3 araw na ang lumipas simula nong halikan niya ako nong gabing iyon, wala rin kaming maayos na paguusap tungkol doon. Nakikita ko lang siya kapag pumupunta siya sa lolo ko at sa kasamang pasyente nito, 'yon lang.

Bakit niya ako hinalikan? Hindi ko rin alam. Simula nong gabing yon wala na akong maayos na tulog at hindi rin ako makatulog ng maayos kaya ako lagi ang nagbabantay sa gabi hanggang madaling araw kay lolo at matutulog ako ng saglit kapag tanghali na.

"Kumain ka muna, Lana" ani tita Pompa, kadarating lang nila kasama yung asawa niya nagdala sila ng pagkain para kay Lolo at para sa amin ni Tita. Tumango ako at kinuha yung isang tupperwear, baka sa canteen na lang ng hospital ko ito kakainin.

"Sa Canteen na lang po ako sa baba kakain tita" ngumiti ako at lumabas na, si Tita ay may anak na kambal, babae. Si Eiyha at Mhia, si Mhia paborito kasi sobrang taba non! As in! Grade 5 silang dalawa ngayon sa pagkaka-alam ko.

"Goodmorning" bati ko sa mga nakakasalubong kong kapamilya ng pasyente, pasyente at pati na rin sa mga nurse, binati rin nila ako nang may ngiti sa labi.

Dumaan ako sa garden at sinilip ko muna ang ikalawang pininta ko na kahapon rin ay natapos ko, baka kapag nakaabot na ako ng 5 pataas na paintings ay ihahatid ko na iyon sa Pampangga kaagad. Dalawa pa lang sa ngayon ang nagagawa ko.

Nang makapasok naman na ako sa Canteen ng hospital ay umupo ako sa pinaka gilid na parte nito, may mga pasyenteng kumakain na inaalalayan ng mga asawa o kapamilya nila. Kung pasyente ako, sino kaya ang aalalay sa akin dito?

"Ah yes..hmm..paki-move ng 4pm yung appointment..yes please"

Napaangat ako ng tingin nang may umupo sa tapat ko, nalaglag ang panga ko nang makitang si Morgan iyon! Binaba na niya ang tawag at tinignan nya ako saka ngumiti, mga kaibigan nakakaluwag talaga ng panty yung ngiti nya!

"Hey, Doctor M..." mahinang sambit ko at kinindatan sya, kita ko ang pamumula ng tainga niya at pag-iwas ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" inosenteng tanong ko matapos siyang kindatan, nagpapaka-inosente rin naman siya, hinalikan niya ako pero parang wala lang sakanya yung ginawa nya!

"Sasabayan ka kumain?" patanong niyang sagot at may dumating na waiter at inabutan siya ng plato ng pagkain, tumango na lang ako.

"Anong gagawin mo pagkatapos dito?" tanong niya sa kalagitnaan ng pag kain namin, nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot, i do have table manners, duh?

"Baka gagawin ko yung pangatlong canvas painting, then matutulog na ako pagkatapos" sagot ko, tumango siya.. "bakit?" tanong ko dahil parang may gusto siyang sabihin.

"Uhh..aayain sana kitang mag merienda sa...bayan" halata ang hiya sa boses nya kaya napangiti ako, so...this is Work vs. Lovelife? (LOVELIFE BA?)

"Well..uhm" hindi ko alam ang isasagot ko! Hindi ko alam kung ipagwawalang bahala ko muna yung mga painting pero kasi naghahabol ako sa gawain ko sa trabaho. Kapag sumama naman ako, baka mag level up yung 'relationship' kuno namin pagkatapos nung halik nya. Ugh! Di ko alam!

"Y-you can..uh" tinignan niya ako sa mata at nahuli ko iyong mga titig niya, "You can do your w-work inside my office" nahihiya niyang sambit.

Hindi ko alam kung bakit kailangang doon pa, okay naman ako sa garden ng hospital at wala namang sumisita saakin don.

"You can get sun burn kasi tirik na tirik ang araw at nagta trabaho ka don" bigla nangseryoso ang boses nya at nakatuon na an pansin nya sa pagkain nya.

"Help me get my things, then" pagpayag ko.

Nakita ko ang saya sa pagngiti nya, alam ko 'yon! Kahit na hindi pa ako nakakaranas na pumasok sa loob ng isang relasyon ay alam ko 'yong mga ngitin iyon!. Yon ang ngiti ng isang lalaking sinagot o kaya ay pumayag na makipag date ang gusto nito. Pero teka..hindi niya naman ako nililigawan.

Hey, Morgan #Wattys2016Where stories live. Discover now