Chapter 15

362 19 0
                                    

ANDY'S POV

Wala parin sila mommy it is almost 10 pm na,dahil sa sobrang boring sa bahay naisipan kong lumabas ng bahay at pumunta sa 7/11 para bumili ng makakain.

Bumaba ako at nagpaalam kay Yaya Sera.Pumunta ako sa garahe at nilabas ko ang motor ko,sinuot ko muna yung helmet ko tsaka ko pinaandar ang motor ko.

Napadaan ako sa park,ng makarinig ako ng tahol ng aso,nung una wala akong paki,kaso Maya maya yung pagkahol ng aso napalitan ng iyak nya at tawanan ng mga lalaki.Ayss wala silang awa pati hayop dinadamay.Kung iniisip nyo kung bakit may paki ako? Kasi nung bata pa ko...binigyan ako ng tita ko ng tuta I named it sushi kasi favorite food namin ni tita yun.I miss my tita,kaso di ko na sya makakasama eh.She was murdered when I was just 7 years old.

Natigil ako sa pagiisip ng tawagin ako ng isang lalaki.

"Hoy miss anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin.

"Nandito ako para turuan kayo ng leksyon" matapang kong sabi.

"Aba ang tapang mo ah,at bakit mo kami tuturuan ng leksyon huh!?" Sigaw nya.Tiningnan ko yung aso,nakabulagta na sya at may dugo sa ulo.

"Wala kasi kayong awa,pati aso dinadamay nyo" galit kong sabi.

"Paki alam mo ba huh!?" Sigaw ng isang lalaki akmang sasapakin na nya ko pero naiwasan ko yun.

Bali may tatlong bastardong lalaki ang kailangan kong patulugin.

Sumugod din yung isa kaso naunahan ko sya,nasapak ko sya sa mukha napaupo sya pero di parin knock out,Yung isa naman sumugod din kaso nasipa ko agad sya sa pagkalalaki nya,at talagang hindi sya makatayo dahil sa sobrang sakit nun WAHAHAHA. Bagay yan sayo.Naramdaman kong may susugod mula sa likod ko kaya yumuko agad ako at patalikod ko syang sinipa.Yung isa naman sinapak ko ng sobrang lakas yung mukha para makatulog na.Sweet dreams nalang sa kanya at dahil din sa pagod na yung isa madali ko na syang napatumba.Upper cut lang pala katapat nya eh tsk.

Agad kong nilapitan yung aso,Isa syang Shih Tzu.Hinawakan ko yung pendant ng collar nya nilabas ko yung phone ko at binuksan ko yung flashlight para makita ko yung nakalagay dun.Nagulat ako dahil 'Pur' yung nakaengraved sa pendant ng collar nya.Kinarga ko agad sya.Ito yung aso ni mokong diba? Pabaya talaga sya tsk.Napalingon ako sa likod ko dahil  pasugod na yung isa sa mga nakalaban ko habang may hawak na kahoy.San nya nakuha yun?.Pinikit ko yung mata ko kasi no choice na tatamaan talaga ako di ko naman pwedeng ihulog si Pur diba? Handa na kong mapalo kaso bigla lang bumulagta yung lalaki.May lalaki sa likod nya,baka sya yung sumuntok sa lalaki.Tinapat ko sa kanya yung flashlight ng phone ko.

"WILLIAM?!" Kunot noo kong tanong.Di nya ko pinansin bagkus lumapit sya at kinuha sakin si Pur.

"Pur,I thought iniwan mo nadin ako" malungkot nyang sabi,akala ko puro kalokohan lang alam nya.May ganto pala syang side.

"William,dalhin na natin si Pur sa Vet." Nagaalala kong sabi.

"A-Andy? Si-sige Tara na" di ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nung nakita ko tong side na to ni William.Siguro naaawa lang  ako sa kanya,tama awa lang to.

Sumakay ako sa motor ko,sinusundan ko lang yung kotse nya.Nag aalala din ako kay Pur,kasi naaalala ko talaga si Sushi sa kanya.

Nakarating na kami sa animal clinic.Buti nalang di pa nakakaalis yung doctor.Agad nilang ginamot yung mga sugat ni Pur.

Habang nagaantay kami ni William walang nagtangka na magsalita.Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin,kaya tumingin din ako.

"Bakit ka nakatingin sakin?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Anong ginagawa mo sa park kanina?" Nagtataka nyang tanong.Tinitigan ko muna sya saka ko kinuwento ang lahat ng nangyari kanina.

Pagkatapos kong magkwento tiningnan ko wrist watch ko.Halos isa't kalahating oras na kong wala sa bahay.Kaya nagpaalam na ko.

"William alis na ko ah,Balitaan mo nalang ako"palabas na sana ako ng clinic ng bigla nya kong tinawag.

"A-andy salamat,Kung di ka siguro dumating dun,Ma-malamang maiiwan nanaman akong magisa..." Napatingin ako sa kanya.Bakas ang magkahalong tuwa,pagaalalanat lungkot ang mata nya.

Ngumiti ako bago ako lumabas.

My First (Boy) CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon