hagdan ng mansyon namin at nakayuko,
Theresa Maica Ibarra
There. Kawawa naman couz. Naawawa si tita Edna sakanya, a well-known Doctor of Bulacan is sitting on a dirty staircase waiting for a maarteng artist
Tumunog uli ang messenger ko.
Theresa Maica Ibarra
Sinabi kong di ka na babalik, hindi naniwala..hindi mo daw siya kayang iwan kaya maghihintay siya dito. For God's sake, come back immediately, napaka laking sayang couz. Mapapanis na 'yang flower mo dahil hindi nadidiligan dahil sa principle mong mag FD sa NY eh kelan pa 'yon, 80 na ka na bago makatapak sa NY!
Di ko alam ang isasagot ko kaya pinatay ko muna ang phone ko at binuksan ang dslr ko, tinignan ko ang mga litrato niya doon, napahinto ako sa litrato niyang nandon siya sa office table niya, the time when i asked him if can he come closer to me... the time when i leaned closer to him and kissed him and the time when he response to the kiss..that's the time that i note myself na hindi ko nga talaga kayang iwanan ang lalaking hinahalikan ko. And his guess is right, hindi ko siya kayang iwan.
YOU ARE READING
Hey, Morgan #Wattys2016
Genel KurguA love story between a Doctor and Professional Artist.