Nilingon ko si Tita at tumango na lang  siya, nagpaalam ba si Doc sakanya na mag-uusap lang kami? Tumango ako at nauna nang maglakad kay Doc.

Nakasalubong namin sa flat na hagdan si Kuya Dexter at Nanay. Niyakap ko si Nanay sa takot na baka mangyari rin iyon sa kanya, i know it runs on our blood at malapit na sa katandaan ang Nanay ko at takot ako na baka mangyari rin iyon sakanya.

"Lana, saan ko ba ilalagay itong mga gamit mo?" naputol ang yakap ko kay Nanay nang magsalita si Kuya Dex na nasa likuran lang niya.

"A-akin na kuya, maaamoy ng mga pasyente sa loob ang pintura" kinuha ko kay Kuya ang mga gamit ko, nahirapan lang ako sa pag hawak sa dalawang palette.

"Give me that" nagulat ako nang may umagaw sa mga dala ko, oo nga pala kasama ko si Doc sa likod ko.

"Doc!" nakipag-kamay si Kuya Dex sakanya at bumati naman si Nanay sakanya.

"Don lang ako sa Garden," paalam ko at kinuha ko ang mga materials ko kay Doc na nakikipagusap kay Nanay tungkol sa kalagayan ni Lolo. Gusto ko mang sumunod siya sa akin at hindi pwede, syempre Doctor siya at responsibilidad niyang unahin ang pasyente o kamag-anak ng pasyente kaysa sa ibang hindi naman mahalaga.

Umupo ako sa swing at chineck kung kumpleto ba ang mga gamit ko, kumpleto naman. Napatingala ako at nakitang madilim na ang langit at kitang-kita ko mula dito ang napakaraming bituin, pumasok ang napakagandang ideya sa utak ko at nagsimula na sa panibagong maestra na gagawin ko.

Kinalat ko sa paanan ko ang mga iba't-ibang kulay ng acrylic paint at naglagay ng iba't ibang kulay sa palette na nasa gilid ko, ipinatong ko naman ang canvas na may tamang laki sa hita ko at nilabas ko na ang iba't-ibang size ng paint brush.

Busy ako sa paglagay ng makapal na kulay ng bughaw para sa backround nang may nag 'ehem'. Tinaas ko ang tingin ko at tumigil muna sa pag-pipinta. Si Doc pala.

"So.." mag-uusap kami diba? "Anong pag-uusapan?kamusta ang lolo ko?" tanong ko at ibinalik na ang tingin sa ginagawa ko, ipinagpatuloy ko ang pagpipinta.

"Tinaasan namin ang dosage ng gamot na tinurok namin sakanya, he's fine now" tumigil sya saglit "huwag nyo muna siya papakainin, feed him after 1 hour wag niyo rin siya papainumin ng tubig baka after 1 hour na rin" he sounds so professional, tumango ako.

"Ako na ang magpapakain kay lolo, uhm" tumingala ako at nagtama ang tingin namin, tinitignan niya ba ako? "Bawal ang mamantikana pagkain, right?" tumango siya.

"Okay" sagot ko at nagpatuloy na.

"Starry Night by Van Gogh?"

Umiling ako, i let him say whatever he want to say basta wala akong pinag gagayahang pinta. That's a big NO NO! At NO rin na sabihin ko sa iba ang title ng pinipinta ko.

Titles must revealed at the exhibit.

"It's so awkward when someone is watching you doing your work, right?" makahulugang tanong ko, nakikita ko kasi sa mga mata niya na parang may kulang sa pinipinta ko--my insecurities starts to eat me right now dahil sa titig nya sa gawa ko!

"Yep but i think for you--it's not that awkward na may nanonood sa gawa mo" he said, "look, ang ganda nga eh dapat sa mga ganyan ipinagmamalaki" bahagya siyang umupo para magkapantay kami.

Yumuko naman ako para mahulong ang ilang hibla ng buhok ko at para narin matakpan ng mga iyon ang ngiting pinipigilan ko.

"H-hindi pa nga tapos.." sagot ko at pinipigilang ngumiti, kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingala..tinignan ko ang mga bituing kumikislap.

Tumagal ng dalawang oras ang pagpipinta ko at hindi parin umaalis si Doc sa tabi ko, he talks alot about Van Gogh, though alam ko na lahat tungkol sakanya at nakinig parin ako..mas natatandaan ko ang mga sinasabi ni Doc kaysa sa guro ko noon.

Hey, Morgan #Wattys2016Where stories live. Discover now